Part 32

621 33 0
                                    

His room is very clean mas malinis pa ata ito sa kwarto ko. Nakaayos lahat ng gamit, his scent also attacked my nose, makakatulog ba ako dito? Umupo ako sa kama niya, It's so soft kaya naman natuwa ako at humiga

"You can...Uhm.. sleep here, I'll just check them... downstairs"  oh right I forgot he's with me pala, nang tumingin ako sakanya ay napalunok siya at umiwas tingin. What's wrong with him? May sakit ba siya? Pulang pula ang mukha niya

"What's with your face? Are you sick?" Lalapit na sana ako pero tinaas niya ang kamay niya para pigilan ako. 

"No..I'm not sick. It's just..." Pumikit siya ng mariin " It's.. hot here, I'll just check them"  I nodded dahil mukhang nag mamadali siya. Weird hindi naman mainit dito. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto, dito ba siya madalas natutulog? Binuksan ko ang walk in closet niya, marami siyang gamit dito, I guess dito nga siya madalas. Bumalik ako ulit sa kama at pabagsak na humiga. His scent made me feel sleepy, I love his scent, his scent make me feel safe, it's like he's beside me and always ready to protect me. Maybe I should stop being awkward around him. I am being unfair to him. He don't deserve how I treat him lately, but I can't stop my heart beating so fast when his around, that's why I panicked every time he's with me,  hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa tunog ng pag bukas ng pinto, gumalaw ako at tumingin sa paligid, asan ako? Hindi ito ang kwarto ko! Dali dali akong bumangon at napatigil ng makita ko si CK na nakatapis lang!

"Uhm.. did I wake you up?" Andito nga pala kami sa ware house nila. Bakit ko ba nakalimutan yun. My heart is beating so fast again! Argh!

"No." Namamaos kung tugon. Kumuha siya ng damit niya at nagbihis siya sa harap ko! Kung makapag bihis para walang babae sa kwarto, siguro sanay na sanay ito na may babae sa paligid niya. I imagined him being with other girl, parang gusto kong manabunot!

"Are you alright?" Nakakunot noo niyang tanong saakin, nakatingin siya sa kamay kong ready nang manuntok

"Uhm..yeah" Sagot ko at tinanggal ang comforter na nakabalot saakin para bumangon

"Dinner is ready, mauna ka nang bumaba" tumango na lamang ako bilang tugon sakanya, dali dali naman akong bumaba dahil nagugutom na rin ako, pero bumagal ang lakad ko ng may marinig akong tawanan sa dinning area, akala ko ba umuwi na sila? Tahimik akong pumunta sa lamesa napatingin naman sila saakin. Kaya ngumiti nalang ako, ngumiti din saakin ng pilit yung malanding steffanie. Umupo na ako at kukuha na sanang pagkain ng pigilan ako ni steffanie

"We're not yet complete so wala munang kakain" aniya at plastik na ngumiti saakin

"Bakit naman dati nong wala pa ako pag punta ko rito kumakain na kayo" reklamo ng isa nilang kasamahan

"Bro, kalimot limot ka kasi" pang aasar ng isa pa nilang kasamahan na parang may lahi, he has a pointed nose , blue eyes, and have a one dimple on his right cheeks. He's cute!. Nag aasaran silang dalawa at pabirong mag susuntokan.

Napatingin naman ako kay kuya na busy sa cellphone niya. I wonder kung may girlfriend na to. He's always busy with his cellphone.

"Yown makakain na" ani nong madaldal nilang kasamahan na jeff daw ang pangalan, nakita niya kasing pababa na si ck ng hagdan, kaya naman dali dali na siyang kumuha ng pagkain kaya naman sinamaan siya ng tingin ni steffanie  pero hindi naman siya natinag. Ang iba naman ay kumuha na rin ng sarili nilang pagkain. Umupo si ck sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Ten kaming andito, nasa tapat ko si steffanie katabi naman niya si kuya na nasa tapat ni ck, kakaupo lang ni ck ng biglang tumayo si steffanie para lagyan ng pagkain si ck.

FALLING INLOVE WITH MY BESTFRIEND( Completed)Where stories live. Discover now