VI

747 36 9
                                    

Bizarre Love Triangle




Chapter
VI



Jade's PoV


Mukha kaagad ni mama ang aking nasilayan pagmulat ko ng mga mata. Nakayuko ito ng slight lang at nakapikit ang mga mata na parang nagdadasal. Hawak-hawak din nito ang kaliwang kamay ko at nang tingnan ko ang magkahawak naming palad ay napansin kong may nakapulupot na rosary rito. So tama nga ang iniisip ko, nagdadasal nga talaga si mama.


     "Ma?" Ayaw ko sana siyang istorbohin ngunit nauuhaw ako.


     "Jade?" Naluluhang nagmulat ito ng mga mata at pasigaw na tinawag si dada. "Oscar! Oscar!"


     "Ma, anong nangyayari?" Ngunit boses ni kuya Gab ang narinig kong sumagot. Titingin sana ako sa kinaroroonan nito pero hindi ako makalingon sa kaniya. Para kasing may nakapulupot na something sa aking leeg at pinipigilan akong makagalaw.


     "Gabriel, tawagin mo si Dr. Morales please! Sabihin mong gising na ang inyong kapatid!" Umiiyak ngunit nakangiting utos ni mama kay kuya na hindi inaalis ang mga titig sa akin.


     "Amanda, anong nangyayari?" Habang hinihintay naman naming dumating ang doctor na pinatawag ni mama ay dumating naman si dada.


     Lumingon na si mama this time sa may pintuan at masayang sinabi kay dada na gising na ako. "Oscar, gising na ang ating bunso." Mangiyak-ngiyak niyang saad. Nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang reaksyon ni mama. Ilang oras ba akong natulog?


     "Jade?" Mabilis na naglakad si dada palapit sa aking kama at napansin kong naluluha rin ang mga mata nito. Hinaplos din niya ako sa pisngi saka binigyan ng halik sa noo. "Salamat naman at nagkamalay ka na anak." Bulong nito. Ngumiti na lamang ako rito bago humingi ng tubig kay mama.


     "Mama, nauuhaw ako. Can I please have some water?"


     "Sige anak, kukuha si mama." Naglakad ito sa mesang nasa dulo ng kwarto. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang basong may nakalagay na straw at tinulungan akong mainom 'yon.


     "Amanda?" Makaraan ang ilang minuto, bumukas ang pintuan at may babaeng pumasok na nakasuot ng puting damit at may nakasukbit na stethoscope sa leeg. Pinagmasdan ko ito habang naglalakad siya palapit sa amin. Namukhaan ko naman agad kung sino ito kaya ngumiti ako nang magkasalubong ang aming mga mata.


     "Hi po ninang." Bati ko rito.


     "Oh thank God!" Bulalas niya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. "Akala ko magkaka-amnesia ka nang bata ka. Pinag-alala mo kaming lahat Jade."


     Natawa ako sa naging reaksyon nito. Pagkatapos ay nagbaling naman ako ng tingin sa dalawa kong kuya na nakatayo sa dulo ng aking kama.


     "Hi bunso." Malambing na bati ni kuya Paul nang magtama ang aming mga mata. May pakaway-kaway pa itong nalalaman kaya lalong lumapad ang aking pagkakangiti.


     "Hi kuya Paul." Masiglang bati ko at kinawayan rin ito.


     Napatingin naman ako kay kuya Gab nang mapansing naglalakad ito palapit sa akin. "Kamusta na ang iyong pakiramdam?" He asked nang nasa tabi ko na siya. Napansin kong malamlam din ang mga mata nito.


     "I'm fine kuya, ano ba naman kayo? Konting galos lang 'to, malayo sa atay." Biro ko sa kanila habang sinusuklay-suklay ni dada ang buhok ko.


Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon