Bizarre Love Triangle
Chapter
XVIJade's PoV
Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking mag-inang masayang nagkukulitan sa garden habang nakaupo ako dito sa backporch ng aming bahay.
"Love, dapat pinapatulog mo na siya." Sabi ko kay Althea who's lying on the grass and our daughter's sitting on top of her.
Mag-aalas dos na kasi so dapat nag-a-afternoon siesta na si Jhea pero ewan ko ba sa batang 'yan. Napaka-hyper pa rin niya at parang hindi man lang napapagod sa kakatakbo ng paroo't parito.
"Hayaan mo na love, minsan lang naman 'to." Nakangiting sagot naman no'ng isa habang panay ang pagkiliti sa anak namin.
"Fine." Pagpayag ko at ibinaling na lang ang atensyon kay baby André na nakaupo sa stroller nito. "Yaya, pakibigay nga po si André sa akin." I said in a hushed tone para hindi ma-startle ang anak ko.
Agad namang tumalima si yaya at dahan-dahang binuhat mula sa stroller si André upang ibigay sa akin.
"Thank you." Sabi ko sa yaya nang nasa akin na si André. Tinitigan ko naman ng maigi ang mukha ng bunsong anak namin ni Althea at kinausap ito. "Baby, ang kulit ng mami at ate mo ano? 'Buti ka pa, behave lang habang hawak ni momma." Ngumiti siya na tila ba naintindihan nito ang aking sinabi.
"Sali ka na lang sa'min pag malaki ka na bunso!" Pasigaw na sabad ni Althea mula sa damuhan kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. Tatawa pa sana ito ngunit napa-double take siya sa aking gawi at nanlaki ang mga mata. "Jade!"
Dali-dali niyang binuhat si Jhea at nagmamadaling lumapit sa akin. And I think I already know the reason why. "What?" I asked with an arched eyebrow.
Pinakarga muna nito si Jhea sa nakaabang na yaya saka hinarap ako ng nakakunot-noo. "Hindi ba sinabi kong bawal kang magbuhat?"
I rolled my eyes at her dahil umandar na naman ang pagiging overcaring niya kahit hindi naman kailangan. Hindi sa ayaw ko ang pagiging ganito ni Althea but sometimes nagiging sobra na. "Althea, anak lang natin 'tong buhat-buhat ko hindi isang sakong bigas." I reasoned but she still took our son from me.
"Kahit na. Mabigat na kaya itong si bunso, hindi ba baby?" Giit nito habang kausap si André gamit ang boses pambata.
Bigla tuloy akong nakadama ng pagkainis laban sa kaniya ngunit pinigilan ko ang sariling huwag siyang bulyawan para hindi kami mauwi sa pagtatalo. Isa pa, ayokong makita ng mga bata na nag-aaway kaming dalawa kahit hindi pa nila naiintindihan ang mga nangyayari. Tumayo na lamang ako at naglakad papasok sa loob ng bahay.
"O, saan ka pupunta?"
Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang hagdan paakyat ng second floor. Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa paakyat nang biglang may humawak sa akin. Nang tingnan ko kung sino ito, nakita ko si Althea sa aking tabi. Sinundan niya pala ako nang hindi ko namamalayan.
"Sorry na love." Sabi nito sa nagmamakaawang boses.
At dahil marupok ako pagdating sa kaniya, agad na nawala ang inis na nararamdaman ko para rito. Nginitian ko ito at niyakap sa batok habang magkasabay naming inilapit ang mga labi namin sa isa't isa para pagsaluhan ang isang matamis na halik.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
Hayran KurguBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...