pagibig na luhaan

6 0 0
                                    


Masakit ako magmahal. 

Di ko kase kayang panindigan ang nararamdaman ko, diko kayang panindigan ang mga pangako kase ganun lang ako, madaling magsawa. Huwag nyo na muna akong husgahan ganun nalang talaga ang nangyare ei.

Kung tatanungin nyo kung may nararamdaman din ba ako, oo, meron din naman. Nasasaktan din ako, kaso ang problema gusto kong masaktan. Gusto kong makaramdam ng sakit, umiyak, tumulala at magisip kung bakit ganun. Gusto kong isipin yung nangyayare sa ibang istorya kesa isipin ang madilim kung nakaraan na minsan diko ginustong maalala.

Malapit nyo nang matumbok kung bakit masakit ako magmahal. Hanggang ngayon gustong kong maramdaman na makontento. Likas na sa atin ang di makontento, isa na ako doon. Ang pinagkaibahan lang sa akin di ako marunong makontento sa lahat ng bagay, kaya nga gumawa ako ng paraan. sinigurado kong nakaorganize ang mga bagay na gusto ko at lahat yan paniguradong nakaplano. Madalas akong magkamali dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko, mismo yung utak ko na pagod na magisip. Sa dami ng kaniyang iniisip sumusobra na kaya diko na kilala. Mahirap ko ng makilala at mahanap yung ako, yung totoong priority ko. 

Mahirap din maging ako, kase mas gusto kong sarilihin ang lahat ng problema ko. Katulad nyo ba ako na pagod ng ipaliwanag ang sarili, takot ng sabihin pa ang problema, at lalong lalo na sawa na sa kakukwento ng nilalaman ng saloobin at isip mo. Mahirap na kase, totoong nahihirapan na tayo. Para sabihin ko sayo, matagal ka ng sumuko sa sarili mo kaso iniisip mo yung pamilya mo na naapektuhan din.

sinubukan ko na ring sabihin ang problema ko sa nanay ko, naintindihan nila nung una pero nung sinusubukan ko ng ilabas at sabihin pa lahat ng problema ko, tila dina nila nagugustuhan at parang ayaw na nila sa akin. Alam ko rin na nagsisisi narin sila sa akin kung bakit pa nila ako inampon. Gusto kong matawa pwede ba?

Haay. Balitaan nyo nalang ako lage kung nanjan kayo lage sa akin ahh. Nagbabasa ba kayo ng mabuti? naku! basta galingan nyo lang pagintindi sa akin ahh. Puta nakakadiri humingi ng pasensya. Sa totoo lang nandidiri ako humingi ng simpatya, hindi ba? nakakaawa yun?

Mahina ba? walang tiwala sa sarili? o napuno at pagod lang? Magkaiba si duwag at may pinagdadaanan ahh? magkaibang magkaiba yun. Gusto ko ring matapos ang pangamba ko.

Gusto ko ring lumaya, hintay lang kayo. Wala namang madali sa mga ganitong bagay. Sa totoo lang napakahirap hanapin kung ano pa ba ang gumagambala sa akin. Siguro, diko kayang patawarin sarili ko. Mahirap pala noh? kaya ikaw, kung sasabihin mo sa mga katulad ko na patawarin nila sarili nila, huwag kang magtangka dahil utang na loob napakahirap patawarin ang sarili. gusto mo malaman ang pakiramdam?

Parang napakabigat, nakakadiri, nakakahiya at napakawalang kwenta kapag susubukn namin ang sarili namin kung alam namin na walang saysay ang lahat sa salitang patawad. Alam mo ba kung bakit? kase hindi pa talaga, hindi pa kami humantong sa oras at panahon na patatawarin na namin ang sarili namin sapagkat di namin ginusto ang nangyare, maaring naging biktima kami o nakinabang kami. Utang na loob ni minsan diko nagustuhan ang nangyare. Nagsisi pa ako, nandidiri pa ako.

Kamusta ka nga pala? gumagawa ka ba ng tanong sa isipan mo kung ano ang hinuhugutan ko? siguro yung ako. Kung ano man ang nasaakin, konektado sa kung sino ako, yun na ang pinanggalingan nito.

Marami akong alam pero pakiramdam ko natatanga ako sa katotohanan na wala akong alam kase diko magawaan ng paraan. Oo, tungkol sa akin yun, malay mo naging ganito karin sa akin. kung ganito posisyon mo sa akin, sulit pagbabasa mo. Tara at tuklasin natin ang damdamin nating dalawa na di nila maintidihan tanging utak lang natin, tanging puso lang natin, tanging tayo lang, ako at ikaw lang.

Ramdam mo ba? kapag ramdam mo 'to sulit pagbabasa mo nito. Subukan mo pakinggan ang musika ni December Avenue, baka masaktan ka.

Sa gulo ng kwento ko, kapag naintindihan mo. Parehas lang tayo na kinukwestyon natin ang pagmamahal natin. Kwestyon lahat dahil di tayo pangkaraniwan. Tayo ang tunay na nasasaktan na sa sobrang sakit tahimik lang tayong lumalaban.

May halaga pa ba na magmahal? sabihin ko, kapag naawa ka sa sarili mo, hindi mo kailanman minahal sarili mo, kase kung sa una palang mahal mo na sarili mo hinding hindi ka maaawa dahil alam mong masaya ka at kontento ka.

Pagod na akong sumulat, gusto kung sumuko pero bat diko magawa?

Ganon ang isip,nasa isip lang ang lahat pero hinding hindipapayag ang puso kung paano ka kapursigido. HAHAHA corny ba? masyado bang makata? nakakawalang gana kapag napakalalim at napakaseryoso. Gusto ko lang kase yung parang cool para hindi na dumagdag pa sa problema yung kaartehan ng istoryang ito. 

Oh? kamusta ka ngayon? may nasagot ba kahit isa sa tanong mo sa sarili mo? huwag kang magtanong minsan kase indenial kalang. Minsan mas pinipili mong wala kang alam para maiwasan mong masaktan. Ganun tayo, masyadong tinatanggi ang katotohanan kase mas pipiliin mong sarilihin ang problema mong maski ikaw di mo alam kung saan pa nanggagaling.

Ang galing noh? panay ka tanong kahit alam mo ang sagot. Mahirap kase kapag gusto nating maging perpekto ang isang bagay, minsan naman di mo tanggap na nagkakamali din tayo. Nahihiya ka kase na husgahan ka ng marami, huwag ka magalala lahat din naman yan sila nagkakamali din kaso minsan may paraan sila kung paano harapin pagkakamali nila. Minsan mananahimik at minsan naman maingay. Masakit sa tenga! sila kase yung mga taong ililipat sa iba ang kasalanan, maninisi o mambibintang.

Pinaguusapan natin dito yung ako ahh, pero kung relate ka wala naman akong problema. Masakit lang talaga ako magmahal sa totoo lang. 

Anong Laman ng Utak Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon