VII

731 37 4
                                    

Bizarre Love Triangle




Chapter
VII



Althea's PoV


Nagising ako dahil sa amoy ng gamot sa paligid na siyang nalalanghap at nagpapagising sa'kin tuwing umaga. Tatlong araw ko na kasing binabantayan si Jade dito sa ospital na pinagdalhan ko sa kaniya nang siya ay mawalan ng malay.


"Good morning." Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan namin at pumasok si Dra. Tanchingco, ang ina ni Jade. Ngumiti siya sa aking gawi habang naglalakad palapit sa kama ng anak niyang natutulog pa.


"Magandang umaga rin po." Bati ko sa mahinang boses saka nagbawi ng tingin. Nahihiya kasi ako dahil sa nangyari sa anak niya noong nakaraang linggo.


"I brought breakfast. Kumain ka na muna Althea." Sabi nito ngunit hindi ako tuminag mula sa aking pwesto. Nakakahiya talaga. Ang bait-bait pa rin ng pakikitungo niya sa akin kahit na muntik nang may mangyaring masama sa baby ni Jade ng dahil din sa'kin.


"Mama?" Nabaling ang atensyon namin kay Jade na kakagising lang. "Good morning." Sabi niya sa amin saka nginitian ako ng pagkatamis-tamis. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko dahil doon.


"Kamusta na ang iyong pakiramdam anak?" Buti na lang at kinumusta siya ni doktora kaya nabaling ang mga titig nito sa kaniyang ina.


"I feel fine now 'ma. So, may I go out na po?" Sagot niya rito. Pinilit niya ring umupo kaya nilapitan ko ito upang tulungang makaupo ng maayos. "Thank you." Sabi niya na tinanguan ko naman bilang sagot at bumalik muli sa aking pwesto.


"Anak, tomorrow ka pa makakalabas sabi ni Dra. Sy. Nagkausap kami kanina and she told me na kaya ka nag-bleeding ay dahil maselan ang iyong pagbubuntis since this is your first time." Tahimik lamang akong nakinig sa pinag-uusapan nilang mag-ina. "Mabuti na lang at walang nangyari sa apo ko." Dagdag pa ni doktora. Nakonsensya na naman ako.


"Pero nabo-bored na talaga ako sa kakaupo ng buong maghapon dito. I wanna go out kasama si Althea." Reklamo nito sa ina sabay muwestra ng kaliwang palad sa aking gawi. Lihim akong natawa sa ginawa niya dahil mukhang mababaliw na ito kapag nanatili pa siya ulit dito sa ospital ng isang araw. Ako rin naman ah! Kaya parehas lang tayong bagot na bagot na Jade.


Ako kasi ang tipo ng taong nababagot kapag walang ginagawa sa buhay. At dito, wala akong ginawa kundi maupo at manood ng tv buong araw habang binabantayan siya. Hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Ang gusto ko kasi ay makahanap na ng trabaho para magkaroon na ako ng kita dahil ang dami na naming mga bayarin sa bahay.


Pero iba naman si Jade. Siya ang tipo ng taong madaling magsawa. Mapa-trabaho man o sa mga materyal na bagay. Pati nga tao damay na rin sa listahan ng mga pinagsasawaan nito. Iyon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon. Nagsawa siya sa'kin kaya naghanap siya ng iba. Nasaktan talaga ako noon, lalo na nang malaman kong sumama ito sa isang lalaki papuntang Amerika.


Tatlong taon siyang nawala tapos ngayon bigla na lang siyang magpapakita sa'kin at hahabol-habulin ako para lang sabihing hindi totoong iniwan niya ako noon. Anong tingin niya sa'kin? Isang laruan na kapag ayaw na ay iiwan na lang kung saan? Tapos 'pag naalala ay saka babalikan na parang wala lang siyang ginawang nakakasakit. Bobo nga ako pero hindi ako tanga.


Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon