*FLASHBACK(Lunes)
Uwian na namin so nasa bahay na ako ngayon.
Kumakain kami ni Mama dito sa mesa kasama na dooon si baby David na nasa kandungan ni mama ngumunguya, sinusubuan kasi siya hihi.
Si papa naman nasa kwarto lang nagpapahinga na kasi tapos na siyang kumain.
Ngayon ko na sasabihin kay mama na may pupuntahan kami para sa proyekto at mawawala ako pansamantala ng 3 araw lang naman.
"Ma" tawag ko kay mama na busy sa pagpapakain kay baby.
"Oh bakit?" Tanong niya pero hindi parin tumitingin sakin.
"May project po kasi kami..." sabi ko sa kanya habang kumakain.
"Ano naman iyon?" Takang tanong niya sakin at pinainom ng tubig si baby.
Ang kyut talaga ng batang to hmp...
"Ah hindi po ma, a-ano po kasi siya aalis po ako mga 3 araw po akong mawawala... mag e-sleep over po nalang po kami hihi." Shocks kinakabahan ako baka hindi ako payagan ni mama huhu.
Bigla namang napahinto si mama sa pagpapakain kay baby at dun na siya tumingin sakin ng seryoso.
Lagot...
"Kailangan ba yan?" Tanong ni mama habang nakataas pa ang isang kilay sa akin na nakatingin.
"A-Ah hihi sa s-sabado pa po ma." Kinakabahang usal ko huhu kakatakot naman to tumingin si mama.
Ganyan talaga yan si mama pag may bagay ako na sasabihin na parang bang hindi niya magugustuhan seseryoso kaagad iyan at parang magtataray din at the same time, kaya hindi mo alam kung parang anong iniisip niya ganun huhu.
Oposite talaga sila ni papa, si papa kasi pag may mga sinasabi ako na mga ganito o nagpapaalam papayag kaagad yun basta mag-iingat lang daw ako haha bait diba? Kaya dady's girl ako eh.
May pagka strict kasi yan si mama pag dating sa mga ganitong bagay, siguro nag-aalala lang siya para sakin kaya siya ganito pero mabait yang mama ko noh haha love na love ko kaya yan sila ni papa.
"Sabado. Ano namang gagawin niyo aber?" Mataray na tanong niya sakin.
Oh diba tingnan niyo nagtataray na huhu...
Bumuntong hininga muna ako bago sinabi kay mama kung ano ang gagawin namin.
(A/N: Chapter 7 po kung anong gagawin nila)
"HACIENDA?" Gulat na gulat at nanlalaking matang tanong ni mama sakin muntik pa nga niyang mahulog si baby eh jusko si mama talaga.
"Oo, Ma. May hacienda sila kaya nga dun kami sa kanila eh kasi siya lang sa grupo namin ang may hacienda haha ang iba naman samin eh may business nga pero hindi about farm kaya ganun." Pagpapaliwanag ko sa kanya at sumubo ng manok.
"Grabe iba din pala ang yaman nila noh siguro may mansyon din sila dun." Sabi ni Mama.
"Ano ka ba ma syempre meron talaga yun no sila pa ba." Litanya ko kay mama, ito talaga si mama parang ewan.
![](https://img.wattpad.com/cover/255382770-288-k385081.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man Who Saved Me✔️(On-Going)
Non-FictionThis story is not just about what you expected to be, not just basic or specific story you always read. Not just an ordinary man will save her but extraordinary and powerful above all man. This is a rare story that I've noticed here on Wattpad and I...