Umaga na and we are here now in the car were going to the hospital to visit papa.Oo may kasama ako, ang kasama ko lang naman ay walang iba kundi si DANIEL.
Oo siya. Ang kulit kasi eh sabi kong wag na ok lang naman kung ako lang ang pupunta at wag niya na akong ihatid.
Pero ang loko mapilit ok lang daw sa kanya walang problema basta ako daw kinilig naman ako haha sabi pa niya na magpapakilala na daw siya sa parents ko.
Dun naman ako mas kinilig parang mag-jowa lang kami, meet the parents haha. Charot.
Nakauwi narin sina Mika, Jacob, Ayana at Sandra. Kami mismo naghatid sa kanila, van ang ginamit namin para sabay sabay na kaming lahat.
Masaya ako sa maikling panahon na pagsama-sama naming magkakaibigan, hindi ko nga akalain na magiging kaibigan ko ang tulad nila, lalong lalo na sila Ayana at Sandra na mababait pala talaga kapag nakilala muna sila at naging kaibigan pati din si Jacob na playboy tingnan sabi ko nga pero mabait din pala.
Ito namang si Daniel mas naging sweet sakin at mabait ewan ko ba sa isang to sobrang caring.
Grabe hindi pa nga siya nanliligaw sakin pero ganyan na siya pano pa kaya kapag nangyari na?
Haha asa ka namang liligawan ka niyan haha.
10:38 am na ng umaga buti nalang maaga kaming umalis dun akala ko nga eh magtatagal pa kami. May gagawin din kasi sila kaya umaga kaming umalis.
"Bakit tayo huminto?" Nagtatakang tanong ko nang bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada.
"Bili tayo ng mga prutas para sa papa mo." Sabi niya sakin at bumaba na ng sasakyan.
Sumunod naman kaagad ako.
May prutasan pala dito hindi ko namalayan sa sobrang pag-iisip.
Iniisip ko kung kailan na makakauwi si papa ko at san kami kukuha ng pera para pangbayad sa mga gastusin dito sa hospital.
I'm sure malaki talaga ang bayarin namin kasi inoperahan na si papa ko at ilang araw na din siyang na confined dun sa hospital.
Sana makahanap kami ng pera pambayad at sana makasya yung perang naipon ko para sana yun sa graduation ko kahit matagal pa pero gagamitin ko nalang yun para kay papa, yun nga sabi ko matagal tagal pa akong ga-graduate so gagamitin ko muna yun.
Hay wag ko na muna yun iisipin may-awa ang Diyos tutulongan niya kami.
"Buti nalang pinaalala mo muntik ko na tuloy makalimutan haha. Tara na." Aya ko at sumunod naman ako sa kanya.
Pagkatapos naming bumili bumalik na kami sa sasakyan at tumungo nasa hospital.
Pagkarating kaagad namin sa hospital pinarada na ni Daniel ang van sa parking lot at bumaba na kami.
Bigla naman akong napatingin kay Daniel ng huminto ito sa paglalakad.
Pagtingin ko dito bigla akong nag-alala kasi pinagpapawisan siya at parang balisa.
"Ok ka lang ba? Anong nangyari sayo? May lagnat ka ba?" Nag-aalala kong tanong at hinawakan ang noo niya.
Wala naman eh! Bakit kaya?
"W-Wala a-a-no k-kasi m-auna ka nalang s-susunod nalang a-ako." Sabi niya sakin na napapakamot sa ulo niya.
Napakunot naman ang noo ko.
Ano bang nangyari sa lalaking to kahapon lang at kanina atat na atat na sumama at pumunta dito para makilala sila papa at mama.
Pero ngayon bigla nalang umurong. Ano bang nakain nito?
BINABASA MO ANG
The Man Who Saved Me✔️(On-Going)
Non-FictionThis story is not just about what you expected to be, not just basic or specific story you always read. Not just an ordinary man will save her but extraordinary and powerful above all man. This is a rare story that I've noticed here on Wattpad and I...