CHAPTER FORTY (Everything)

3.9K 267 29
                                    

Once your lifetime, you will meet someone who changes everything and becomes your everything.

----------------------------------

Elodie's POV 

            Kanina pa ako narito lang sa unit ko pero nakaupo lang sa sofa at nag-iisip. Kagat-kagat ko pa ang mga daliri ko habang nakatingin sa dalawang litrato ni Martin na kuha mula sa CCTV. Ito ang ibinigay ni Gabriel. Napabuga ako ng hangin at dinampot iyon. Pero agad ko ding binitiwan sa inis nang maalala ko na may litrato siyang nakikipaghalikan sa kung sinong babae.

            Asar kong pinagpupukpok ang litrato niya. Buwisit siya. Nakakainis siya. Bakit siya nakikipaghalikan sa iba? Hinalikan nga niya ako tapos makikipaghalikan siya sa iba?

            Elodie, kalma. Walang kayo ni Martin. Huwag kang assuming.

            Saglit akong napatigil sa naisip kong iyon. Oo nga. Wala naman ngang kami. Wala naman ngang gusto sa akin ang lalaking iyon. Kaya lang naman siya nandito, kaya lang siya sumasama sa akin dahil gusto lang niya akong tulungan na maghiganti. Pero bukod doon, wala na.

            Napasimangot ako sa katotohanan na iyon. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Martin would never like me. Because he knew what happened to me. He knew that I am not a clean woman. I was a broken one that needed saving. Hindi ko namalayan na namumuo na ang luha sa mata ko. Sa ganitong pagkakataon ay talagang bumibigay ako. Dahil sa nangyari sa akin napakaraming nagbago sa buhay ko.

            Napatingin ako sa pinto nang may marinig kong may nag-buzz. Tumingin ako sa relo at gabi na. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil naisip kong si Martin iyon. Kahit naiinis ako sa kanya, nai-excite naman akong makita siya. Pero hindi ako magpapakita ng kahit ano. Dapat malaman niya na galit pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Hinalikan niya ako ng parang wala lang sa kanya tapos makikita ko pa na may kahalikan siyang iba.

            Agad kong binuksan ang pinto pero agad din na nawala ang excitement na naramdaman ko nang makita kong si Gabriel ang nakatayo doon. Agad na sumimangot ang mukha ko nang makita siya. Tinaasan ko pa ng kilay at asar na tumingin sa mga bulaklak na hawak niya.

            "What do you need? Don't you know what time it is?" Naparolyo pa ang mata ko at pumamewang pa sa kanya.

            Mukhang hindi naman niya intindi na tinatarayan ko siya.

            "I just want to give you this. I hope you like roses." Nakangiti pa ring sabi niya at iniabot ang mga bulaklak sa akin.

            Ayaw ko na sanang tanggapin pero ang sobrang bastos ko naman kapag ganoon ang ginawa ko. I know I was being mean with him all the time, and he was just trying to be friendly and acquainted.

            Sira. Anong friendly and acquainted? Hindi. Investigator iyan. He was trying to get into you so he would know you more on a deeper level. Huwag kang maniwala agad sa mga sinasabi niyan.

            Biglang tumaas ang guard ko. Tama naman ang naisip ko. Alam kong kasama ako sa iniimbestigahan ni Gabriel. Alam kong iniisip niya na masyadong shady ang profile ni Evie Marie.

            "Can you please accept my flowers? Para hindi naman ako masyadong mapahiya," nakangiti pa rin si Gabriel sa akin

            Napahinga na lang ako ng malalim at kinuha ang bulaklak.

            "Thank you." Napipilitang sabi ko.

            Alam kong ayaw pa niyang umalis pero hindi ko naman siya ini-invite na pumasok. Napakagat-labi na lang siya at napakamot ng ulo.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon