I just found out na gusto ko pala marinig ang sounds ng pagtype ko, kase sa bilis ng pagpidot ko parag nabibilib ako. HAHAHA satisfying tawag don, kayo ba?
magsisimula na namang magunaw ang mundo ko, pagod na ako kargahin pa kung ano man ang pampabigat. Masyadong mabigat at magulo siguro nangalay na ako at pinili nalang sumuko.
Mahirap mabuhay lalo na't nakakulong kaparin sa nakaraan mo, matagal ng huminto ang mundo na tinatapakan ko. Ano pa ba ang kulang sa mga bagay na isinakripisyo ko. Lahat ginagawa ko maibaling lang ang atensyon ko sa sarili kong kawasakan. Madiin ko mang itanim ang pait ng alaala ko. Sadyang linta ata sya at hanggang ngayon gustong gusto nya ako. Maraing ng dumaloy na dugo sa akin isama mo na ang mga emosyon na diko alam saan ang Dereksyon.
Naramdaman mona ba ang mamanhid sa lahat ng bagay, dala ng pait at sakit na pinagdadaanan mo? yung wala ka ng malilingunan sapagkat naisara na ang lahat ng pintuan para sayo. Oo, sa totoo lang lahat na ng natitira kong mundo wala na. Yung pamilya ko wala na, nawalan na sa akin ng pagasa. Halata ko at yun talaga ang totoo, ilang galon ba ng luha ang dapat kong iiyak twing gabi? Ilang gabi paba ang titiisin ko at itatagumpay para ipabukas na naman ang pangamba ko. Oo, may bukas pa.Kailangan kong maisp na may bukas pa. Kailangan kong pagtibayin kase baka tumigil na ng tuluyan ang pagikot ng mundo ko. At baka dumating ang araw na permanente na 'tong hindi umikot.
Walang masama na sumuko. sinasabi ko sayo. Choice mo yan, pagdina kaya. Tumigil kana, kesa sa oras oras namamatay ka. Sa masukal na daan saan pa ako dadaan. Lilibutin kopa ba ang bawat kanto na diko na matandaan. Hindi, kung alam kong hindi kopa kaya, gagawa muna ako ng paraan hanggang kaya ko na.