CHAPTER TWO (New Mechanic)

8.6K 320 52
                                    

Change is hard at the beginning, messy in the middle and worth it at the end. - Unknown

----------------------

Martin's POV

"What can you say?"

Hindi ako kumibo at pabagsak na binitiwan ang dala kong bag nang makapasok sa loob ng bahay. Nang sabihin sa akin ni Declan na siya ang magiging babysitter ko, hindi ko naman akalain na magiging anino ko siya. I wanted alone time for myself. I wanted to be alone in my new place so I could feel the vibe in here. Gusto kong maging pamilyar sa bagong magiging lugar ko.

"Look around. The couch? Ako ang namili niyan. Ganda 'di ba? Try the the lazy boy," sinamaan ko siya ng tingin nang hawakan pa niya ang kamay ko at sapilitan na pinaupo doon. "It's a rip off. I wanted to buy the original one, but Ghost said no. Hindi ako binigyan ng budget. But the feel is still the same."

Magsasalita na lang ako nang biglang hilahin ni Declan ang lever na nasa ilalim at pabiglang nag-recline ang kinauupuan ko. Damn it. Ang sakit sa likod! Pakiramdam ko may sumipang kung ano sa gulugod ko. Agad akong umalis doon at bahagyang hinilot-hilot ang bandang balakang ko.

"Nice 'di ba? Ganda ng lugar mo. Yayamanin," nakangisi pang sabi niya. Proud na proud na tinitingnan ang kabuuan ng bahay. Napangiwi ako. Ano ang yayamanin dito? Tingin ko ay parang pinaglaruan ang bahay.

"Orange? You painted this house orange?" May pandidiring tiningnan ko ang buong paligid. Lalo akong napangiwi nang makita ko ang tablecloth na nakapatong sa dining table. Pink na bulaklakin. Ang mga plato sa pamingganan ay floral themed din.

"Tinatarantado mo ba ako, Laxamana?" Ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Bakit? Anong masama?" Takang tanong niya.

"Anong masama? Look around. Kahit sino ang makakita dito, hindi maniniwalang lalaki ang nakatira dito. Orange. Flower themed tablecloth and plates." Pumako ang tingin ko sa mga nakasabit na frames at cheap paintings na nasa dingding. "Flower paintings? Putangina!"

"Bakit? Ang ganda kaya ng bahay mo," katwiran niya.

Marahan kong hinilot ang ulo ko. Kung ganito ang kapalit ng bagong buhay na sinasabi niya at kasama siya, parang gusto kong mamatay na lang ulit sa cancer.

"I'll burn them once you leave. I'll repaint this fucking house. My place, my rules. My place, my fucking choice of decorations and paints." Matigas na sagot ko.

Nagkibit ito ng balikat at naupo sa fake lazy boy chair at nilaro-laro ang lever noon. Ni-recline at ibinalik sa normal. Paulit-ulit na ginagawa. Napailing na lang ako at iniwan ko na siya tapos ay tinungo ang kusina. Bahala siyang makuba sa ginagawa niya.

Binuksan ko ang ref para makita kung may pagkain doon. Napahinga ako ng malalim at mahinang napamura nang makita ko ang mga nakalagay sa ref.

Low fat milk. Salad. Diet soda. Mga sliced fruits na naka-pack at ready na kainin.

"What the fuck are these? Chick food?" Reklamo ko.

"Ano na naman ang reklamo mo? Nahirapan nga akong mamili ng mga pagkain na bagay sa iyo. Lahat iyan healthy. Bagay na bagay sa iyo na galing sa isang malubhang sakit. You're welcome, ha? Naging dakilang chimay mo ako." There was full disgust on his tone.

Painis kong isinara ang ref at napapailing na hinilot ang ulo ko. Kahit naman dati akong maysakit at kailangan na ingat ako sa mga pagkain, hindi ko naman sinanay ang sarili kong maging hardcore health buff. I am okay now. I am cancer free and I can eat whatever crap food I want to eat.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon