Dali dali akong lumabas ng may marinig akong tunog ng sasakyan. Malaking ngiti ang sinalubong saakin ni Ralf at Aron at nag thumps up
"Success ma'am" ani Aron kaya naman gumaan ang pakiramdam ko at tumakbo ako kay Ck pagkalabas na pagkalabas niya ng sasakyan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap naman niya ako pabalik.
"Did I make you worry?" Napasimangot naman ako sa sinabi niya at hinampas hampas ko siya sa dibdib
"Ano sa tingin mo? Hindi mo man lang ako ginising" he chuckled and hugged me more
"Pag ginising kita baka hindi ako makaalis niyan" he said and kissed my forehead
"Boss naman respeto naman sa mga single" ani Ralf habang tinatakpan niya ang kaniyang mata gamit ang dalawa niyang kamay pero nakabuka naman ang daliri niya kaya't nakikita parin kami.
"Cyle bawal yan" ani kuya at pinag hiwalay kami ni Ck
"Kuya naman nasa legal age na ako" pagmamaktol ko pero hindi niya ako pinansin at inakit na si Ck papasok sa bahay. Lumingon naman si Ck saakin at inilahad ang kamay niya habang nakatalikod siya kaya naman napangiti ako at Hinawakan ko ito at sumunod sakanila
Kumain na muna kami at aantayin natin si daddy na matulog bago pag usapan kung ano ang nangyari kanina.
"I offered three million and he refused it" panimula ni ck. Andito kami ngayon sa library dito sa bahay namin sinara namin ang pinto para walang makarinig saamin. "He wanted ten million"
"That's too much!" Reklamo ko
"Don't worry Ara mababawi din natin ang pera na yon dahil huhulihin din namin si Mr. Gardo" ani aron. Kaya naman nanahimik nalang ako at nakinig
Bukas na gabi idedeliver ni Mr Gardo ang mga drugs. Sana mahuli na sila para bumalik na sa normal ang buhay namin. Kahit na wala na si mommy pipilitin ko ulit ibalik ang dati. After all this years I will now allow myself to be happy again. I know na ito rin ang gusto ni mommy. Mahirap man pero kakayanin ko.
Dito ko na pinatulog sila Ralf dahil gabi na. May isang Guess Room pa naman dito na bakante.
At ito na nga, the day we have been waiting for has come.
Ito na yung araw na huhulihin namin sila sa akto. I'm a bit nervous dahil hindi ko alam kung ano mga posibleng mangyari mamaya. But one thing is for sure. This will end tonight.
Ayaw akong isama ni CK pero nag pumilit ako. Hindi ko kayang manatili dito sa bahay habang sila ay nanganganib ang buhay. Tinanong kami ni daddy kung saan kami pupunta I just told him na pupunta kami sa birthday party ng isa sa mga kaibigan ni CK
"Why?" Pababa na ako ng Van ng pigilan ako ni CK hinarang niya ang sarili niya para di ako makalabas
"Stay here" he seriously said
"What no! Sasama ako!" Sabi ko at pilit akong lumabas pero masyado siyang malakas.
"Ara, stay here. Baka kung mapano ka don. Please" Nagmamakaawa niyang sabi "please baby" he kissed me on my forehead. "Ayokong mapahamak ka"
YOU ARE READING
FALLING INLOVE WITH MY BESTFRIEND( Completed)
RandomBefore we enter relationship we must be ready to the pain that we might feel, because love is full of sacrifices, we need to be strong enough to endure it.