Chapter 8 •PROJECT•

17 4 0
                                    


"Besh dun nalang ako sa dulo uupo. Dyan ka sa harap tabi kayo ni Daniel." Nakangising sabi ni Mika sakin habang nakataas baba pa ang kilay.

Problema nito?

"Hu? Bakit ayaw mo ba dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa upuan na nasa likod ng driver seat, kumbaga sa ikalawang row.

"Wag na tabi nalang kami ni Jacob hihi kayo naman ni Daniel yiee." Pang-aasar pa ng bruha sakin at kinurot-kurot pa ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Napailing-iling nalang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko. Ano bang nakain nito at nagkaganito siya? Tsk.

"Guys! Let's go na sakay na kayo! Aalis na tayo!" Sigaw ni Daniel samin habang bitbit ang dadalhin niyang bag.

"Ang mga bag namin?" Tanong ni Mika habang pinapakita ang dala niyang mga bag.

Grabe naman tong babaeng to kung makadala ng bag akala mo sa ibang bansa pupunta sa daming dinala tsk.

"Ow I forgot. In the back." Nakangiting saad ni Daniel samin at pumunta sa likod ng sasakyan para buksan at ilagay narin ang mga gamit namin.

Ngayon na ang punta namin sa hacienda nina Daniel para sa proyekto na aming gagawin medyo malayo pa siguro yun. I think 1:30 hours? bago kami makarating doon.

Saturday na ngayon at 3 araw at 2 gabi kami mamamalagi sa kanila. Buti nalang talaga walang pasok sa Monday. May meeting kasi na magaganap sa school namin so I think lahat walang pasok.

Pagkapasok ng mga gamit namin sa likod ng sasakyan, pumasok na kami sa loob at umupo.

"Besh tabi tayo..." bulong ko kay Mika na nakangisi lang sa akin na para bang nang-aasar.

"Bleh!" Bwesit tong babaeng to binelatan ba naman ako at lumayas na.

"Hoy bumalik ka rito!" Pasigaw na bulong ko sa kanya para hindi marinig ni Daniel na nasa labas pa, mukhang may kinakausap sa telepono niya.

"Ayaw ko nga bahala ka haha" tatawatawang sabi niya sakin at umupo na sa tabi ni Jacob na ngumiti lang sakin.

Nasa pinakalast sila nakaupo. Sila Ayana naman nasa likod namin.

Close na kami kasi nag sorry na sila sakin nung isang araw, napatawad ko na naman kaagad sila at tsaka pa maliit lang naman yun at baka hindi niya lang talaga sinasadya.

Kaya ngayon wala ng ilangan sa pagitan namin at friends na naman din sila ni Mika pati na din ng mga boys.

Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin pa. Nakaupo lang ako rito sa may bintana na nakapuot.

Kainis na babaeng yun asarin ba naman ako. Mamaya yun sakin hmp...

Pumasok na kaagad si Daniel pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

Umupo siya sa tabi ko kaya nagtaka naman ako.

May feeling na naman din ako na tatabi siya sakin, hindi sa nag-aasume ako. Dahil kasi kay Mika kaya na conscious ako kung tatabi ba talaga siya sakin.

Kaya ngayon parang hindi ako kumportable na sobrang lapit namin. Two seaters lang kasi ito hindi naman siya maliit na upuan pero naiilang ako na ganito kami ka lapit.

"Dito ka uupo?" Nagbabakasakaling tanong ko baka pwede pang magbago ang isip niya o kaya nakalimutan niya lang kaya siya dito na upo.

"Why? Is there something wrong?" Nagtatakang tanong sakin ni Daniel habang nakakunot ang noo niya.

Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti nang pilit sa kanya para hindi niya mahalatang naiilang ako.

"Ahh wala haha." Pekeng tawa ko at tumingin ng masama kay Mika na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

The Man Who Saved Me✔️(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon