Habang nakasakay sa jeep papuntang hospital ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga ginawa at sinabi ni Daniel sakin.Dahil sa nangyari kanina samin. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil siya pa mismo ang palaging nagpa-payo at nagpapa-alala sakin kung ano ang dapat kung isipin sa hindi dapat.
Wala na talaga akong maipipintas pa sa kanya dahil nasa sa kanya na lahat. Pagiging gwapo, matalino at mabait. Hindi lahat ng lalaki ay kagaya ni Daniel bihira nalang ang mga lalaking ganyan ang ugali ngayon na talaga namang siya pa na lalaki ang magbibigay sakin ng mga payo at paalala na dapat madalas ang babae ang gumagawa.
Nakakamangha talaga siyang tao dahil alam ko na pinalaki talaga siya ng mga magulang niya nang maayos at mabuti. Nagtataka ako kung may mga kapatid ba siya o wala? Wala kasi siyang sinasabi sakin at hindi pa naman kami talaga nag-uusap o nagku-kwento pa tungkol sa mga buhay namin.
Basta ang mahalaga para sakin ngayon ay nagka-ayos na kami at sana ay magtatagal pa ang pagka-kaibigan namin ni Daniel.
Siya lang ang naging kaibigan ko na naging totoo sakin at tumagal. Meron naman ako noong naging kaibigan na mga lalaki pero hindi ganito kalalim at katagal kasi umaalis din sila kapag hindi mo naibibigay ang kanilang mga pangangailangan. Meron din akong mga naging manliligaw noon na hindi nagtagal dahil pinagbawalan ko din, dahil nga nag-aaral pa ako at hindi ko pa iniisip ang mga bagay na ganun sa ngayon.
Darating naman ang araw na kusang darating o lalapit sayo ang taong nakalaan sa iyo kaya maghintay ka lang. Hindi minamadali ang pag-ibig.
Hindi ko alam kung si Daniel na ba ang para sakin o hindi. Umamin na siya sakin na gusto niya ako na hindi ko inakala pero expected the unexpected nga naman. Hindi ko alam kung totoo bang gusto niya ako pero base sa mga ipinapakita at kilos niya, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
Ang sabi ko nga hindi ko masasabing siya na ba ang para sakin pero sana siya na nga.
Aaminin ko na iba ang pakiramdam ko kapag nandyan si Daniel sa tabi ko o sa paligid. Para bang tuwing malapit siya sakin bigla nalang tumatalon sa tuwa ang puso ko lalo na kapag ngumiti siya parang nakakaakit yung mga ngiti niya na hindi ko nakikita sa ibang lalaki.
Paminsan-minsan hindi ako mapakali kapag nandyan na siya parang may kailangan o dapat akong gawin o ayusin sa sarili ko na hindi ko mapahiwatig kung ano ba talaga. At parati nalang naghu-hurumentado ang tyan ko kapag nakikita ko siya. Parang sobrang tuwa at kumpleto na ang araw ko pag-nakikita ko lang siya.
Aamin kong masaya ako at kumportable kay Daniel hindi ko alam kung bakit at anong ginawa niya sakin at naging ganito nalang ako bigla sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita o nasisilayan ko ang gwapo niyang mukha bigla nalang tumatalon sa galak ang puso ko.
Kapag wala naman siya parang hinahanap ko ang presensya niya at amoy niya. Palagi akong nalulungkot kung wala siya kaya nga sobrang tuwa ko tuwing nandyan na siya nakikita ko. Hindi ko lang pinapahalata sa kanya na sobrang saya ko kapag nandyan siya sa tabi ko baka asarin ako nun... pikon pa naman ako haha.
Hindi naman ganito noon ang first impression ko sa kanya. Para ngang naiinis ako tuwing makikita ko siya sa school. Para bang sakit siya sa mata ko at ayaw kung makita kaya nga noon ay palagi akong umiirap kapag hindi siya nakatingin at peke lang ang mga ngiti ko kapag kaharap siya. Nababanas kasi ako sa kanya noon haha.

BINABASA MO ANG
The Man Who Saved Me✔️(On-Going)
Kurgu OlmayanThis story is not just about what you expected to be, not just basic or specific story you always read. Not just an ordinary man will save her but extraordinary and powerful above all man. This is a rare story that I've noticed here on Wattpad and I...