4th Journey

54 2 0
                                    

New Classmate

Chapter 4

Kasama na namin ngayon si Ken.
Nag-transfer daw pala siya dahil kakaluwas niya lang din ng manila.

Matawa-tawa naman kami ni Josh dahil pinag-awayan pa namin kung ano ang pangalan niya noon. Pareho lang naman pala kaming tama.

Nakaka-inggit nga eh. Na-iinggit ako kay Ken. Siya, pinayagan pa siyang lumuwas nang manila para makapag-aral ng Fine arts at makahanap ng grupo na sasalihan.

Na-ikwento niya samin na mahilig daw siyang sumayaw at hobby niya na raw yon kaya gusto niya ding mag-aral ng Fine arts.

Para na kaming isang banda, nakakatawa. Si Ken, Marunong sumayaw. Rap naman ang kay Josh. Kaya ko din namang kumanta. Ang kaso... Si kuya.

Freedom!!

Napabuntong hininga nalang ako.

Salamat pala Justin ha. Biglang wika ni Ken. Kumunot naman ang noo ko.

Saan? Tanong ko.

Nung nakaraan. Kung hindi dahil sayo baka bugbog sarado nanaman ako. Tumawa pa siya ng pilit. Ngumiti na lang ako.

Bakit ka nga daw nila hinahabol? Curios na tanong ko. Napalingon naman samin si Josh na busy sa pagbabasa ng notes niya. Nerd.

Umiwas naman ng tingin si Ken. Mali ata ang tanong ko. Girlfriend. Maikli nitong sagot. Tumango nalang ako.

Mayroon pa kaming 30 minutes ni Josh na Free time. 15 minutes naman ang kay Ken. Kaya nakatambay pa lang kami sa corridor.

Napangisi ako ng may dumaan sa harap. Hindi ito napansin ni Josh dahil busy silang mag-usap ni Ken.

Aray! Langgam! Pag-arte ko nang dumaan si Maris at Stell sa harapan namin. Inakala naman nila Josh at Ken na may langgam talaga.

Yung langgan ang sweet---ay kumakain pala ng sweet! Pang-aasar ko pa para makuha ni Josh ang gusto kong ipahiwatig. Hindi naman ako nagkamali dahil biglang nagsalubong ang kilay niya ng makita sa harap si Stell at Maris na masayang nagtatawanan.

Mukhang nakuha din naman ni Ken na wala talagang langgam at nag-iinarte lang ako. Sinundan niya ng tingin ang nginunguso ko. Napatango-tango naman siya.

Malakas na batok ang na tanggap ko mula kay Josh. Expected ko na yun kaya tinawanan ko lang siya.

Ang cute niya para siyang angry bird. Yung kulay red. Hahaha.

Lakas ng trip mo. Asar na sabi niya. Napailing nalang si Ken nang malakas akong tumawa.

Pasok na ako. Paalam ni Ken. Agad naman akong tumayo.

Weyt! Patingin nga ng sched mo. Wika ko. Taka naman niya akong tinignan.

Bakit? Takang tanong nito.

Sino teacher niyo ngayon? Si Sir Robin? Tanong ko naman. Tinignan niya ang I.D niya kung saan nandoon ang sched niya.

Mmm.. Hong... Ganda. Hong Ganda yung nakalagay. Pagbasa niya. Napatango tango naman ako.

I see. Tara na baka ma-late pa tayo. Wika ko bago ko siya inakbayan at kinawayan si Josh. Tumango lang ang hayop. Tss di pwedeng kumaway pabalik?

Diba iba course mo? Baka bawal ka don. Nag-aalanganganing sabi ni Ken. Umiling naman ako ng nakangiti.

Nope! Basta Gwapo pwede. Pagbibiro ko. Tumango lang siya. Teka-- Hindi ba ako gwapo? Dapat nakitawa siya ah! Psh.

Pagpasok namin don ay kasabay lang namin si Prof Hong.

Oh Jah! Sit in? Tanong nito. Tumango naman ako. Napalingon naman siya kay Ken.

Bago niyo pong estudyante! Ako na ang sumagot para sakanya. Parang bilang lang ang mga salita nitong si Ken eh. Parang laging may nagnonoisy sa paligid niya eh.

Oh, sige sige. Pasok kayo. Huwag kayong mahiya. Wika ni Prof. Hong.

Lahat na po ata ng hiya ko nasalo ni Ken. Muli akong tumawa kasama si teacher Hong bat si Ken? Never mind. Napa-isip tuloy ako bigla, Corny ba jokes ko? Mahilig lang ako sa mais but hindi corny jokes ko noh. Pwede na nga ata akong maging comedian eh.

Pasok na. Muling utos ni Prof. Hong kaya yun naman ang ginawa ko. Umupo kami sa likod pero pinaka-likod ako since di naman ako part ng class nila.

Pansin ko ang impit na mga sigaw ng ilang mga kababaihan sa loob ng room.

Okay settle down, guys. Please. Go back to your proper sit. Utos ni teacher Hong na para bang high school o elementary student lang ang tinuturuan niya.

Okay! Now, We have a new classmate. Uhm, yeah he's right there. Turo niya sa pwesto ni Ken. Medyo parang nagulat pa si Ken.

So, kindly introduce yourself. Utos nito. Tumayo naman si Ken at handa ng I-introduced ang sarili.

Felip John Suson. Maikli nitong pagpapakilala. Expected ko na din yan.

You can call me Ken, if you want.




[This is What I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon