"D-Daniel" nauutal na sabi ko sa kanya."Ahmm... uuwi ka na ba?" nahihiyang tanong niya sakin.
Tumingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko pagkatapos sa kanya naman.
Mukang natauhan naman siya at binitiwan agad ang braso ko.
Bakit parang may kuryenteng dumaloy nung hinawakan niya ko? Ewan...
"S-sorry" nakayukong pag sosorry niya
"Ahh ok lang... Oo uuwi nako bakit?" Sagot ko sa tanong niya kanina lang.
"Hatid na kita" offer pa nito
"H-hu?" Nauutal kong tanong
"Hatid. Ahh... kung papayag ka pwede bah?" tanong nito uli habang kumakamot sa batok niya.
Nahiya siguro. Eh bakit naman siya mahihiya? Ako dapat ang mahiya eh kasi sabi niya ihahatid daw niya ako.
Ano bang nakain nitong taong to?
"Bakit mo naman ako ihahatid kaya ko naman umuwi mag-isa haha" sabi ko pa sa kanya habang medyo tumatawa para mawala din masyado ang awkwardness.
Ang awkward kasi haha.
"A-Ah haha wala lang p-para...masiguro kong makakauwi ka ng ligtas hihi" pagdadahilan pa niya habang nauutal.
"Ahh ok hehe tara na" na sabi ko nalang kasi parang siya pa talaga ang nahiya eh ayaw ko naman nun kaya inaya ko nalang siyang umalis na kami.
Naglalakad nako sa daan papunta sa waiting shed kung saan ako minsan naghihintay ng makakasakayan pauwi ng biglang...
Hinawakan niya na naman ang braso ko
Dug. Dug. Dug. Dug...
Bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko nung hinawakan niya ko?
Wahhhhh baka multo siya hubuhu
Bigla ko naman kaagad inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya dahil sa takot na baka totoo yung hinala ko huhu mygosh nakakatakot...
Nagulat naman ako dahil kala ko kung sino na... siya lang pala hay...
Pagtingin ko kay Daniel mukang naging balisa siya ng kunti.
Anyare sa kanya?
"Ahh ok ka lang ba Daniel?" nag-aalalang tanong ko sa kanya hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla siyang nagkaganun.
"A-ahh s-sorry K-Kath h-hindi ko s-sinasadyang hawakan ka... s-sorry talaga" nauutal at nakayukong saad nito.
"Huh? Ok lang yun noh nabigla lang din ako akala ko kung sino ikaw lang pala haha. Pasensya na hehe." sabi ko sa kanya. Kaya pala.
"Ahh sorry ulit" sabi na naman niya
"Ano kaba ok lang yun noh. Hindi lang talaga ako sanay na may biglang humahawak sakin." totoo naman kasi at nagulat kaya ako sa ginawa niya malay ko siya na naman pala yun haha.
"Ahh nga pala bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ahh oo nga pala. Nandon kasi ang kotse ko hihi" nahihiyang saad niya habang kumakamot na naman sa batok niya.
Hobby niya bah ang kamutin ang batok niya?
"Wow! may kotse ka? Sana ol haha" amazing hah may kotse pala siya bat hindi ko alam?
![](https://img.wattpad.com/cover/255382770-288-k385081.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man Who Saved Me✔️(On-Going)
Non-FictionThis story is not just about what you expected to be, not just basic or specific story you always read. Not just an ordinary man will save her but extraordinary and powerful above all man. This is a rare story that I've noticed here on Wattpad and I...