CHAPTER TWELVE (New Name)

4.3K 266 19
                                    

A woman who cuts her hair is about to change her life. - Coco Chanel

------------------------------------

Elodie's POV 

            I've been standing in front of the gate of my father's house.

            Kanina pa ako nandito pero hindi ako nagdo-doorbell. Nakatayo lang ako at nakatingin sa nakasaradong gate. Nanginginig ang katawan ko. Sa tuwing may dumadaang sasakyan ay itinatago ko ang mukha ko. Ayaw kong makakita ng tao. Natatakot akong baka katulad sila ng mga lalaking gumawa ng masama sa akin. Wala na akong tiwala sa ibang tao.

            Pero hindi puwedeng dito lang ako. Umalis ako sa mga taong tumulong sa akin dahil hindi ko na kayang magtagal pa doon. They helped me and I am thankful for what they did, but I needed to pick up myself and start all over. And I cannot do that if I am confined in that facility.

            Initially, I wanted to go to my place. Or call my friend Anne and tell her what happened to me. But I was sure that she would go crazy if she learned what I went through. I was sure she was going to tell the cops everything. And I don't want that to happen. I don't want people to know what happened to me.

            I took a deep breath and pushed the doorbell. Once. Twice. Until I heard someone approaching to open the gate.

            It was an old man. Nakilala kong ito ang katiwala ni Daddy na si Mang Nestor.

            "Elodie?" Paniniguro niya.

            Pilit akong ngumiti. "Si Daddy ho?"

            Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Parang nakakita nga ng multo ang hitsura.

            "Sir! Sir Cesar!" Malakas niyang sigaw at inalalayan akong makapasok sa loob ng bahay.

            "Ano bang nangyayari, Nestor? Gabing-gabi na sigaw ka ng-" papalapit na boses ni Daddy ang narinig ko at hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niya ako. Tingin ko nga ay namutla pa ang halatang hindi makapaniwala na nakita niya ako dito. "Elodie?"

            "D-Dad," nanginig na ang boses ko.

            "Jesus Christ." Mabilis na lumapit sa akin si Daddy at niyakap ako ng mahigpit. Ang higpit-higpit noon at tuluyan na akong bumigay. Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap ng mahigpit sa kanya. I felt safe. For the first time, I embraced my dad and I felt no one could hurt me if I am in his arms. I knew he was crying too.

            Marahan niya akong inilayo sa kanya at tiningnan ang mukha ko. Tiningnan ang kabuuan ko.

            "What happened to you?" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya.

            I wanted to tell him everything. Every detail those monsters did to me, but I am sure, he was going to tell everyone about it too. He would go to the police and I don't want that to happen.

            Umiling lang ako at pinilit na ngumiti sa kanya kahit umiiyak ako.

            "Elodie, what happened to you? Ang huling tawag mo sa akin ang sabi mo may nangyayaring masama sa iyo. Tapos bigla kang nawala. I tried everything to look for you until we found your car and no trace of you. What happened?" Umiiyak na sabi ni Daddy.

            "Can we get inside? I am tired, dad." Iyon na lang ang nasabi ko.

            Inalalayan ako ni Daddy na makapasok sa loob. Inihatid niya ako hanggang sa isang kuwarto. Alam kong ito ang kuwartong ipinagawa niya para sa akin dahil gusto niyang dito ako tumira pero mas pinili kong manirahan mag-isa.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon