Chapter 7 •SUGAT•

69 7 2
                                    


Bumuntong hininga ako bago tumayo at dumiretso sa banyo para maligo. Monday ngayon may pasok ako at kailangan ko nang mag-ayos upang hindi ako ma late sa klase.

Habang naliligo ako I feel fresh in my body. Masarap sa pakiramdam na malinis ang katawan dahil parang nakakagaan ng pakiramdam na mabasa ang katawan mo ng malamig na umaagos na tubig. Parang gusto kong nasa tubig nalang ako palagi.

Mga 15 minutes din akong nagbabad sa tubig bago natapos. Tinapis ko lang ang towel sa katawan ko kasi hindi ko naman dinadala ang mga damit ko dito sa banyo baka kasi mahulog o mabasa. Hindi naman kasi kalakihan itong banyo namin.

Kadalasan mga 30 minutes to 1 hour talaga ako natatapos maligi kapag walang kasi. Gusto ko lang kasi magbabad sa tubig lalong lalo na kapag sobrang init ng panahon.

Naghanap na ako ng masusuot ko ngayong araw sa cabinet ko. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil may nagustuhan kaagad akong suotin pagbukas ko palang ng cabinet.

White crop top nike with black high waist jeans. Hindi naman makikita ang pusod ko dito dahil naka high waisted ako.

Pagkatapos kong nag-ayos sa katawan lumabas na ako ng kwarto ko dala na ang bag ko at dumiretso muna sa sala para ilagay ko muna ang gamit ko dun bago nagtungo sa kusina.

"Good morning po Ma." Bati ko kay mama at humalik sa pisngi niya bago kumuha ng tubig para uminom.

"Oh anak gising ka na pala. Anong gusto mong ulam." Tanong ni mama sakin habang nagkakape.

"Wag na po mama. Ako nalang po ang magluluto." Nakangiting sabi ko at inihanda na ang kawali bago nagtungo sa refrigerator para maghanap ng makakain.

Hotdog at itlog nalang ang niluto ko at ginisang kanin para na yun saming lahat. Pagkatapos kong nagluto naghanda na ako ng dalawang plato para samin ni mama.

"Ma gising na po ba si papa?" Tanong ko habang hinanda ang sinangag sa mesa.

"Tulog pa yun matagal kaming nakatulog kagabi. Alam muna naglalambingan haha." Natatawang sabi ni mama sakin at bahagya pang nagblush.

"Sana ol!" Yun nalang ang nasabi ko, sabay naman kaming natawa ni mama sa naging sagot ko.

Pagkatapos nun kumain na kaming dalawa. Tulog pa din daw si baby sabi ni mama kaya kami lang dalawa ang kumakain.

Hindi naman boring ang pagkain ko kasi kasama ko si mama at nagkukwentuhan kami ng mga masasayang bagay at aba kiniwento ba naman ang mga embarrassing childhood life ko ayan tuloy medyo nahiya ako. Nakakatawa naman kasi at nakakahiya kasi sabi ni mama may time daw noon na umiyak ako dahil lang hindi ako pinansin ni papa noong nagpatulong ako at hindi daw niya ako pinansin kay mama lang siya pumunta tumulong kaya ayon iyak daw ako ng iyak at isa pa isa daw sa mga nakakahiyang ginawa ko nung umutot daw ako at tumawa pa sa harap ng hapag nung celebration ng tita ko sa bahay nila.

Kaya ayon tawa ng tawa si mama sa naging itsura ko. Ako naman natawa nalang din ako at the same time nahiya. Jusko nagawa ko ba talaga yun nakakahiya naman huhu.

Pagkatapos naming kumain nag paalam na ako kay mama at papa bago dumiretso sa school. Habang nagbabyahe hindi ko maiwasang humanga sa kalsada na nadadaanan namin.

Sobrang ganda ng iba pagmasdan, may mga naglalakihan din building ang makikita mo rito. Sobrang mayayaman na siguro ang mga nag mamay-ari ng mga building na iyon.

Pagdating sa school dumiretso na ako sa 1st class ko. Buti talaga hindi pako late mga 3 minutes siguro bago dumating si ma'am.

Habang nagkaklase hindi ko maiwasang medyo maging masaya dahil medyo naging mabuti na daw ang pakiramdam ng papa ko sabi ni mama kanina sakin habang kumakain kami. Sabi ng doctor kailangan lang daw niya e-maintain ang gamot at pasiyahan si papa para sa ganung paraan daw gumaan ang pakiramdam niya. Kanina nakausap ko si papa sabi niya kung bakit daw naging ganun ang pakiramdam niya dahil saming pamilya niya lalong lalo na daw si mama na palagi daw siya pinapatawa nito dahil grabe daw kung manlambing at magpalambing, para daw kasing teenager haha kaya medyo natawa ako, si mama ko talaga tsk.

The Man Who Saved Me✔️(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon