Chapter 6 •GROCERY STORE•

76 7 3
                                    



Natapos na ang exam namin ngayong 1st semester, medyo mahirap talaga siya kasi college na kami at kailangang seryosohin na talaga namin ang mga bagay bagay, dahil nakasalalay din ito para sa future or kurso na kukunin namin.

Kung saang subject kami magaling isa iyon sa mga basihan ng kurso naming kukunin or ita-take. Kaya kailangan mo tagalang mag-aral ng mabuti at seryosohin na ang mga bagay bagay ngayong college na dahil hindi naman ito kagaya nung mga high school pa kami na pwedeng hindi mo muna siya seseryosohin dahil bata ka pa naman at hindi pa mahirap.

Buti nalang talaga at nakapag-aral ako at may mga nasagutan naman ako sa exams. Kaya medyo hindi na din ako na bahala pa.

Kung tatanungin ako kung ano para sa akin ang medyo madali at mahirap hmm... siguro sa medyo madali ay math? At sa medyo nahirapan ako ay sa Business & Management Studies.

Wala kasi akong alam sa mga business business, wala kasi kaming kompanya o negosyo kaya medyo nahirapan ako pero kailangan ko parin matuto nun dahil someday baka magnenegosyo ako o ano.

At math naman Engineering hindi ko alam pero bet ko talaga ang subject nato, parang madali lang sakin kung tignan hindi sa pagmamayabang pero yun talaga ang nakikita ko at base narin sa utak ko.

Siguro kung ngayon pagtatanungin na ako kung anong gusto kung kuning kurso o trabaho pagkatapos kong mag-aral. Siguro Engineering o Turism, Engineering kasi paborito ko naman ang math at tingin ko makakaya ko naman siguro yun. Ang isa naman Turism dahil gusto ko talaga maging flight attendant, bata palang ako dream ko nang maging FA kasi parang nakikita o naiimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng uniporme nila at nakasay sa eroplano haha feel ko lang.

Sana nga makaisip na ako ng kursong kukunin ko kasi second year college na ako pero anlabo ko parin tsk tsk.

Nandito ako ngayon sa grocery store namimili dahil inutusan ako ni mama na mamili ng mga pagkain at mga ka-kailanganin sa kusina.

Linggo ngayon at halos mag iisang linggo narin matapos ang exam namin kaya medyo nakahinga na kami nang maluwag.
Pero may pasok parin bukas dahil may mga kailangan pa kaming tapusin ngayong 1st semester na hindi pa natapos o nagawa dahil nga napaaga ang exams namin at hinahabol namin ang mga lesson kaya yung mga hindi namin nagawa tatapusin na namin.

Naglalakad ako sa gitna ng grocery store para hanapin ang mga diapers nang biglang may batang yumakap sa kaliwang binti ko at umiiyak.

"M-Mama m-mama!" Naiiyak na tawag niya sakin habang nakayakap parin sa mga binti ko.

Kaya nagtaka naman ako at umupo para mapantayan ko siya.

"Hi baby! Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Where's mama ko? Huhu..." mas lalo pa siyang umiyak sa harap ko.

Kaya pinatahan ko na siya at pinunasan ko ang mga pisngi niya dahil sa mga luha at ilong na puno na ngayon ng mga sipon.

Siguro mga 3 years old pato sobrang cute niya hihi.

"Nawawala ka ba baby?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa magkabilang gilid para hanapin ang mama niya.

"O-Opo kanina po kasi may nakita akong chocolate kaya kinuha ko kaso lang po pagbalik ko wala na po mama ko doon huhu..."naiiyak na sabi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit at tinignan sa mga mata.

"Tahan ka na hahanapin natin ang mama m—" naputol ang sasabihin ko sa bata nang biglang...

"ANAK!" tawag ng isang maganda at mahabang buhok na hanggang kili-kili kay baby.

The Man Who Saved Me✔️(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon