CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)

4.2K 262 24
                                    

Before you embark on a journey of revenge, dig two graves.

---------------------------------

Elodie's POV

Rinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao nang pumasok ako building ng office ni Daddy. Alam kong halos lahat ng nandoon ay nagulat sa pagdating ko. Nakakarinig pa ako ng mga salitang:

Akala ko ba namatay si Elodie?

Sino 'yan?

Kamukha ni Elodie.

Dire-diretso akong pumasok sa opisina ni Daddy at hindi pinansin ang gulat na gulat na sekretarya niya.

"Dad."

Agad na napatayo si Daddy nang makita ako. Hindi makapag-salita at nakatitig lang sa akin. Literal na para siyang nakakita ng multo.

"What?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"W-well..." hindi niya malaman kung anong sasabihin. "You... look different." Iyon na lang ang nasabi niya.

Ngumiti ako at umikot pa sa harap niya. "Because I am different. Are you ready to tell everyone who I am?"

Napahinga siya ng malalim. "Are you?" Balik-tanong niya.

"I am always ready, Daddy." Ngumiti ako sa kanya. "Trust me. This will be for the best of everyone."

"Okay. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng opisina niya. Ipinatawag niya ang lahat ng mga empleyado niya at kita ko ang pagkagulat at pagtataka ng lahat. Nakangiti lang ako sa kanila. Hindi ko sinisira ang composure ko. Dahil ganito dapat si Evie Marie. Matapang. Palaban. Walang pakialam sa mga tao sa paligid. All Evie cared about right now was to get the revenge that she planned during those months.

"You all know what happened to my daughter Elodie." Bahagya pang pumiyok ang boses ng daddy kaya marahan kong pinisil ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. He cleared his throat before he talked again.

"I lost my only daughter, and it is very painful for me. Until now I am still mourning for her death." Napahinga siya ng malalim tapos ay ngumiti. "But I didn't know that somewhere, someone was also longing for me. I didn't know that I still have another daughter." Ngumiti sa akin si Daddy. I lost Elodie but Evie came. Everyone, I want you to meet my long-lost daughter, Evie Marie Valderama."

Wala akong sagot na narinig sa mga tao. Bulungan lang sila.

"Kamukhang-kamukha ni Elodie."

"Magkamukha nga pero may pagkakaiba din. Hindi sila pareho ng ilong ni Elodie."

"Magkaiba sila. Mukhang palaban si Evie."

Iyon ang mga naririnig kong remarks. And I like it. Gusto kong mag-isip sila kung sino talaga ako.

"Thank you, dad for accepting me. Thank you for giving me the opportunity to work here. And thank you for accepting me being your daughter." Tumingin ako sa mga tao at ngumiti ako sa kanila. "I hope you will accept me like you accepted my sister. It was awfully hard for me to accept that she is gone." Pinilit kong palungkutin ang mukha ko at umiyak. May nag-abot pa ng panyo sa akin para pampunas ng luha ko. Kung nandito lang si Samantha, siguradong papalakpakan ako ng bruhang iyon at sasabihin na pang-best actress ang acting ko. "But she's gone and she's not coming back anymore. What happened to my sister was heartbreaking. Imagine, she was raped, tortured. Murdered." Rinig ko ang bulungan ng mga tao doon at halatang nakuha ko ang simpatya nila. "No one deserved to be treated like that. Especially to someone who cannot fight back."

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon