Journey 28

37 3 1
                                    

30 minutes break! Sigaw ni Teacher Hong.

Sa wakas!

Langya, kanina pa kami halos nag t-training. Pagod na pagod na kaming lahat.

Nung una, ang sabi ni Teacher Hong ay warm up palang daw pero anong klase ba namam ng warm up ang aabutin ng halos 1 hour and 30 minutes?

Tsk tsk tsk. Napatingin ako kay Sejun. Kasalukuyan itong nakatingin sa phone niya. Nang silipin ko iyon ay kita ko ang video kung saan humihingi ng paumanhin ang isang babae tungkol sa issue na 'Lugaw is essential'

"Ewan ko ba, pero sa opinyon ko ha, madalas ang mga tao humihingi lang ng tawad kapag nag-viral na sila pero kapag hindi sila nag-viral may possibility na hindi rin sila mag-apologize"

Napatango naman ako dahil kahit na magsalita pa ako ay wala rin dahil hindi niya ako maririnig dahil naka head set siya.

Naalala ko sabi ng teacher ko 'walang mali sa opinyon' kaya kapag hindi kayo sure sa sagot niyo ilagay niyo lang 'sa opinyon ko ang sagot ay...' tapos kapag minali mag reklamo kayo kasi nga walang mali sa opinyon. Kapag nagreklamo din siya sumbong niyo sa nanay niyo.

;)

Sana okay pa ko.

Ewan ko, dala na rin siguro ito ng kapagudan kung kaya't ano ano na ang nasasabi kong ka-cornyhan.

Napatingin ako sa iba ko pang kasama. Si Stell, Naghu-hum. Si Josh, Tulog. Si Ken... Ewan ko pero naglalakbay ata ang isip niya kasama si Dora.

Maya-maya lang ay bumalik na si Teacher Hong at nagsimula na kami ulit. Nagpra-practice kami ngayon ng sayaw.

Ginagawan namin ng sayaw ang kanta ni Mr. James Reid na 'huwag ka ng humirit' At gaya nga ng sabi ni Teacher Hong ay natapos kami ng 8pm.

9pm na ako nakauwi dahil traffic pa at pag-uwi ko...

As usual....

"Sana hindi kana umuwi" wika ng kuya kong mahal na mahal ako. Ngumiwi naman ako.

"O di sige bye." tatalikod na sana ako kaso bigla nalang may flying spatchula na muntikan tumama sa ulo ko.

San galing yun?!

Napahinto naman ako.

"Ganyan ba ang natutunan mo sa mga barkada mo? Ang sagut-sagutin ako?" tanong nito. Hinarap ko naman siya at matalim na tinignan.

"Wala silang kinalaman dito. Kung bakit ako ganito? Kung bakit kita sinasagot-sagot? Kasalanan mo" mariin kong wika.

"Huwag mo akong sisihin"

"At bakit hindi?! You're the one why I am being so rude. So don't blame my friends! Instead blame your self!"

"Alam mo Justin, sawang sawa na ako---"

"Mas sawang sawa na ako!" sigaw ko at nagkuyom ang mga kamao ko. Tinignan ko siya sa kanyang mata ng diretso kaya bahagya siyang napaatras.

"Sawang sawa na ako maging kuya ka"


[This is What I want:Enaria_21]




(A/N: Hi guys! I apologize kung bakit mas kaunti ang laman ng chapter na toh kahit dati pang maikli. Dati usually 500 words ang laman kada chapter but on this chapter, only 450+ lang. Ganyan talaga... Masipag ang autor eh. Hehe. Don't forget to follow me for you to be updated! Love lots!)



This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon