I

1.8K 44 7
                                    

Bizarre Love Triangle




Chapter
I



Althea's PoV


Isang bahay ang kasalukuyang nasusunog ngayon dito sa loob ng isang exclusive subdivision sa Quezon City. Volunteer firefighter ako sa aming barangay at ang mga kasamahan ko sa firestation ang isa sa mga grupo ng bumberong rumesponde. May iilang truck na ring nakaparada sa daan. Marahil ay tinawagan din ang mga ito ng subdivision para tumulong sa pag-apula ng apoy ng hindi na lumaki o madamay pa ang mga katabing bahay.


"Batchi, ano na ang sitwasyon?" Agad na tanong ko nang makarating sa tabi ng bestfriend kong isa ring bumbero. Kararating ko lang din kasi galing sa trabaho. Pinalitan ko siya sa paghawak ng nozzle ng hose na nagpapakawala ng tubig sa nasusunog na bahay.


"Tsong, ligtas na ang mag-asawang Tanchingco," nakahinga ako ng maluwag sa narinig, "pero 'yong anak nilang babae naiwan daw sa loob. Nahirapan ang mga kasamahan nating hanapin siya." Dagdag niya na nagpabilis sa pagpintig ng puso ko.


"Ha? Nasa loob pa ba sila?" Kinakabahang nagpalinga-linga ako sa paligid.


"Lumabas sila Cha, nawalan kasi ng malay si Fajardo kaya pinagtulungan nilang buhatin palabas. Masyado nang makapal ang usok sa loob sabi nila." Sagot ulit nito.


"Kailangan ko ng mga taong papasok muli sa loob para hanapin ang anak ng mag-asawa. Sinong magvo-volunteer?" Rinig naming tanong ni chief malapit sa aming pwesto.


"Chief ako na lang." Walang pagdadalawang-isip kong presenta sa sarili." Nahihiya kasi dahil late akong nakarating dito. Isa pa, gusto ko rin talagang makatulong sa paghahanap.

"Samahan ko na si Althea chief." Sabi rin ni Batchi sa aking tabi.

"Okay, kayong dalawa. Sino pa?" Tanong niya ulit sa iba pa naming kasamahan habang palinga-linga sa kanila.


"Chief ako." Nagtaas ng kamay si Leo, pinsan ni Batchi.


"Dela Cruz." Tinanguan siya ni chief. "Wala na ba?" Nang wala nang sumagot ay napailing ito ng ulo. "Alvaro samahan mo na sila." Dagdag niya sabay turo sa isa naming kasamahan.


"Okay chief. Tara!" Sabi ni Tommy saka nagmamadali na itong kumuha ng mga kakailanganing kagamitan at pamproteksyon sa katawan na gagamitin namin sa pagpasok sa loob.


Nang makapasok ay hiwa-hiwalay kaming apat na naghalughog sa buong bahay. Nahirapan pa ako no'ng unang mag-adjust para makita ang dinadaanan dahil nga sa ma-usok na kapaligiran. Pero kahit gano'n ay sinikap ko pa rin mabuksan isa-isa ang bawat pinto ng kwartong aking nadadaanan.


Letse! Nasaan ka na ba? Mura ko sa isipan. Ilang minuto na kasi kaming naghahanap dito sa loob ngunit hindi pa rin namin makita ang anak ng mag-asawa. Pero makaraan ang ilang sandali, may nahagip ang dala kong flashlight na parang hugis taong papaakyat ng hagdan. Mabilis ko 'yong sinundan dahil baka 'yon na ang anak ng mag-asawa.


Napadaan ako sa isang kwartong bukas ang pinto kaya pinasok ko iyon. Buti na lang at medyo hindi na gano'n kakapal ang usok sa loob dahil sa nakabukas na mga bintana. Nang wala akong ibang makita ay naisipan kong silipin na lang ang mga aparador at ang banyo bago lumipat sa kabilang kwarto.


"Tulong!"


Napatakbo ako sa direksiyong pinanggalingan ng sumigaw. Sigurado kasi akong iyon na ang anak ng mag-asawa kaya binilisan ko pa ang pagtakbo. Pagpasok ko sa loob ng banyo, nakita ko ang isang babaeng nakaupo roon at may hawak na basang kumot.


Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon