Martin's POVTahimik akong nakaupo sa semento habang nakasandal sa kotse at nakatingin sa mga kamay ko. Punong-puno ng dugo. Namamaga ang mga kamao. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig noon kaya agad kong hinilot-hilot. Tumingin ako sa lalaking pilit kong pinapaamin. Gusto ko ay barilin na lang ito nang matapos na ang paghihirap. I've seen shit like this before. Halos araw-araw. Sa agency, sa grupo ni Carmela. Sa ibang mga grupong nasalihan ko na. The end game was always the same. This one would end up dead once we get what we need.
Nakatungo lang ang lalaki habang nanatiling nakatali sa silya. Tumutulo ang dugo mula sa bibig niya. Kung i-aangat ang mukha nito, makikita ang tindi ng bugbog na tinamo. May sunog pa ito sa mukha gawa ng acetylene na ginamit ko. But this one was hard to crack. Talagang ayaw umamin.
Tinapunan ko ng tingin si Declan na pasalampak na naupo sa tabi ko. Tingin ko ay parang pagod na pagod pa siya kahit wala naman siyang ginawa. Ako naman ang lahat na trumabaho dito. Ang ginawa lang niya ay mag-comment. Kung saan sasaktan, kung saan susuntukin. Ang ingay-ingay. Parang miron sa mga nagrarambulang frat sa kanto.
"Kakapagod. Hindi pa ba umaamin 'yan?" Ramdam ko ang frustration sa boses niya.
Napailing ako. Siya pa ang napagod samantalang wala naman siyang ginawa. Ako ang nagtrabaho nito lahat.
"Subukan mo kaya na ikaw naman ang magpaamin sa kanya. Maga na ang mga kamay ko. Isang suntok ko pa sa mukha niyan, bibigay na iyan at hindi 'nyo na papakinabangan." Asar kong sagot.
"Hindi umepekto ang mga torture techniques mo? Mahina ka pala." Napa-tsk-tsk pa ito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at napailing. Marahan kong hinihilot ang mga daliri ko.
"Why did you do it?"
Taka akong tumingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na si Declan. Hindi man siya nakatingin sa akin pero alam kong naghihintay siya ng sagot sa tanong niya.
"Did what?"
"What you did? Leaving your family."
Napahinga ako ng malalim at umiling lang. Ayaw ko ng sagutin ang tanong na iyon. Alam na naman niya ang dahilan bakit kailangan pa niyang itanong uli? Akala ko ba ayaw na niyang magtanong ako tungkol sa pamilya ko. Dahil masaya na si Sesi sa best friend ko.
"Nabababawan ako sa reason mo. You were dying, lahat naman tayo pupunta doon. But you chose the easy way out. Pretending to be dead to your family. To your best friend." Napahinga ng malalim si Declan. "I've seen how Yosh struggled because of your death. He filled the void that you left behind for her."
"Akala ko ba hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon?" Iritableng sagot ko.
"I've changed my mind. Naalala ko, tsismoso pala ako at mahilig akong makialam sa problema ng iba. Curious lang talaga ako sa nangyari sa iyo. Imagine giving up your wife and your kid for what?"
"I left them because I love them." Napalunok ako. "I was dying. Ayaw kong makita ang asawa ko na umiiyak araw-araw at sabay naming hihintayin ang pagkamatay ko. I'd rather die from bullet wounds, from a knife stab. Kahit na mamatay ako sa bugbog. Okay lang. But fucking cancer? That was the worst joke that was given in my life." Painis kong hinila ang isang basahan na nakita ko sa gilid at pinunasan ang duguan kong kamay.
"You're fucking selfish." Komento niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't need your opinion."
BINABASA MO ANG
SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)
RandomI was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I became the hated mole in my own agency. I turned my back to my own family because I thought I was going to die. I made a deal with the devi...