Pag-uwi ko sa bahay nilagay ko muna si baby kitty sa upuan sa sala. Bago tumungo sa kwarto nila mama baka kasi nandon sila tahimik kasi sa sala."Hi Ma" bati ko kay mama pagkapasok ko at humalik sa kanya.
Gising din si papa katabi si mama habang buhat buhat ni mama si baby sa kanyang mga bisig. Nag-uusap sila.
"Oh anak andyan kana pala kumain ka muna ipagluto kita" sabi ni mama pero umiling lang ako at ngumiti, tumango naman siya. Lumapit ako kay baby at humalik Sa pisngi bago lumapit na din kay papa.
"Hi pa. Kamusta na po kayo?" Tanong ko at humalik din sa pisngi niya bago umupo sa tabi niya.
Ngumiti lang si papa at hinagod ang buhok ko. Ngumiti din ako pabalik.
"Pa. Ma. Kain lang po muna ako hah sige po" paalam ko bago tumayo. Tumango naman sila.
Pagkalabas ko pumunta kaagad ako sa lamesa para tingnan kung may pagkain ba, pero wala kaya magluluto nalang ako. Pumunta ako sa ref at tumingin ng pwedeng lutuin. Kumuha nalang ako ng bacon kasi favourite ko yun at nagluto na.
Pagkatapos magluto pinuntuhan ko muna si baby kitty sa sala at sinama sakin para kumain. Diba ang seeet ko? hehe. Umupo na kami sa upuan sa mesa at tinabi ko siya sakin bago kami nagsimula kumain. Binigyan ko din siya ng pagkain hehe.
"Oh baby kain ka marami hah para lumaki ka na hehe!" Sabi ko sa kanya habang humahagikhik. Para akong baliw.
Sabay na kaming kumain. Kapag ubos na ang pagkain niya binibigyan ko siya ulit hehe kawawa naman siya kahit san lang nakatira.
"Baby simula ngayon dito kana titira samin hah? Ako na ang aalaga sayo hehe!" masayang sabi ko sa kanya.
"Pagkatapos natin dito papaliguan na kita kasi madumi ka pa, para fresh ka naman hah?" pagpapatuloy ko habang kumakain parin kami.
Kumuha ako ng tubig sa kusina para sakin at sa kanya.
Wala akong pasok ngayon kasi sabado kaya aalagaan ko nalang si baby at ipasyal sa park hehe.
Pagkatapos naming kumain pinaliguan ko na siya.
"Baby wag ka masyadong malikot na nahihirapan nako oh huhu" sabi ko sa kanya habang pinapaliguan siya. Medyo malikot kasi siya parang ayaw niya pero hindi pwede kailangan niyang maligo.
"Sige ka kapag hindi ka nakinig sakin papalayasin kita" pananakot ko sa kanya habang sinasabunan.
Tumigil na naman siya at hinayaan nalang ako. Buti naman at nakinig hehehe good good.
Pinunasan ko na kaagad ang katawan ni baby pagkatapos niyang maligo at lumabas na kami sa kwarto para magpaalam kina mama para mamasyal.
Nasa kusina na si mama mukang magluluto na siya.
"Ma. Punta muna kami sa park hah ipapasyal ko lang po itong alaga ko hehe" paalam ko kay mama habang bitbit parin si baby kitty na natutulog na sa mga bisig ko.
"Alaga?" Tanong ni mama habang nag priprito ng isda.
"Opo mama. Ito po oh diba ang cute? hehe" tanong ko sa kanyang habang inilapit si baby kay mama ng nakangiti.
"Oww! Ang cute niya parang ikaw haha" sabi ni mama habang hinihimas sa ulo si baby ng nakangiti ng malapad.
Parang ikaw
Parang ikaw
Parang ikaw
Biglang nag echo sa utak ko yung sinabi kahapon ni Daniel. Hindi ko alam kung bakit nung sinabi yun ni Daniel parang kinikilig ako nung si mama na parang sinasabi niyang ako yung pusa huhu
BINABASA MO ANG
The Man Who Saved Me✔️(On-Going)
Non-FictionThis story is not just about what you expected to be, not just basic or specific story you always read. Not just an ordinary man will save her but extraordinary and powerful above all man. This is a rare story that I've noticed here on Wattpad and I...