Huwag masiyadong mataas mangarap, masakit bumagsak. Si Josh. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Sino naman kasing nagsabing nangangarap ako ha? Bwelta ko sakanya.
Weh? Hindi ba? Patuloy niyang pang-aasar. Andito kami ngayon sa school sa may parking nakatambay mga wala pang balak umalis.
Hindi. Ano naman ang pangangarapin ko? Pagde-deny ko.
Si Sharlene. Akala mo hindi ka namin nakita na pumunta sa building 5 ha. Kantyaw naman ni Ken. Apat kaming nadirito pero parang tatlo lang dahil kanina pa walang imik si Stell.
Inabot ko lang yung I.D niya noh. Pagrarason ko.
Suus. Eh bakit kailangang ikaw pa ang mag-abot eh ang layo kaya ng CR sa building 5. Si Josh.
May Boyfriend na yun huwag ka ng mangarap. Si Ken.
Hindi ko nga siya pinapangarap okay? Ang tanging pangarap ko lang naman sa ngayon.... Eh yung maka-alis ako sa course na toh. Pahina ng Pahina ang boses ko. Naagaw ko naman ang atensiyon ni Stell. Gulat naman na napatingin sakin si Ken.
Ayaw mo sa course mo? Tanong ni Stell. Ayaw mo ba sa business management? Tanong pa nito. Ito ata ang first na sinabi niya ngayong araw.
Ayoko. Pag-amin ko na nakayuko habang nilalaro ang mga kuko ko sa daliri.
Kung okay lang pag-usapan, bakit mo tinake kahit ayaw mo naman pala? Magalang na tanong nito at halatang pinapakiramdaman ako.
Nag-angat ako ng tingin at tumingin sakanya matapos ay ngumiti ng mapait.
Kasi gusto ni Kuya. Mapait kong tugon.
Ano ba talaga ang gusto mo? Tanong naman ni Ken. Napangiti naman ako.
Alam mo naman na, na lagi akong nakiki-sit in sa klase niyo ng mga fine-arts hindi ba? Tanong ko. Tumango naman ito ng isang beses.
Ayon. Gusto ko kasi o mahilig ako sa pagda-drawing. Pero mas nangingibabaw ang pagkagusto ko sa pagpeperform. Wika ko.
Kanta o Sayaw? Si Stell.
Pareho. Wika ko. Napatango nalang sila at wala ng nagsalita.
Pareho pala tayo eh. Biglang pagku-kuwento ni Stell. Gulat naman kaming napatingin sakanya.
Huwag niyo akong tignan nang ganyan. Tawa nito.
Anong parehas tayo? Ayaw mo rin sa course mo? Tanong ko.
Mm. Dati ayoko dahil gusto ng mga parents ko na manging doctor ako. Since family of doctor kami. Pero, pagluluto at pagkanta talaga ang hilig ko. Kwento nito.
Dati? Hindi na ngayon? Tanong ko.
Mm. I'm now taking culinary course. Nagagawa ko na din na sumali Sali minsan sa mga Gig.
Pano? Takang tanong ko. Eh diba ayaw naman ng mga parents mo? Sinuway mo ba sila? Tanong ko.
Mm. Maikling wika nito.
Hindi ba mahirap para sayo? Tanong ko. Interesado kasi talaga ako pano niya nagagawa iyon.
Mahirap siyempre. Pero kasi... Sarili mong katawan yan. Katawan ko toh. I'm not a robot para kontrolin nila. Try to spread your wings Justin. Be free. Advice nito. Napayuko naman ako.
Natatakot kasi ako. Pag-amin ko.
Kung takot ka, walang mangyayari. Try to overcome your fears. Huwag mong hayaan na ang takot ang maghari sayo. Wala ka talagang mararating. We're unique in different ways. You're unique. You have your own talent na kailangang maipakita sa mundo. Na kailangang makita ng kuya mo. Matanong nga kita, Pinakita mo na ba sa kuya mo ang mga artworks mo o nag performed ka na ba sa harap niya? Tanong nito. Umiling naman ako.
Natatakot akong ma-judge. Wika ko.
Lahat naman tayo hinuhusgahan. Nasasayo na lang yun kung magpapa-apekto ka. Ikaw ba, magpapa-apekto ka ba sa mga sinasabi nila sayo? Tanong nito. Napaisip ako. May point nga naman siya. Then, dahan-dahan akong umiling.
Great. Now try to Chase your dream Justin.
[This is what I want:Enaria_21]
BINABASA MO ANG
This Is What I Want (SB19 SERIES #1)
Fanfiction"My body, My life, My decision" (SB19 SERIES#1) Date Created: January 06 2021 Finish Date: April 26 2021