Nasa baba silang lahat. Sobrang dami ng mga tauhan ni tita lyra nakapalibut ito kela Ck.
Akala niyo ba ay maiisahan niyo kami? Tita lyra chuckled. Gulat akong napatingin kay Ralf na ngayon ay seryoso lang na nakatingin at hindi mo makikitaan ng kaba "Mr. Romero will not betrayed us...he will never do that to his wife" napaawang ang labi ko sa sinabi ni tita lyra. So Mr. Romero is her husband? Wth!
"Sa mga oras na ito ay papunta na ang mga police" Mr. Gardo smirked "I told the police na meron mga kapwa nilang police nabibili ng drugs ngayong gabi..at kayo yon. Hinding hindi kayo dito makakatakas dahil nakapalibut ang mga tauhan ko sainyo" sinenyasan ni Mr. Gardo ang mga tauhan niya dali dali naman itong naglabas ng lubid at lumapit kela Ck.
"R-Ralf anong gagawin natin" I nervously said. He just looked at me with a serious face
"Calm down Ara..trust them" aniya at iniwas ang tingin.
Ang mga kasama ni Ck ay mga seryoso lang din at hindi mo makikitaan ng kahit kaunting kaba o pagka gulat. Si steffanie at nakatayo lang sa tabi ni Ck na parang walang pakialam sa nangyayari. Hindi ko masiyadong makita ang expression ni Ck dahil nakasuot ito ng sombrero. Tinatalian ng lubid ang mga kamay nila pero wala parin silang pakialam
"You look familiar" ani tita lyra habang nakatingin kay Ck. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Ralf. Lumapit si tita lyra kay Ck at tinanggal ang sombrero nito.
"C-Cyle" gulat na nakatingin si tita lyra kay Ck
"Tita" he casualy said like his life is not in danger. He just stared at her without emotion. It's like he expect all of this to happened. Part kaya ito ng plano nila? Bakit hindi saakin sinabi?
"Y-You're alive" she said trying to calm her self. I can see that she's a bit nervous ang kaninang confident na tita lyra ay parang natuliro ng makita si Ck but despite of that she manage to smile at him. Nakagapos na sila Ck hindi sila nag pupumiglas kalmado lang sila at seryosong nakatingin kina Mr. Gardo
"Kunin niyo ang pera" utos ni Mr. Gardo sa mga tauhan niya. Kinuha ng mga tauhan niya ang limang malaking black bag na nag lalaman ng ten million pesos. Binuksan ito ni Mr. Gardo at inamoy amoy pa ang pera. Sumenyas ulit siya at lumapit naman ang tatlong tauhan para kunin ang mga bag, lumabas ang mga ito marahil ay ilalagay nila ang pera sa sasakyan para hindi makita ng mga police
Narinig namin ang mga paparating na mga police. Rinig rinig ko ang tibok ng puso ko sa kaba dahil baka mabaliktad sila CK. Baka sila pa ang makulong
Pumasok ang mga police at pinuntahan sila CK. Mag sasalita na sana ako para pigilan sila ng takpan ni Ralf ang bibig ko
"Ara. I told you. Trust them. I know na may iba silang plano" medyo kumalma ako sa sinabi ni Ralf. Maybe this is really part of their plan dahil sa nakikita ko sa mga mukha nila. Parang hindi naman sila natatakot
"Hulihin niyo yan. Sila ang sinasabi ko sainyo na mga nag dadrugs"
Ani Mr. Gardo. May mga lumapit na police kela CK at may dalawang kausap na police si Mr. Gardo. Sumenyas ang kausap ni Mr. Gardo at may lumapit na apat na police. May lumapit din kay tita lyra. May tinanong sakanya ang police at parang takot na takot siya kahit na parang wala namang tinatanong na masama ang mga police sakanya.
YOU ARE READING
FALLING INLOVE WITH MY BESTFRIEND( Completed)
RandomBefore we enter relationship we must be ready to the pain that we might feel, because love is full of sacrifices, we need to be strong enough to endure it.