Martin's POVIbinato ko ang bitbit kong supot ng pagkain at tubig sa lalaking nakaupo sa couch at busy sa pagpipindot sa cellphone.
"Enjoy your lunch." Lumapit ako sa lalaking nakatali sa silyang nasa gitna ng garahe. Nakayuko ang ulo nito at kita ko ang tumutulong dugo mula sa bibig. Punong-puno ng dugo ang damit nito. Tumingin ako sa mga kamay ko. Hindi pa nga nakaka-recover mula sa nakaraang trabaho na pinagawa ni Ghost, mayroon na namang bitbit ang anak niya ngayon.
"What the hell is this? Adobong sitaw? Tortang talong? Nasaan ang meat? Walang fried chicken?"
Hindi ko tiningnan si Declan na alam kong nagkakalkal ng ibinigay kong tanghalian niya. Magtiis siya sa pagkain na puwedeng kong mabili sa tabi-tabi. Wala akong panahong lumabas para mamalengke at lalong wala akong panahong magluto. May malapit na karinderya dito kaya doon na ako bumibili. So far, I am enjoying the food.
"'Yan na lang ang natirang pagkain nila. Magtiis ka na diyan." Sagot ko at naupo sa harap ng lalaking walang malay na bugbog-sarado na. Napahinga ako ng malalim. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sinabi ni Ghost na wala ng darating na trabaho dito. Dahil wala pang dalawang araw, may bitbit na namang for interrogation si Declan.
"'Tangina, pagkain ba 'to? Wala man lang lasa 'tong adobong sitaw. Kulay toyo lang. Hindi ka man lang nanghingi kahit patis? Pagtitiisan ko na kahit lasang adobong sitaw na may patis 'to dahil sa gutom," reklamo pa rin ni Declan.
Napapikit ako at napahinga ng malalim. Sa totoo lang, rinding-rindi na ako sa bibig ng lalaking ito. Sa tuwing darating siya dito sa bahay, walang katigil-tigil ang bibig sa dami ng komento at reklamo.
"Ikaw ang nag-prisinta na mamimili ng mga supplies dito 'di ba? At ikaw din naman ang umubos ng mga supplies na dala mo. Ano ngayon ang nirereklamo mo? Pagtiisan mo kung ano ang nandiyan. Pasalamat ka nga at may natira pang ulam." Dinampot ko ang basang-basang bimpo at ibinato sa mukha ng lalaking nasa harap ko. Nagulat ito sa ginawa ko at pupungas-pungas na tumingin sa paligid. Pilit na gustong kumawala sa pagkakatali. Nang tumingin sa akin ay napaiyak na naman. Inalis ko ang mouth gag nito at napuno ng hagulgol ang buong silid.
"S-ser. Parang awa 'nyo na. Wala akong alam sa itinatanong 'nyo sa akin. Wala akong kilalang Bennett Candida." Nag-uumiyak ang lalaki sa harap ko.
Napakamot ako ng ulo ng biglang lumipad sa mukha nito ang supot ng adobong sitaw. Sinamaan ko ng tingin si Declan dahil siya ang gumawa noon.
"Really? Sinasayang mo ang pagkain." Naiiling na sabi ko at isa-isa kong inalis ang mga piraso ng sitaw na pumuno sa mukha ng lalaki.
"Hindi naman masarap. Magtitiis na lang ako sa gutom." Tumayo si Declan at tumabi sa akin tapos ay humarap sa lalaki. "Hoy. Sagot na. Dali. May doctor's appointment pa ang asawa ko. Nauubos ang oras ko dito." Tinampal-tampal pa niya ang mukha ng lalaki.
Umiling lang ito. "B-boss. Ser. Wala talaga akong alam sa sinasabi 'nyo. Hindi ko kilala ang Benett na iyon."
Napangiwi ako ng malakas na suntukin ni Declan ang mukha ng lalaki. He started to beat the man again. Sa totoo lang, siya talaga ang mainit sa interrogation na ito. The moment he learned that Bennett's group was after Ghost family, this one became personal for him.
"Cut it out. You're going to kill him." Saway ko sa kanya.
"He's going to die anyway." Walang emosyong sagot niya.
BINABASA MO ANG
SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)
RandomI was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I became the hated mole in my own agency. I turned my back to my own family because I thought I was going to die. I made a deal with the devi...