part 1

1.4K 49 0
                                    

Ara (POV)

"Ck akin na kasi yaaaaaaaaaan!" Sigaw ko habang inaabot ang libro na binabasa ko

"Abotin mo na muna" nakakabwisit talaga tong lalaking to pumupunta lang talaga sya dito sa bahay para asarin ako

"Akin naaaaaa!" Namumula na ako sa sobrang inis, Kinuha ko yung unan sa sofa at binato ko sakanya pero nakailag sya

"Bahala ka nga dyan" tinalikuran ko sya at padabog na umakyat sa taas, bahala nga sya sa buhay nya pumasok ako sa kwarto ko at sinarado ito marami naman akong mga libro dito mag babasa nalang ako ng iba. mahilig ako mag basa kaya pag nag bibirthday ako libro ang regalo sakin nila mommy, meron akong room dito sa kwarto ko na punong puno ng mga libro pag malungkot ako doon ako lagi pumupunta

"Ara open the door" I rolled my eyes bahala ka dyan di ko sya pinansin at pinag patuloy ko nalang ang pag babasa ko

"Are you mad?"

"No" maikli kong tugon

"Then open the door" di ako ulit nag salita maya maya narinig ko ang yapak nya paalis, siguro ay uuwi na yon

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto napalingon ako at nakita ko si Ck na dala ang duplicate na susi ng kwarto ko hays si nanay verna talaga

"Hey I'm sorry, wag kana magalit" umupo sya sa dulo ng kama ko kaya napalingon ako sa gwapo nyang mukha

"Oo na" I rolled my eyes pasalamat ka crush kita pero syempre di nya alam yon kababata ko si Ck matagal ko na syang crush pero di ko pinapahalata kasi bestfriend ko sya natatakot ako na may mag bago samin ayo'ko din na mailang sya

"I have something to tell you" tiningnan ko sya at ngiting ngiti sya

"What is it?" Nakakunot noo kong tanong

"Jenalyn is now my girlfriend"  I felt a pang on my chest. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko kapag nagka girlfriend siya. Alam ko naman na mangyayari ito pero bakit parang ang bilis naman.

"Whaaat?!" Napatingin sya sakin na nagugulohan "I-I mean wow Really? Kelan pa?"

"Yesterday" si jenalyn ay matagal na nyang crush and I hate that girl not because nag seselos ako it's because tinatarayan nya ako pag wala si ck, she's actually our childhood friend, pero I don't know kung bakit ganon ang trato nya saakin kaya lagi kaming nag aaway

"That's good then" ngumiti ako kahit naiiyak na ako, I'm sure di nya mahahalata kasi magaling ako mag acting ngumiti din sya pabalik at niyakap ako

"I hope na mag kaayos na kayo I don't want to see the two important girl in my life is fighting"

"I'll try" Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisnge ko

"Anyway I have to go" kinalas nya ang yakap nya sakin at hinarap ako "nag papasama kasi si jenalyn mag shopping do you want to come with us?" Mabilis akong umiling


"No, may gagawin pa akong assignment" Wala naman akong gagawing assignment, ayaw ko lang sumama at baka maiyak lang ako doon

"Okay then aalis na ako" tumayo sya at hinalikan ako sa noo pinanood ko syang lumabas sa kwarto ko pero bago nya isara ang pinto ay nginitiin nya muna ako and I smiled back pagka sara nya ng pinto tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan

I'll support him even if it hurts, it's so hard when you love someone tapos hindi ka pwede mag amin kasi natatakot kang may magbago. Ayaw kong masira ang pag kakaibigan namin dahil lang dito sa nararamdaman ko na 'to.

Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog

Jenalyn is calling.....

I rolled my eyes before I answering it

"What now?"

[Araaa bakit di ka sumama] tsk I'm sure mang aasar lang sya. Alam nya kasing may gusto ako kay Ck

[I have something to do]

[Babe did you already told Ara na tayo na] malanding tanong nya kay ck [yeah I already told her] tugon nito

[That's good you already know na pala were going to mall if magbago isip mo sumunod kana lang]

[Okay] pinatay ko na ang tawag at baka kung ano pa ang masabi ko

Instead na mag mukmok ako sa kwarto bumaba ako para kumain ganito ako palagi pag malungkot kakain habang nag babasa kaya medyo mataba ako

"Bakit parang malungkot ang alaga ko" tanong ni nanay verna. Simula bata ako sya na ang nag aalaga sakin my parent's are always busy minsan ko na nga lang sila makita kaya nabobored ako dito sa bahay yung kuya ko naman nasa US minsan lang din umuwi may business kasi sya don na inaasikaso and I understand them naman

"Girlfriend na ni Ck si jenalyn nanay verna" tumulo nanaman ang luha ko. Lumapit saakin si nanay verna at niyakap ako

"Okay lang yan Ara 19 ka pa lang marami ka pang makilala" pag aalo sakin ni nanay verna I'm so glad na may nanay verna ako na laging andyan para makinig saakin. Noong bata pa ako s'ya yung laging nag tatanggol saakin pag inaaway ako ni jenalyn ginagalitan kasi ako nila mommy dahil akala nila ako ang nag sisimula ng away akala nila mabait si jenalyn. Mabait lang naman siya pag kaharap ang ibang tao.

FALLING INLOVE WITH MY BESTFRIEND( Completed)Where stories live. Discover now