Bizarre Love Triangle
Chapter
VAlthea's PoV
Bumagsak sa sahig ang cellphone kong hawak pagkatapos marinig ang sinabi ni Fifi sa kabilang linya. Pinagpawisan din ako ng malamig at nanindig ang mga balahibo dahil sa kaba.
"Diyos ko." Usal ko. Paano nangyari 'yon? Eh kanina lang kinausap pa niya ako.
". . . Althea? Are you still there? Ano 'yong narinig kong bumagsak? Are you alright over there? . . ."
Pinulot ko sa sahig ang nahulog na cellphone at sinagot muli si Fifi.
"Ah, Fi-fifi sa-saang o-ospital siya di-dinala?" Nauutal kong tanong. Para kasi akong kinokonsensya kahit wala naman akong kinalaman sa nangyari kay Jade.
". . . ang mabuti pa, dadaanan kita Cha. Papunta na kasi ako ng ospital at on the way naman 'yong store kaya hintayin mo na lang ako sa labas . . . "
Pinatay kaagad ni Fifi ang tawag pagkatapos sabihin 'yon. Agad ko namang hinanda ang sarili sa maaaring madatnan pag nakarating na kami mamaya sa ospital na pinagdalhan kay Jade.
'Flashback'
Isang malutong na sampal ang agad sumalubong sa akin pagdating ko sa ospital.
"Raphael ano ba?!" Pigil ni nanay nang umakmang sasampalin na naman ako ng asawa niya.
"Ba't ka nandito ha?! Lumayas ka! Wala kang kwentang tao! Wala kang kwentang anak! At lalong-lalo na, wala kang kwentang kapatid!" Nanlilitid ang mga ugat sa leeg na sigaw ni tito Raffy sa akin saka dinuro-duro pa ako. Wala naman akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.
"Raf, pakiusap tama na sabi eh." Tinabig ni nanay ang kamay nitong nakaduro sa akin at hinarap ako. "Tahan na anak. Huwag ka nang umiyak." Sabi niya habang pinapahid ang mga luha sa aking pisngi.
"Ngayon iiyak-iyak ka na parang tanga!" Bulyaw ulit ni tito Raffy. Hinablot pa ako nito saka itinulak kaya tumama ang likod ko sa pader ng ospital.
"Raf! Ano ba?!" Pumagitna si inay sa aming dalawa. "Huwag mo naman sanang isisi ang lahat kay Althea. May kasalanan din si Amy kaya nangyari ito sa kaniya. Oo, masakit Raffy! Masakit mawalan ng anak pero anak ko rin si Althea kaya pakiusap tama na." Umiiyak na pakiusap ni inay sa kaniya.
Nag-angat ako ng ulo upang salubungin ang mga titig ni tito Raffy. Galit na galit pa rin ang mukha nito habang tinitingnan ako. Nakakuyom pa ang dalawa niyang palad at ramdam kong gusto pa ako nitong saktan.
"Anak," mahinang sambit ni nanay nang harapin niya ako, "pagpasensyahan mo na sana ang tito Raphael mo." Pakiusap nito na tinanguan ko naman bilang sagot.
Ayoko na kasing pahabain pa ang usapan. Hahayaan ko na lang kung anong iisipin ng asawa niya tutal hindi naman 'yon maniniwala kahit sabihin ko kung anong totoo. Ako at ako pa rin ang sisisihin ni tito Raffy kung bakit naaksidente si Amy.
Umalis kasi si Amy ng bahay kanina. At ang paalam niya sa akin, may gagawin lang daw silang group project sa bahay ng isa nilang kaklase kaya pinayagan ko siyang umalis. Wala akong kaalam-alam na hindi pala totoo 'yon. Ang totoo kasi ay nakipagkita siya sa boyfriend niyang si Ziggy para makipag-tanan. Tapos nalaman na lang namin ang nangyari sa dalawa nang tawagan si tito Raffy ng kaibigan nitong pulis at ibinalita ang sinapit ni Amy.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
FanfictionBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...