Mahilig akong magdrama na tao. Masyado akong madrama lalo na kapag tungkol sa paghuhugas ng plato, pamamalantsa, paglalaba, paglilinis ng bahay at paggawa ng mga bagay na ikakasakit ng katawan ko. Paggising ko palang sa umaga masakit na katawan ko sa sobrang katangahan ko kasi naihampas ko sarili ko sa refrigerator namin so masakit balikat ko. Kakaiba ang gabi ngayon di ako makapagisip ng tama dahil nabanggit sa akin ng kapatid ko yung taong 'lam nyo na akala niyo kayo sa huli kaso hindi pala. Ayun yung utak lumipad sa Englatera.Naisip ko lang if iniisip nya rin kaya ako. iniisip nya rin kaya yung 'yung babaeng yun nakakamiss din pala.' ts! asa pa ako. So, wala namang kwenta yung naiisip ko bukod sa napakawalang kwenta yung update ko sa Desire in You nastock din yung imagination ko sa mga nakakakilig na conversations. Di ako makagawa ng scene kung saan may nakakakilig dahil wala akong alam at walang lumalabas sa utak ko. Announcement kailangan ko ng dopamine please lang para naman kakilig kilig yung story ko. Gusto kong kiligin ang readers ko pero walang kwenta talaga akong author. Baka may kilala kayo jan na pwede akong pakikigin ito number ko 0975230647* o? hulaan nyo nalang yung susunod na number huwag nyo akong lokohin ah? kase paexpired nadin yang number nayan dahil di na ako nagloload wala din naman akong tatawagan or itetext kasi ... okay going back to reality message nyo narin ako sa twitter, instagram, at facebook bahala na kayo hanapin ang name ko iparamdam nyo naman na may nagmamahal sa akin okay? Samahan nyo narin ng delivery na tacos yung bayad na ahh? I like it!
Sa mga taong nanjan lang nagbabasa lang nito kamusta ka? may nagtanong naba saiyo kung ayos ka lang ba ngayong araw? huwag kang malungkot ako na kakamusta sayo. Kamusta ka na nakapaglaba kana ba? nakaligo kaba ngayon o tooth brush baka mamaya nyan ngiti ngiti ka naninilaw na yang ngipin mo. Nakakatamad kase yan gawin e, pero naligo ako ahh. I am fresh from bath. Well, naliligo ako 3 times a week or 4 times para tipid sa tubig, shampoo, sabon at damit ganun ako kapratactical pero gawain yan ng taong bahay kung taong labas ka magisip-isip kana.
May klase nga pala kami bukas 'diko pwedeng sabihing may pasok kami bukas kase wala namang papapasukan ngayong covid-19 gusto nga nila magacademic freeze e. 'Di ba sila masasayangan sa isang taon mga tamad lang talaga sila magaral. Ang mga tao mareklamo no? kunting problema lang magrereklamo di maghahanap ng solusyon dadagdag pa sa komosyon. Kaya ako isa sa mga problema ko ang pagkawala ng ballpen ko araw araw bumili ako ng mamahaling ballpen para naman todo ingat si Adeng. Ganun lang bigyan nyo kase ng halaga ang mga bagay bagay para ingatan nyo! Di naman kailangang isipin pa yung presyo pero sarili kong solusyon yun sa paggiging burara ko. Ang akin lang marunig kayo magpahalaga sa oras, lakas at buhay nyo tsaka yang ballpen nyo!
Narinig nyo naman na inihalintulad ni ma'am Moñasque teacher ko sa grade 10 na ang ballpen ay isang baril. Sasabak ka sa gyera dapat may armas ka. May baril ka! Lumaban ka! kaya ikaw magbigay ka ng halaga okay?
Speaking of ballpen jan nainlove ang ex ko noon. awkward pagusapan si ex kasi di alam ni daddy na madami akong naging ex haha shhh huwag lang kayo maingay. Huwag kayo magalala malakas ata magdasal tatay ko kase ambilis korin mawalan ng jowa. Mahilig kase ako magparinig sa kaniya (wait lang awkward to kinikilig ang lelang nyo) madalas kasing mawalan sya ng ballpen tapos lagi kong sinasabi na "ayan hawak mona pinakawalan mo pa" bashta ganern yun so to the long process he fall inlove with me hanash english besh? tapos sya na ang nagsabi saken nun nung mawala yung ballpen ko nagulat ako nang gamitin nya yun napataas kikay ako at di nakapagsalita what the hell is he thinking? well long story short naging kami but in the end we broke up.
So dahil sa ballpen din walang poreber kaya huwag na kayo mainlove dahil sa ballpen huwag nyong gamitin taktiks ko baka mabroken kayo. haha.
I want to congratulate how weird I am right now. From love to urggh whatever. Actually gutom ako ngayon apat na beses na akong kumain pero gusto ko pang kumain pero takot naman akong tumaba. Takot akong tumaba pero antakaw takaw ko. Saan dun ang masaya. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na swksi ako chur! Pero di nga ang hirap magpapayat noh? Hindi naman ako kumakain ng plain rice. Corn rice ang kinakain ko takot din naman akong tumaba pero grabe ang hilig ko sa chocolate wala na ngang tamis buhay ko pagkain kopa kaya? buti kung may prutas dito araw-araw kaso mas mahal pa ang prutas kesa sa mga process food. naku po! yung natural lang na tumutubo sa lupa mas mahal.
Makalipas ang isang araw ipagpatiloy natin ang kwento na to sa utak. Matagumpay kong nai-update ang isang kwento ko nakatulog na nga ako sa editing. Hinihilingbko nalang na sana may mapuntahan naman tong pinagsusulat ko. Hilig ko lang magsulat pero diko man lang pinagpalatuloy. Mahirap talaga manindigan ngayon sasabihin mo sa kaklase mo na magkikita kayo ng alasyente sa kanto alas dyes na tulog ka parin sa kama mo at naglalaway. Sino bang tao ang hindi naglaway? pati mga artista huwag nyong tingnan sila naglalaway din yan sila habang tulog. Maski mga King ng Spain yang mga taong may maharlika may mga pagkakataon na amoy laway yang mga unan nila. Nasubukan narin nilang magpihil ng utot nila sa maraming tao malay nyo nga nautot na yan sila kaso patay malisya sila kunware 'di sila haha kakaway nayan sila sa madla at ngingiti para bongga.
Alam nyo yun hindi nyo alam no? masaya magbasa na malaya. Mula naman to sa kalayaan kung magsulat kaya malaya karing magbasa. Gaano ba kahirao mangimagine ng senaryo sa isang nobelang binabasa mo? mahirap lalo na kung hindi ka marunong mangimagine lalo na kapag sinabi nilang gwapo yung leading man tapos maghahanap ka sa mga aktor kung sino ang pinakagwalo tapos dun mona ipopokus yung leading man mo. solb problem. So pagusapan natin ang pampagoodvibes nawalan na ako ng dami ng salita. Pero eto nalang naalala nyo ba yung kaibigan nyong binibilangan nyo kapag nahulog pagkain nya lalong lalo na yung kendi? kapag hindi na limang sigundo pwede pa? madami sila no? yung mga oras na bata pa tayo wala tayong pakialam sa mga words na mikrobyo pero nung lumaki kana mahanginan lang pagkain mo dirty na.
Dami ng nangyareng science experiment sa mundo pero tayo nung mga bata tayo ang importante makapaglaro at makakain kahit cherry kinakain natin, inaakyat pa yan ng kaibigan nating unggoy pagalingan nalang. Ang laro ng babae laro narin ng lalake noon, dalawang dosena nang laro ang nalaro namin nung bata pa ako sobra naming close ng nga kaibigan ko para kaming magkakapatid pamikya kumbaga pero 'lam nyo yun nung nagdalaga na maski sulyap di niyo na magawa? pero maniwala ka sa akin hanggang kaya ko lahat ng kaibigan ko na lalake pinapansin ko kahit naging heartthrob pa yan sa university namin si totoy lang naman yan dati ei. Hahay di na nga nya namalayan nagkagusto na ako sa kaniya. Isa sa pinaka makatotohanang katotohanan sa mga kababata natin noon hindi natin alam ang tunay na pangalan nila sanay lang tayong tawagin sa palayaw nila si totoy, si ading, si lala, si parina, si baby, si ading na babae, si kuya kambal, si lyka at joyjoy sila yung mga kababata ko na diko halos kilala ang tunay na pangalan. At ang masakit pa doon ay di na kami masyadonh nagpapansinan. Naalala ko noon kasama ko si lala na maligo ng ilog sa may bundok haha (pagnabasa nya to laughtrip!) nakakamis sila. Ang mahirap kase sa akin sa paguwi ko halata sa akin ang pagligo ko sa ilog nayun dahil namumula ako paguwi alam nyo buhay punagpala sa kaputian kaya walang lusot sa bahay tuloy napapagalitan pero sulit naeenjoy ko parin kahit nalunod ako dahil kay Bayang haha remember?
Taking it over enjoy maligo sa ulan pagtapos ng klase grade six ako noon sinasadya kung magpaulan para mabasa. Uuwi ako sa bahay sisigaw sa lola ko na basang basa na ako kaya maliligo nalang ako sa ulan. Kailangan kong gawin yun para payagan ako. Utakan lang yan mga besh. I love you lola!