Part 27

612 34 0
                                        


"Thank you ma'am, napakaimportante po saakin ng trabahong ito. Sa totoo lang po wala naman po akong ginagawang masama sakanya kaya hindi ko po talaga alam kung bakit lagi siyang galit saakin" ani angie habang nakayuko

"You're my mother's secretary and one of the trusted employee here that's why she want to get rid of you" I said in a serious tone, " Don't worry hindi ka niya mapapaalis dito"

"Thank you ma'am"

"By the way, where is the office of my mother?"

"15th floor po ma'am, sasamahan ko na po kayo" tumango ako sakanya kaya naman nauna na siyang mag lakad at sinundan ko siya, pagpasok namin sa elevator naamoy ko ang mabangong pabango ng isang lalaking naka cap na tahimik na nag cecellphone. Diretso lang akong nakatingin sa harap ng elevator, nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin ang lalaking nasa tabi ko kaya naman napatingin ako sakanya, mabilis naman siyang umiwas ng tingin hindi ko makita ang mukha dahil nakamask din siya. Naalala ko yung lalaking nagligtas saakin pero imposible naman na sya yon. Ano namang gagawin niya dito? Ipinagkibit balikat ko nalang ito at sumunod na kay angie ng bumukas ang elevator

"Is my daddy here?"

"Yes ma'am, he's with ma'am lyra, andon po sila sa office ng mommy mo" so she's here, ano naman ang gagawin niya dito. Bago kami pumasok ay tumawag muna si angie kay daddy at sinabing narito ako

Pagpasok ko ay nakita ko ang gulat sa mata ni tita lyra pero agad din itong naglaho at napalitan ng ngiti

"Ara, I'm glad you came here" aniya at lumapit saakin para makipag beso, I rolled my eyes

"Stop treating me like we're okay" I coldly said to her at naglakad palapit kay daddy, I kissed his cheeks

"Dad, just focus on your business, don't stress yourself here, leave this company to me, I can handle it"

"Are you sure? Baka kailangan mo ng katulong your sister is there to hel—

"No. I don't need help" I seriously said, napatingin siya sa kadadating lang na si jenalyn, I can see the sadness in my daddy eyes

"Ara she's your sister, she want's this company also, this is her passion, beside I have share in this company" napatingin ako kay tita lyra at tinaasan siya kilay, I guess she does't know na alam ko ang ginawa niya kay mommy hindi lang niya niloko si mommy ninanakawan niya pa ang kompanyang ito!.

"Sorry, but I don't consider her as my sister" I honestly said, tumawa naman si jenalyn

"As if naman na gusto kitang maging sister"

"Ara, give her a chance,let her help you, she's good in designing" jenalyn smirked at me, I can't believe my father! all he care is jenelyn, what about me? Di niya ba iniisip yung mararamdaman ko, hindi ko kayang makasama ang babaeng yan!

"No!" Nanggigil kong turan, he's now angry, I can see it in his face. 

"Ara, wag mong sigawan si daddy" ani jenelyn 

"Ara calm down, daddy mo ang kausap mo, so
do——" napatigil siya ng tumingin ako sakanya na galit na galit

"Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabihan ako, after what you've done to my mother,  you expect me to calm down?! Let me remind you na niloko nyo yung mommy ko!" Napayuko si daddy sa sinabi ko " for god sake daddy! Kamamatay lang ni mommy and then now, you're asking me to be with this girl? Ang anak ng nagpahirap sa mommy ko? Ang anak ng malanding to? At ang babaeng sumira sa buhay ko?" Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay bumubuhos na parang tubig, " Y-you know how I suffer because of this bitch!, D-daddy,I am your daughter too, w-wala ka bang pakialam sa nararamdaman k-ko?"  Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot dali dali akong lumabas para umalis. Wala na akong pakialam kong kumalat na yung make-up ko. Pumasok ako sa elevator buti nalang walang tao, pero nong ito'y pasara may humarang ng kamay para mapigilan ang pagsara, pag pasok niya ay naamoy ko ang familiar na pabango na naamoy ko kanina sa lalaking nakacap. Hindi ko alam kung siya iyon, nakayuko lang ako at tahimik na umiiyak. Nagulat ako ng abotan niya ako ng panyo, napatitig ako saglit sa panyong nasa harap ko, dahan dahan ko itong kinuha ng hindi siya tinitingnan, nang bumukas ang elevator dali dali akong lumabas dahil sa kahihiyan.

Paguwi ko sa bahay ay deretso akong pumasok sa kwarto, I don't wan't nanay verna see me like this, pumasok ako sa room ko na puno ng libro andito ang mga picture namin ni ck, punong puno ito ng picture namin kami mismo ang gumawa nito that's why I like here, I feel like he's just here beside me, Nakaupo lang ako sa isang tabi at tahimik na umiiyak. I miss ck and my mommy.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko nakatulog na pala ako kakaiyak, kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko

Feliz is calling...

[Hello] I hope hindi niya mapansin na umiyak ako

[What's with voice? Umiyak ka ba?]   Naririnig ko na nag tatanong din sila rose .Hindi talaga ako makakapag tago ng secret sakanila masyado nila akong kilala, napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong pag kukwentohin nanaman nila ako

[I'll fetch you in your house and then pupunta tayo sa bar nila rica]

[I'm not in the mood] Wala akong gana mas gusto ko pang matulog nalang, but I know them hindi sila papayag

[Ara you need to relax, basta I'll fetch you later] mag rereklamo pa sana ako, kaso binabaan na ako ng phone


Naligo muna ako bago bumaba para kumain, inayos ko muna ang sarili ko, sinigurado ko na walang bakas ng pag iyak sa mukha ko.

"Di pa rin po ba umuuwi si kuya?"  Tanong ko kay nanay verna


"Naku hindi pa" saan kaya nag pupunta yon at late na nauwi, baka naman may girlfriend na siya agad dito.

Pag katapos ko kumain ay umakyat na din ako para matulog

FALLING INLOVE WITH MY BESTFRIEND( Completed)Where stories live. Discover now