CHAPTER FIFTEEN (Changes)

4.2K 257 48
                                    

Any change, even a change for the better, is always accompanied by discomforts. - Albert Bennett

---------------------

Martin's POV

Maagang-maaga ako bumiyahe pa-Maynila kanina. Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay nasa kalsada na ako. Kukunin ko lang ang ilang mga gamit na kailangan ni Elodie para sa gun training niya. Napailing ako habang nakatutok ang mata sa kalsada tapos ay tinapunan ng tingin mula sa rear view mirror ang bag na nasa backseat. Punong-puno ng mga baril iyon. Iba't-ibang klase. During a month of training, she was always blabbing that she wanted to learn how to use a gun. Paulit-ulit at nakukulitan na ako. Ang iilan na dala ko nang magpunta ako sa bahay nila ay kulang na kulang para sa mga ituturo ko sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Pabiyahe na ako pabalik ng Tarlac. Another hour at darating na ako sa bahay nila. Tumingin ako sa relo. Past lunch na. Masarap kaya ang pagkain na daratnan ko? I am freaking starving.

Natawa ako sa naisip kong iyon. Food was okay in that house. Sulit ang pagkain dahil masarap magluto ang matandang katiwala doon. The place was okay too. Nakaka-relax ang paligid na puro puno at sariwang hangin ang masisinghot. Bagay na bagay sa katulad ni Elodie na nagpapagaling pa dahil sa masamang nangyari sa kanya.

Nagtagis ang bagang ko. Nagpapagaling? I don't think so. I knew there was something going on inside her head. Walang normal na tao ang basta na lang kakalimutan ang isang bangungot na nangyari sa kanya. I've been to hell years ago and I had a hard time coping up with it. I had to distract myself just to accept the fate of whar happened to me. Pero kay Elodie, ilang buwan lang ang nakalipas nang mangyari iyon sa kanya pero para na siyang okay na okay.

Physicaly she was perfect right now. Completely different from the woman that almost died in my arms. She changed everything about her. Pati ang mga kilos ay nagbago rin sa kanya. Kahit isang buwan na kaming magkasama ng babae at babad kami sa training, hindi naman kami nag-uusap kung hindi tungkol sa training iyon. Kapag mag-uumpisa kami araw-araw, wala siyang imik na susunod sa mga sinasabi ko. Tinatanggap niya ang lahat ng hirap. Hindi siya nagrereklamo kahit nasasaktan siya. Nakaka-takot ang determinasyon na nakikita ko sa kanya.

Sa tindi ng mga strenuous activities na ibinibigay ko sa kanya araw-araw, dapat naggi-give up na siya. Two-hour run every morning. Krav Maga training and other hand combat. Those trainings na talagang isinusumpa namin sa agency. At talagang sinasadya ko naman iyon para mapagod siya at mahirapan tapos ay hilingin niya sa tatay niya na umalis na lang siya dito at manirahan na sa ibang bansa para makapagsimula ng bagong buhay. That was in my thoughts for quite some time para mawala na rin ang pag-aalala ko na malalaman nila Matthias na buhay pa siya. And most people who endured a tragic situation like her would end up doing that. Magpapakalayo at magsisimula ng bagong buhay.

Just like me. That's what I did the past years. Kinalimutan ko ang lahat. Although hindi ako lumayo sa magulo at delikadong mundo na nakasanayan ko pero ang pamilya ko, kaibigan, ang lahat ng tungkol sa nakaraan ko ay pinilit kong kalimutan at talikuran.

Pero siguro nga, iba-iba ang take ng mga tao sa mga masasamang nangyari sa buhay. But I am having a hard time cracking her. Kung ano ang plano niya. Kung ano ang naglalaro sa isipan niya.

Basta ang alam ko, may pina-plano si Elodie and I am sure it was going to be a fucked up one.

Bumusina ako para buksan nila ang gate ng bahay. Hindi naman nagtagal at may nagbukas na noon. Ipinarada ko ang kotse at kinuha ang bag na nasa backseat tapos ay tumuloy ako sa silid na tinutuluyan ko. Elodie was very vocal that she wanted to know how to use a gun kaya pagbibigyan ko na siya ngayon. Binuksan ko ang bag at inilabas ko doon ang iba't ibang uri ng mga handguns. Mayroon din akong sniper gun doon na kahit alam kong hindi naman niya kailangang malaman ay ipapa-experience ko na rin sa kanya. Her father was paying me well kaya bakit hindi ko ibigay ang request ng unica hija ni Cesar Valderama.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon