dear wattpad, oo nabored na ako sa kakaupo sa buong maghapon. Masakit na sa pwet ang pagkakaupo ko sa upong maghapon. Andaming nangyare sa mga buhay ko naissue pa ako, nasigawan sa klasada, napahiya, nakaboyfriend, tinamad, nagtwitter, nakapagfacebook kahit di ako mahilig. Basta ang daming nangyare.
Gusto kong ikwento laman ng utak ko sumobra na kase sa mga salita baka mabaliw na ako gusto ko tuloy pumunta sa malayong lugar para magaral ng matino HAHAHA nagkacurfew pa ako syete! HAHAHA pero ayos na yun para naman 'di malaman ng nanay ko na nagrerebelde ako. Dapat kung badbitch ka samahan mo ng goodbitch para huli ka pero di kulong!
As of now mahal ko naman pamilya ko ayoko naman na mamatay sila dahil sa akin. Dami ko pang social problem, sa school at sa kung anong kakemehan ng CHED at DEPED basta usapang school ngayon nakakaimbyerna takteng yan! Dati halos sa school na ako matulog basta lang makasama mga barkada ko.Friends is life tayo ei.
So yun nanga punong puno ng kastressan ang utak ko exam ko nga ngayon pero wala ata akong balak tapusin shuta! HAHAHA may ineedit pa ako na video na wala rin ata akong balak tapusin shuta mgapapaexam pa si ma'am samin ahh. To be honest wala naman kaming natutunan this sem HAHAH ang importante makapasa at makita namin grades namin na nasa tamang landas yung masisigurado namin na di maisusugod sa ospital parents ko kapag nagbigayan na ng grado si titser. Dami kong hanash at pinagdadaanan pero okay na ito kung wala sanang lockdown bukas at curfew di ako maiistress ng konti. Isama mo pa 'tong boypren kung maattitude kemang na naman sa kaniya.
Masaya ang buhay salamat at buhay pa ako at kayo na nagbabasa nito, pero alam mo yun parang ramdam mo na patay kana o wala kanang pakinabang sa mundo napapansin kalang kapag may kasalanan ka shuta! Haynaku ang hirap kasi nakaupo kalang tapos wala kapang pera kaya kung ano-ano na ang minimessage ko sa facebook na earn money at home. Oo nakakabulag ang pera pero atleast baka naman may mahilata ako sa kakaupo ko dito sa bahay may perang aabot sayo sa kakaupo at kakatunganga sa cellphone sayang din ang wifi.
So ano na? ano na balak ko sa buhay ko bukod sa bored na ako at ayoko na magaral, sinubukan kong umibig para naman maibsan lungkot ko kaso wala nadaya pa tayo ng relationshit di talaga ako tinatablan mas gusto kong mapagisa at magisip na lang ng malafairytale kong mga stories. Takteng yan ahh sa sobrang bored ko na tumakbo ako bilang senator sa school nanalo ako kaso wala pala akong kalaban shuta nasaan na naman ng challenge doon?
Gusto ko nalang talaga maging full time writer hahayy ibibigay ko nalang talaga best ko sa pagsusulat basta malakisweldo at apruba lahat. HAHAHA boring na kasi life ko pati ba naman utak ko boring narin. Dagdag mo friends ko boring, boyfriend ko boring narin ano na?! may pupuntahan paba ako? Feeling ko introvert na ako ei. Diko na alam ang nangyayare sa akin, misan naisip ko gusto ko lumayas tapos hahanapin ako yung tipong buong mundo magiingay kung nasaan ako para may challenge kaso wala ei nabored na talaga ang environment ko.
Pasasaan ba ang tadhana na ito? Bored na talaga ako nasaan ang hustisya ngayong araw? sa mga nagbabasa nito siguraduhin nyo lang din na nagcocomment kayo para naman may kaagapay ako dito feeling ko konti nalang lapit ko nang kitilin buhay ko sa boredamn (insert joke). Mas gusto kong mapagisa kasi ayoko ng makadamay ng tao sa magulo kong buhay.
Nalaman ko na ang gusto ko kaso ang problema imposibleng mangyare yun kase andaming limitations at sagabal need pa ng patience dagdag mo ang iba talaga prohibited talagang gawin. Masaya mabuhay lalo na kapag malaya ka kaso dimo talaga maiiwasang may masagasaan kang tao kaya limitado lang talaga ang bawat galaw natin sa buhay. Nakakapanghinayang man ang panahon at sandali ng buhay natin kailangan parin nating alalahanin na di lang tayo ang nakatira sa mundong ginagalawan natin.
(Napadrama ata ako ahh HAHAHA sige lang free speech naman tong ginagawa ko HAHAHA)
tanong ko sana kung hanggang kailan ako ganito kung paulit ulit akong magulo ang utak may iintindi pa kaya sa akin feeling ko mapapagod lang mga kaibigan ko sa akin. Tanda naman siguro ito ng paggiging abnormal ko sa buhay, aaminin ko naman sa sarili ko na abormal ako minsan gusto ko ng ganyan at ganito pero pinagsasawaan ko rin. Gusto kong linisin ang utak sa pamamaitan ng pagsusulat. (sasabihin ko sa inyo ulit ahh ang kwento na to ay kung ano ang tumatakbo sa utak ko para klaro lang, sige tuloy muna pagbabasa mo!) So, yun na nga naginarte na naman ako. Minsan ugali ko out of the moon yung bang may masabi lang o may maisip lang bored na kase tsaka puno nadin, yun bang papunta nasa wala.. yung papunta na sa milky way sa universe out of coverage area kaya I am trying to fix it.
Ganyan talaga ang buhay daming alam. Dimo alam kung kailan titigil ang pagikot nakakahilo nga kaso kailangan mong sabayan para dika masiraan ng ulo, gets mo ba?
So nagdadrama nga pala ako dito sa coffee shop may exam ako pero ito ako nagsusulat sa wattpad (toink!) tapos yun na nga buhay naming mga writer ei ang pag susulat. Mamamatay kami kapag di kami nakapagsulat yung tipong sasabog utak namin sa mga nakakalokang kwento, salita o scenes na pang movie pero shutek ang hirap talaga irecognize kapag sinusulat na. Kaya minsan intindihan nyo rin kami sa mga kakulangan namin (charr aspiring author ang gurll!)
The momment I step up with this kind of writing keme chapter nonstop na ang utak ko sa mga gusto nyang ilabas, sabihin o gustong ipahiwatig. Nakabobo kapag diko mapakawalan. Kapag ang utak mo di ginamit sa ilang months mangangalawang talaga. First time nga ito ei, WHOO! masakit sya sa bangs HAHAHA. So di naman ako demending na author pero appreciated ko talaga ang mga taong nagbabasa ng ganito malay mo may matutunan ka kahit konti sa nilalaman ng utak ko HAHA.
Mahirap ang buhay ko este ang utak ko intindihin. Feeling ko nga ei mas mabigat pa sya sa mundo masakit sa batok. Dami ko na namang hanash! HAHAHA titigil ba ako? nonstop typing ako dito ahh? ganito naba kalalim ang mga dinadamdam ko sa buhay at napapakwento ako ng ganito? oo na, pabigyan nyo na ako, inaamin ko naman na baliw ako 101 percent HAHA( tingnan mo tumatawa ako pati ba naman sa typing?) so yun na nga.. feel ko lang magsulat as in ang gaan sa feeling yung uupo kalang dito tapos aasikasuhin ka ng staff ng infinitea (love these cafe) so as soon I know lapit na akong umuwi sa sobra kase kalaagan ko na babae ei panay ang gabi ko kaya napapagalita ako then ito na nga maycurfew na ako HAHAHA. teh? 21 na ako strict si parents. Ganun talaga kapag girl ka at gandang walang epek! HAHA (ayun tawana na naman) 5:00 pm curfew ko bitin nga ei pero keri yan aaraw arawin kona to kapag nakaya ko at wala si parents and boyfriend na manggagambala. psh!
So still happy and thankful parin naman ako sa lahat kase atleast I am alive and there's still people who wants to stay even I am freaking weird kaya ikaw kung nakita mo na magkaseng gulo tayo ng utak ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa para naman may relate-relate na nangyayare. Diko pa nauubos ang cheese pemiento ko paalis na ako sayang ang pera gurl!
January 12, 20121
oh nalagpasan ko na pala yung date na dapat updated to. Maliit pa kasi ang laman need ko siyang damihan para di masayang ang chapter kaso wala ng laman ang utak ko bukod sa laman, taba, tubig at dugo ay wala na. Sa may maidagdag okay na. Alam ko naman na naghahanap ka ng storya na pwedeng magpainspire sayo kaso ito ang naman yung kwento na naging interasado kang basahin sana nga umbaot ito sa magandang wakas medyo nahihirapan na nga ako sa buhay at pagiisip ng bagay. Dumadating talaga tayo sa part napaka pariwara na natin kase pagod na tayo sa buhay at sa kung anong problemang pinapataw sa atin. Oo na alam kung nanjan si God para sa atin pero diba minsan kailangan talaga nating yakapin at tanggapin ang katotohanang mahina talaga tayo at di talaga natin kaa ang lahat. Oo, alam kung gusto mo ng taong sasabihin sayo na mahirap talaga ang pinagdadaanan mo mahirap sayo ang lahat at kailanagan mo ng karamay at iintindi sa lahat ng sakit na nangyayare sayo kasi masakit na, kaso failed ang natatanggap mo lang ay salitang 'kaya mo yan' pero paano kung di mo kaya? 'malalagpasan mo rin yan' paano kung hindi? 'maayos din ang lahat' kailan yun?
mas gugustuhin kong marinig sa buhay ko ang salitang 'kahit na anong mangyare ikaw parin naman ang taong nakilala ko na kahit pasan mo pa ang mundo di magbabago ang turing ko sayo at sabay tayong lalaban sa problema mo.'
![](https://img.wattpad.com/cover/242787179-288-k491291.jpg)