Bizarre Love Triangle
Last Chapter
XXIIIJade's PoV
I am currently driving on my way to nanay Grace's house at malapit ng makarating nang may mamataan akong isang napaka-pamilyar na kotseng naka-park sa harap ng gate nila.
Dahil doon ay dahan-dahan kong pinatakbo ang aking kotse upang makahanap ng pwedeng pag-iwanan nito, only to realize na wala nang ibang space bukod sa spot na nasa harapan mismo ng naturang sasakyan.
Wala na tuloy akong choice kundi pumarada doon and after turning the engine off, I decided to stay a little bit here inside my car.
Huminga ako ng malalim to calm myself. Unti-unti na naman kasing bumabangon ang galit na naramdaman ko during that day I saw Althea and Lynne in front of our house.
At para maging effective ang ginagawa ko ay inisip ko na lang that I came here not to have an argument with my wife but to say sorry instead sa ginawa kong pang-aaway sa kaniya the last time we talked.
Still, hinanda ko pa rin ang sarili ko sa maaari kong madatnan kapag pumasok na ako sa loob just in case. And when I think I'm ready enough ay binuksan ko na ang pinto sa aking tabi upang lumabas ng kotse pero nagkataon namang lumabas din sina Althea at Lynne from the gate, both smiling widely towards each other.
Pero mabilis pa sa kidlat na nawala ang ngiti sa mukha ng asawa ko the moment na nakita niya ako. Nagkatitigan kami for almost five seconds, siya na parang ipinako ang mga paa from where she's standing at tila walang planong umalis sa tabi ni Lynne para lapitan ako. When I realized na hindi nga siya lalapit sa akin ay umiling ako at frustrated na bumalik sa loob ng aking kotse upang lisanin ang lugar.
"Ano na naman ang problema mo my dear sister?"
Iyon kaagad ang itinanong ni Paul pagpasok ko here sa aming sala, nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng fashion magazine.
I sat beside him at naka-crossed arms na ikinuwento ang nangyari sa pagpunta ko sa bahay nina nanay Grace and after hearing what I said ay mabilis nitong ibinaba ang binabasa at nagtaas ng isang kilay.
"You mean dinadala na rin ni Althea ang babae niya sa bahay ng mother-in-law mo? The nerve—"
"Look kuya, I'm not sure kung may relasyon nga talaga sila okay, in-assume ko lang." I defended with a raised eyebrow. Kahit kasi naiinis ako kay Althea, ayoko namang magalit sa kaniya ang pamilya ko.
Nagtitigan kami pero hindi nagtagal ay bumalik ito sa pagbabasa ng magazine.
"Balak ko pa naman sanang umuwi na sa bahay namin." Basag ko naman sa katahimikang biglang bumalot sa amin.
"Mas maganda nga 'yan kesa namang nandito ka lang at nag-iisip ng mga tamang hinala mo tungkol kay Althea."
"Tamang hinala? I don't do that."
"Reaaaaally Jade?"
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
FanficBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...