Pampagoodvibes sa umaga

12 1 0
                                    


Anong oras na ba sa akin 8:52 na nang umaga kakatapos ko lang magluto ng agahan at humiga na naman ako sa kama. Ginagamit ko selpon ko kahit na nakacharge diba bawal yun? baka sumabog yung charger at selpon? nanginig tuloy kamay ko baka magkatotoo bigla mainit paman din dito sa kwarto ko sa taas.

Di bale na baka sa kadami dami mang pagkakataon ngayon pa sasabog? malay mo rin ngayon lang din napusuan ng charger ko at selpon ko magpasabog diba? masaya gawin ang bawal. Bakit lahat ng bawal masarap at masaya? Matanong nga kita? para sa akin kasi bihira ko lang gawin ei. Yung mga bihira lang mangyare sa buhay ini-enjoy natin ganon lang yun kaya huwag silang manghusga.

Gusto na naman ba ninyo malaman kung ano ang nasa isip ko habang nagluluto? Pakiramdam ko kanina habang nagluluto ako ng ampalaya na may tuyong isda kinikilig ako. Totoo, kinikilig ako tapos naalala ko yung crush ko noon tsaka yung bestfriend ko na hindi ko na besty ngayon may iba na syang besty aww saad. Anyway ganito yun habang nagluluto ako iniisip ko yung memories ko noong junior high ako napaisip ako na 'ay masmasaya pala talaga noong highschool ako pero hindi na noong grade 10 ako ah' Hanggang grade 9 lang ang good memories ko noong grade 10 kase puro boom! boom! pow! ang drama ko hindi dahil sa graduation ah? pero dahil gusto ko nalang lamunin ng lupa that time dahil sa naging issue ko. Ang hot ng issue manega! pero kalimutan na natin yun. Pampagoodvibes nga itong chapter ei binubwiset ko naman kayo? patawarin.

Iniisip ko ngayon kung maga-update ako ng story o hindi kase wala pa talagang pumapasok sa isip ko. Ayoko namang paasahin ang readers ko ayoko ng paasa. Yung utak feeling sikat akala mo maraming nagbabasa sa story ko para abalahin ang sarili sa update nayan. Pero ganon talaga kailangan mong mahalin mga mambabasa mo kasi sila nalang talaga ang kakampi mo sa ganitong talento mo. luh? talento daw?

Matatawa siguro ako kapag ito mababasa ng mga kaibigan ko. Paano kaya kong mabasa nila tapos makikilala nila ang nagsulat nito. Huwag na nga puro satsat nasasayang pagbabasa nyo.

Bakit kase ke aga aga ganito naisip kong isulat? Pampagoodvibes nga ei. Bat ka ba nagbasa? kung gusto mong malaman kung ano ang nasa isip mo magisip isip kana. Ako ito nga oh? Nagsusulat na, binigyan ko ng kalayaan ang iniisip ng utak ko haha. Gusto kong itanong na bakit ang hirap gumising sa umaga ang hirap matulog sa gabi? Masaya gumising sa gabi kase karamihan ng tao tulog. Tapos sa umaga gising sila lahat ei gusto mong mapagisa kase kapag gising sila sa umaga andami nilang inuutos. Tama? Ayaw na ayaw nating gumawa ng gawaing bahay o utusan pero gusto mong mabuhay tapos nagpo-post ka ng 'I'm bored' + 'Boring sa bahay' + 'walang magawa sa bahay' che! Katamaran yan dong araw araw andaming pwedeng gawin sa isang oras kaya kong makapag luto ng tatlong ulam, saing ng kanin at nakapag hugas pa ako ng plato di magulo kusina ko. Char! Nagtaas ba naman ng bangko. Pero totoo, walang halong biro masipag to e. Usong uso ngayon ang salitang 'SANA ALL' mapapagkain o jowa man yan daming sana all. Natuto tuloy akong magsalita ng 'sana all' wala lang, nahilig narin ako pero di ako nagpopost ah. Ibibigay ko na yun sa libo-libong pilipino na nakikisana-all pati nga KMJS e nakikisana-all din. Andaming Hanash.

Dami palang problema kanina sa bahay bukod sa bumaho yung gulay namin late na gumising kapatid ko kasi alaskwarto ba naman na tulog ei may exam? ang galing!

Kung tulog ang paguusapan oks na ako na may tulog na apat na oras sa isang araw di ako mahilig matulog ei ang dami ko na kasing magagawa kapag gising ako isipin mo yung itinutulog ng mga kapatid ko kapag wala silang gagawin 16 hours kaya nila. Aba! ang galing! tapos ako ang kawawa ako ang napagiiwanan ng gawain, ako ate ei. Kahit masakit na likod ko hala sige kayod lang ng kayod para sa pamilya. Pwede na nga ako magasawa e sabi nila haha pero ayoko pupunta pa akong Korea malay mo may forever ako doon. Di na ako aasa dito sa pinas andami na nilang pinaasa ako ei. 'umasa naman ako'

Grabe yung utak ko andami pang gustong sabihin pampa goodvibes ba hanap nyo? binigyan ko lang ata kayo ng problema e. Gusto ko kayong patawanin gusto nyo usapang utang? Matindi ang mga kilala ko jan tamaan sana kayo!

Ganito yun 'nagsimula na yung utak ko magbilang ng mga nangutang sa magulang ko.' May umutang sa tupperware kay mommy baby ata ang pangalan nya bale 120,000 ang utang nya, meron naman doon sa bestfriend ng tatay ko 100,000 naman tinakbuhan siya ayaw naman magpakita sa kaniya dinadaanan nga ng tatay ko sa bahay nila baka magkatagpo ang landas nila e. Magbayad kayo huy! Tapos meron din na Office mate ni Daddy 100,000 din. tapos meron din sa ininvest nya na worth of 250,000 na hanggang ngayon wala pang tubo naku naman! meron na naman sa isang tindahan worth of 100,000 ba? di ko na matandaan lost of count na ang lola nyo. Basta ang pagkakaalala ko umabot ng isang milyon ang utang kay mommy at daddy at alam nyo ba ang nakakatawa si mommy at daddy ngayon nangutang sa tita namin ng 30,000 pambili ng laptop dahil kailangan sa trabaho ni mommy. Nakakatawa pero nakakalungkot yung may mga utang jan isipin nyo rin kalagayan ng inutangan ninyo utang na loob!

First day pala ngayon ni mommy sa bago nyang work pero for 3 months lang yun contractual lang. October 1, 2020 ngayon baka maligaw ka sa date sa dami ng number na nakita mo dito. First day ni mommy. may work na sya sana okay lang sya di sya 'wait lang bakit puro nalang sya' anyway basta goodluck fighting!

Yung mga nangungutang grabe pa sa tatakbong presidente ng pilipinas sa mga pangako nya. Sila pa magbibigay ng deadline ng buhay nila este ng pagbayad nila pero kapag oras na ng kanilang destiny of fate in the road of heavenly guarded promising contract signing in the major words that spledidly a touch your heart AYUN! naglaho sila ng Pusshhhh!!! Di mo na sila maagilap. Lahat ng sinabi nila mas magiging mabigat pa sa katotoohanan sa kadahilanan ng rason kung bakit di sila makapag bayad.

WHOO! Ang pera ay mahalaga ngunit ang tiwila sa iyo ng inutangan mo ay mas mabigat pa. HUWAW! kaya yung mga taong may utang ako please lang lapit na kayo sa akin magkano ba utang ko sa inyo? Sa naaalala ko wala pa naman akong utang mahilig kasi akong manghingi dabest yun kesa sa mangutang wala pa akong trabaho para magbayad ng utang e pera din naman ng magulang ko ang ipambabayad ko. Panipisin muna natin ang ating mukha. Manlibre nalang tayo at magpalibre 'Hay? sa mga taong nililibre ako atleast bukal sa loob nyo ah? labyu!'

Ikaw naman na nililibre huwag din makapal ang mukha manlibre kadin kung nakaluwang luwang kana huwag puro subo ha? magpakain karin! kahit tubig lang sa bahay nyo ganurn! well umabot na naman sa isang daan ang salita dito sa wattpad ayokong pahabain to tsaka kumakalam na naman tyan ko gustong kumain kahit kumain na kanina di bale usap na naman tayo maya kung may sinasabi pa 'tong utak ko okay? sige adios!

Anong Laman ng Utak Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon