CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)

4.3K 265 10
                                    

"The world breaks everyone, and afterward, some are strong at the broken places." - Ernest Hemingway

----------------------------------------

Martin's POV

Muntik pa akong masubsob sa manibela nang pabigla kong tapakan ang preno ng kotse nang mapatapat ako sa bahay ni Cesar Valderama. Siniguro kong iyon nga ang tamang address at ilang beses akong huminga ng malalim bago tuluyang bumaba. Tumingin ako sa relo at nakita kong mag-a-alas diyes na ng gabi. Kailangang magawan ko ng paraan ito. If I needed to take this woman away from here at itago ko ay gagawin ko para hindi lang ako mabulilyaso kay Matthias. It would be my head on the stick if he learned that I didn't dispose this woman properly.

Nag-doorbell ako at hindi naman nagtagal nang may magbukas ng pinto. May edad na lalaki ang bumungad sa akin at halatang inaasahan ang pagdating ko.

"Si Mr. Valderama?" Tanong ko.

"Kayo si Martin? Pasok. Naroon siya sa opisina niya. Ihahatid ko kayo doon," sagot sa akin at isinara lang nito ang gate tapos ay sinenyasan akong sumunod.

Malaki ang bahay ni Cesar. Halatang alaga sa maintenance. Pero sigurado akong malungkot ang buhay niya dito dahil nag-iisa lang siya. Well, not right now dahil narito ang anak niya at ilang katiwala. Pero ang katulad ni Cesar Valderama ay ang mga taong silent but deadly. He would do anything just to get anything he would want. Even if that means killing those people who would obstruct his quest.

"Sir, narito na ho siya." Sabi ng katiwala pagkatapos kumatok. Bumukas ang pinto at nakita ko si Cesar na nakaupo sa swivel chair niya at may kaharap na bote ng alak. Hitsurang problemado. Sumenyas siyang pumasok ako at itinuro ang upuan sa harap niya. Kumuha siya ng isa pang baso at nagsalin ng scotch doon tapos ay iniabot sa akin.

"Why do you need me here?" Tanong ko sa kanya. "I thought we need to forget each other after that job."

"I already buried that job, Martin. You did well, and I got what I want. And I want you do something for me. This is a request for me that I cannot say no," ramdam na ramdam kong naiinis siya sa sinasabi niya tapos ay tumingin sa akin. "I know ikaw lang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa ganitong bagay."

"Why me?"

"Because she doesn't know who you are and the things you could do."

Kumunot ang noo ko.

Napahinga ng malalim si Cesar at ininom ang hawak na baso ng alak tapos ay muling naupo.

"I know something happened to my daughter. She's mad at me. She hated me all her life and suddenly she came home tonight." Tumingin siya sa akin. "She went missing for a month, then suddenly she came home to me. There's something going on. She was hiding something from me," seryosong-seryosong sabi niya tapos ay tumingin ng makahulugan sa akin. "What if she knew what I did?"

Napakamot ako sa ulo. "I cleaned up your mess. No one knows about it."

"Those people deserve to die. I have them all killed because they wanted to get my company. It's mine and I worked my ass off just to be on top. And I am going to do it all again if someone would try to get what is mine or tried to hurt someone I love." Nagtatagis ang bagang ni Cesar nang sabihin iyon.

Naalala ko ang trabahong iyon. Tatlong tao ang idinispose ko. Dating mga business partner ni Cesar. Siya ang may pinaka-maliit na share nang magsimula ang negosyo niya pero magaling sa business deals ang isang ito. Nagawa niyang palakihin ang realty company at nang makita nang mga business partners niya na halos siya na ang nagpapatakbo noon, gusto nilang i-buy out si Cesar. Babayaran lang ng kung magkano dahil maliit lang naman daw ang share. And one by one, those men started to die. I was the one who was doing that. I made all their deaths looked like an accident. Ang isa ay nalunod. Ang isa ay nalason at ang huli ay nakitang patay sa CR dahil nadulas. Pero ang totoo ay pinukpok ko ng martilyo ang ulo dahil nagpanggap akong karpintero sa bahay nito.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon