Chapter 10 •FARM•

36 4 0
                                    


"HOY KATHELYN ENCHAVEZ GUMISING KA NA! ANONG ORAS NA OH!" Sigaw nang sigaw sakin si Mika pero hindi ko parin siya pinapansin antok na antok pa ako eh.

"Inaantok pako eh..." husky nasabi ko sa kanya at nagtalukbong ng unan sa mukha, nakadapa kasi ako sa kama.

Totoo naman kasing inaantok pa ako eh paano ba naman kasi bwesit na Daniel yun! Pahamak talaga.

Simula nung mangyari yun kanina hindi na ako nakatulog pa nakakainis siya talaga hmp...

Kath I like you.

Kath I like you.

Kath I like you.

Arghh! Nakakainis talaga yung lalaking yun. Gusto niya ako? Bakit ano namang meron sakin? Maganda ba ako?

Hindi ako naiinis dahil nag confessed siya sakin, naiinis ako dahil hindi niya ako pinatulog huhuhu.

Ayan tuloy wala akong ganang sumama. At parang nahihiya ako sa kanya eh ikaw ba naman ang nasa pwesto ko at magtatapat sa iyo ang pinaka gwapong lalaki sa school niyo, anong mararamdaman mo?

Diba parang maiilang na kikiligin karin at the aame time?

Yan ang naramdaman ko kanina hanggang ngayon pero mas lumamang ang pagkailang sakin.

Hindi ko kasi akalain na magtatapat siya sakin ng feelings niya.

Jusko ko nakakaloka hindi lang ako makapaniwala na ang heartthrob sa school namin ay magkakagusto sa isang katulad ko lang?

Siya ang ideal boy ng mga babae lalong lalo nasa paaralan namin na ang daming nagkakandarapa sa kanya.

Halos LAHAT talaga pati nga mga bakla eh nagkakagusto sa kanya, eh sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya?

Gwapo, mabait, mayaman, matalino, maputi, matangkad san ka pa?

Pero nabigla talaga ako sa sinabi niya kanina sakin hindi ko talaga yun akalain hindi naman ako ka idea-ideal girl para magustuhan niya ewan ko ba dun anong nakain nun at nasabi niya yun.

Baka naman nagkamali lang siya? O nagbibiro? Ewan ko bahala na hindi ko rin alam kong anong gagawin ko.

Kanina nga hindi ko alam kung anong nangyari sakin at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang sinabi niya ang mga katagang iyon sakin at para bang huminto ang palagid ko at kami lang dalawa ang tao at wala ng iba.

Yung feeling na ganun? Ang weird ah.

Bahala ka na self huhu wag ka nalang lalapit sa kanya para hindi ka mailang.

I'm still lying in bed now I have no intention of getting up I'm lazy and I don't want to see him.

"OMYGOD BESH MY IPIS SA LIKOD MO WAAHH!" Sigaw ni Mika kaya bigla akong napabalikwas ng bangon galing sa pagkakahiga ko.

"WAAAHH! NASAN? NASAN? WAAHH!HUHU BESHH!" Takot na takot na sigaw ko at tumakbo palayo sa hinigaan ko kanina.

"HAHAHAHA!" Bigla naman akong napatigil sa kakasigaw nang tumawa sila nang napakalakas.

"IT'S A PRANK! HAHAHA!" Sabay-sabay nilang sabi at tinawananan na naman ako.

Kaya napasimangot ako sa ginawa nila.

The Man Who Saved Me✔️(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon