Nakakapagod nadin palang magwalangkibo. Nakakapagod ng magisip kung paano ka ngayon o bukas at sa susunod pang araw. Nakakapagod ding intindihin ang mga taong ni minsan dika naman inintindi.
Lagi ka nalang nananawagan na baka sakaling hayaan ka nalang munang maging isang taong may karapatang magkamali. Lahat tayo nagkakamali, nawawasak, nasasaktan, nakakalimot at higit sa lahat sumusuko. Maging normal sana ang lahat. Hindi sana napakabigdeal ang sarili mo kapag nagsawalang kibo ka nalang sa lahat ng bagay.
Nagwawalang kibo ka sa maraming dahilan isa na doon ay yung ayaw mo nang masaktan kase pagod ka na at lalong lalo nang hindi mo alam kung paano ka maghihilom. Sa totoo lang kaya lang naman tayo takot masaktan kase hindi natin alam kung paano babangon. Natatakot tayo kase mas lalo lang natin mararamdaman na walang umiintindi sa atin, walang gustong mangamusta sa oras na kailangan mo ang iba. Takot tayong maging malungkot. Takot tayong harapin ang katotohanan na kung hindi tayo pagod, hirap din tayong bumangon.
Likas sa taong manghingi ng tulong, manghingi ng hahawak sa mga kamay natin o umasa na may taong mananatili sa atin sa kahit na anong hamon ng buhay. Sa lahat ng yun, lagi tayong bigo. Simulan natin sa pamilya nating hindi natin kayang ipakita ang mga paghihirap natin. Sa totoo lang, iilan lang naman ang biniyayaan ng magandang pamilya. Isang pamilya na sakto lang sa hinangad nila, sakto lang na makakatulong sayo sa problema.
Mayaman nga kung ituring ang pamilya mo ngunit kinapos ka sa pagmamahal at pansin. Mahirap sa mga batang naiwan at napabayaan ang lahat ng problemang naipasan sa kanila.
Hindi ko alam kung saan ako pagod, pero pagod ako sa lahat. Nakakapagod kumbinsihin ang sarili ko sa hamon ng buhay at pagkakataon na nasayang na binuhos sa akin. Hindi ang kapaligirana ng problema ko, ngunit ang problema ay "ang aking naging umpisa"
Bahala kayo isipin ang problema ko pero mas panatag ako kung lagyan natin ng matalinhagang salita. Shuta! hindi naman ata epektib.