No matter how hard the past, you can always begin. Again.
----------------------------------------
Martin's POV
"Will you sit down?"
Tumingin ako sa gawi ni Cesar at nakita ko siyang nakaupo lang at nagsasalin ng cognac sa baso. Iniabot niya iyon sa akin at dali-dali kong kinuha tapos ay inubos at ibinalik sa kanya ang baso. Hindi ko pinansin na naiiling lang siyang nakatingin sa akin tapos ay muling nagsalin ng alak sa baso na hawak.
It's been hours. Mia promised me that she would help me. I gave her the location of Gabriel and she tried to locate Elodie too and we found that they were in the same place. Sigurado ako na binitbit na ng gagong Gabriel na iyon si Elodie. Sigurado akong kung ano-anong katarantaduhan ang sinasabi. Malamang bina-blackmail pa na iwan ako. Para mapunta na sa kanya si Elodie.
Shit.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Baka biglang magbago ang isip ni Elodie at maniwala siya sa gagong iyon. For the first time, makakapatay yata ako ng pulis na mahilig manulot ng girlfriend ng iba.
Kinuha ko ang telepono sa bulsa ko at sinubukan kong tawagan si Mia. Desperado na ako kaya sa kanya na ako humingi ng tulong. Hindi ko naman na maaasahan si Declan. Alam kong badtrip na siya sa akin at sa mga pinaggagawa ko. Naiintindiha ko naman kung ganoon ang reaksyon niya. Sa dami na nga naman ng ginawa niya para sa akin. Tingin ko masyado ko na siyang inaabuso kung magpapatulong pa ako sa kanya ngayon. Ako ang gumawa nito kaya dapat ako ang gumawa ng paraan para malusutan ito.
"Come on, Mia. Pick up," naiinis na ako kasi panay lang ang ring ng telepono ng babae. Napabuga ako ng hangin at inis na ibinato sa sofa ang telepono ko.
"Calm down. Kung mayroong dapat mataranta sa ating dalawa dapat ako iyon dahil ako ang tatay ni Elodie," nagkibit-balikat pa si Cesar nang sinabi iyon.
Parang napahiya naman ako at napahinga ng malalim tapos ay naupo sa sofa. Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko at napayuko.
"I'm worried," halos ako lang ang nakarinig sa sinabi kong iyon.
Dahil totoong iyon ang nararamdaman ko. Nag-aalala ako na baka biglang magbago ang isip ni Elodie at pagbalik niya dito ay hindi na ako ang gusto niya.
"Worried about what? You told me this friend of yours is good. Kailangan ko din bang mag-alala?" Seryosong tanong ni Cesar.
Napapahiyang tumingin ako sa kanya.
"Gabriel likes her." Padaing na sagot ko. "Anong laban ko doon? Sigurado akong kung ikaw ang tatanungin mas gugustuhin mo din naman ang lalaking iyon kaysa sa akin para kay Elodie. Pulis iyon. Straight." Tumingin ako sa kanya. "Trust me, he is a straight policeman. Hindi nababayaran. Ma-prinsipyo. At higit sa lahat, binata. Ako?" Natawa ako ng mapakla. "Dating may-asawa. Dating may pamilya. Mamatay-tao. Magulo ang buhay. Anong laban ko sa isang matinong tao?" Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko iyon sa harap ng ama ng babaeng mahal ko. Hindi na ako nahiya. Alam naman niya kung ano ang pagkatao ko. Kung ano ang nagawa ko. Pero hindi ko na matiis na hindi sabihin ang mga iyon. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi makaramdam ng insecurity.
"Do you love my daughter, Martin?"
Tumingin ako kay Cesar at seryoso siyang nakatingin sa akin.
Tumango ako.
"Are you willing to forget everything and start all over with her? A different life. Different path. Away from your violent life?"
BINABASA MO ANG
SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)
RandomI was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I became the hated mole in my own agency. I turned my back to my own family because I thought I was going to die. I made a deal with the devi...