XI

557 32 10
                                    

Bizarre Love Triangle




Chapter
XI



Althea's PoV


Kinaumagahan, maaga akong gumising para pumunta sa kanila ni Jade. Ayoko na sanang bumalik pa doon dahil sa nangyari noong nakaraang linggo. Pero dahil sa pinag-usapan namin ng amain ko kagabi ay maglalakas-loob ako ngayong bumalik upang kausapin ang ama nito.


     Alas singko pa lang ng umaga, gumising na ako upang makapaghanda muna ng agahan. Biyernes pa lang naman kasi kaya may isang araw pang pasok ang tatlo kong kapatid.


     "Len, kumain na kayo." Tawag ko mula sa kusina. "Ang mga baon niyo para mamaya 'andito na rin." Dagdag ko sa sinabi.


     Naunang lumapit si Pao-Pao sa mesa at inamoy-amoy ang mga nakahain bago umupo sa isang silya. "Ang bango naman ng mga 'to." Natatakam niyang sambit na ikinatawa ko.
Nilapitan ko ito saka pinisil sa ilong. "Wow, ang bilis mo ha. Hindi mo pa nga natatapos ibutones 'yang polo mo."


     "Mamaya na lang ate, nagugutom na kasi ako eh." Sagot nito saka sumubo na. Napailing naman ako habang pinagmamasdan ito.


     Pagkatapos nilang kumain ay hinanda ko na rin ang scooter ko para makaalis.


     "Ate, may pupuntahan ka rin ba?" Tanong ni Len-Len nang makita niyang tinutulak ko malapit sa gate ang aking scooter.


     Nilingon ko ito "Ah oo Len. Babalik din naman agad ako." Kinapa ko ang bulsa sa likod ng suot kong maong upang kunin ang wallet ko. "Baon niyo nga pala."


     Parang nagdadalawang-isip pa ito kung tatanggapin ba o hindi ang perang iniaabot ko. "Ate, may natira pa naman akong pera kaya huwag na lang muna."


     "Eh baka may kakailanganin pa kayo sa school kaya kunin mo na 'to." Pamimilit ko.


     "Ate, ako kailangan kong kumain kaya tatanggapin ko 'yan." Sabad ni Pao-Pao na kalalabas lang ng bahay bitbit ang bag nito.


     "O, narinig mo 'yon Len? Bawal magutom si bunso, baka biglang pumayat si Pao-Pao." Natatawa kong biro sa bunso namin.


     "Tama ate." Patango-tango namang sang-ayon nito na lalo kong ikinatawa. Matapos kong ibigay ang baon niya ay dumapo ang tingin ko sa katabi nitong si Yan-Yan.


     "Good morning." Bati ko sa kaniya pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Hindi ko na lang pinansin ang pambabalewala niya. Tiyak kasi akong balang-araw magsasawa rin ito sa ginagawa at kakausapin na ako.


     "Sige ate, maraming salamat." Paalam ni Len-Len saka kinuha ang natirang pera sa akin. Tapos ay inakay na nito ang dalawang kapatid namin palabas ng gate upang mag-abang ng masasakyang traysikel.


     "Mag-ingat kayo." Pahabol kong sabi.


     Hindi pa kasi gising si tito Raffy kaya hindi sila nito maihahatid gamit ang sasakyang hiniram daw niya sa isang kaibigan. Tiningnan ko ang tinutukoy kong kotse na nakaparada dito sa loob ng gate. Mag-iisang buwan na itong nasa kaniya kaya tiyak akong binili niya ito gamit ang perang natanggap nito mula kay Oscar.


     Naalala ko tuloy. Pupuntahan ko nga pala ang taong 'yon upang kausapin. Nagsuot muna ako ng helmet bago sumakay sa scooter at pinaandar ito. Hindi na lang ako nagpaalam kina nanay dahil siguradong tulog pa ito saka hindi naman ako magtatagal doon.







Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon