You can be the moon and still be jealous of the stars. - Gary Allan
---------------------
Elodie's POV
Maghapon lang akong paikot-ikot sa kung saan. Nag-mall ako. Nagpa-spa. Nagpa-manicure and pedicure. Nagpa-treatment ng buhok. Nagpa-facial. I wasted my day pampering myself just to get the thought about Gabriel kissing me and the big difference of what I felt when I remembered how Martin kissed me too.
Kahit maghapon na akong nag-pamper ng sarili ko, pakiramdam ko ay mabigat pa rin ang katawan ko. Naiinis ako kay Martin dahil sa ginawa niya kagabi. Na parang nagsisi siya sa ginawa niyang paghalik sa akin. Ako ang napahiya sa sarili ko dahil talagang ipinakita niya sa akin na willing lang siyang turuan ako. Iparamdam kung paano ang mahalikan pero hinding-hindi niya magugustuhan.
Napasimangot ako nang maisip iyon. Kaya ngayon pa lang kung ano man ang nabubuhay na damdamin ko para kay Martin ay dapat ko ng pigilin. Tingin ko naman, hindi capable magmahal ang isang iyon. Walang feelings. Taong bato na may pusong bato din.
Napahinga ako ng malalim habang nagda-drive pabalik sa tinutuluyan ko nang maka-receive ako ng tawag mula kay Daddy.
"Dad." Bungad ko sa kanya habang nakatingin sa kalsada.
"Maghapon kitang hindi ma-contact." Seryosong sabi niya.
"I was at the spa the whole day. I was pampering myself." Tanging sagot ko.
"Can you come over at the house?"
Napangiwi ako. Kaya ko nga din ginawang maghapon na nasa spa kasi iniiwasan kong makausap ang daddy ko. Siguradong uusisain niya ang nalaman niyang may lalaki sa unit ko.
"Dad, can we just see each other tomorrow morning? I want to rest early." Katwiran ko.
"No. I want you to come over. Kung hindi ka makakapunta, ako ang pupunta sa iyo." His voice was so serious. Like a father who was going to scold a rebellious teenage daughter.
Sigurado naman akong wala akong ligtas dito. "Fine. I'm on my way."
Mabilis kong iniliko ang minamanehong sasakyan at nag-drive papunta sa bahay ni Daddy. Wala naman traffic kaya hindi nagtagal ay pumaparada na ako sa harap ng bahay niya. Bumusina ako at bumukas ang gate para makapasok. Nang maayos kong maiparada ang sasakyan ay bumaba ako at pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan ko si daddy na mag-isang nakaupo sa harap ng mesa. May mga pagkain doon pero hindi niya ginagalaw. Mukhang hinihintay ako.
"'Evening, dad." Pinagmukha kong masaya ang boses ko at lumapit sa kanya para humalik sa pisngi. Pero seryoso lang si daddy at hindi man lang gumalaw ang ulo nang humalik ako sa kanya.
"Sit down." Walang kangiti-ngiting sabi nito.
Tahimik akong naupo at nakatingin sa mga pagkain.
"Say grace." Utos niya.
Napa-rolyo ang mata ko at nag-umpisang mag-litanya ng Grace before meal.
"Can I get food now?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya kumibo pero nauna siyang sumandok ng pagkain. Ganoon din ang ginawa ko at naglagay ng pagkain sa plato.
Wala kaming imikan ni daddy habang kumakain. Nakikiramdam ako. Hinihintay ko na siya ang unang magsalita.
"About what Gabriel said earlier," panimula niya.
BINABASA MO ANG
SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)
RastgeleI was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I became the hated mole in my own agency. I turned my back to my own family because I thought I was going to die. I made a deal with the devi...