Journey 48

45 2 0
                                    

"So you're fucking alive?!" galit na tanong ko. "All this time, buhay ka?!"

"Bakit Yani? Surprise? Yes. I'm alive" Malaki ang ngisi niya sa kanyang labi at mas lalo akong nainis roon.

"Bakit ka pa bumalik? Hindi ba't umalis ka na? So bakit ka pa bumalik?!"

"Para alagaan ang hindi mo naaalagaan" bored niyang wika habang nakapamulsa. Ang walang hiya ay umupo pa sa couch nang wala mang pahintulot.

"Ang hindi ko naaalagaan? Lahat ay naaalagaan ko ng MABUTI" proud na wika ko. I heard his sarcastic laugh.

"Sure ka LAHAT? at MABUTI? Hm?" tanong niya saakin. Hindi ko siya sinagot dahil alam kong may pinupunto siya pero hindi ko makuha kung ano iyon. Tumayo siya at pumantay sakin. Ang kaninang nakangising mukha ay naging seryoso.

"How about Justin? Naaalagaan mo ba siya ng mabuti?" tanong niya na para bang alam na alam niya ang lahat. Nagkuyom ang kamao ko dahil parang ipinapamukha niya saakin na wala akong kwentang kapatid at isa akong pabayang kuya.

"Wala kang alam Cj---"

"Alam ko ang lahat, Yani!" sigaw niya. Salubong na ngayon ang kanyang kilay.

"Alam ko na pinilit mo siyang magpakasal noon sa taong hindi naman niya mahal. Alam ko na pinilit mo siyang aralin ang kurso niyang hindi naman niya talaga gusto at alam kong pinilit mo siyang itigil ang pag-abot niya sa kanyang pangarap. Alam ko ang lahat nang iyon Yani. Ikaw ang walang alam" seryoso niyang wika. Ngayon ay para na niya akong sinesermunan bilang panganay na kapatid.

"Ano naman ngayon kung pinilit ko siya? Lahat ng iyon ay para sa kapakanan niya. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay unlike you na bigla nalang mawawala na parang bula at biglang babalik" pagpaparinig ko sakanya.

"Kukunin ko na siya---"

"Ha!" I cut him off. "Kukunin mo siya? That's a bullshit!" sigaw ko. "Anong ipapakain mo sakanya? Meron ba? Hm?" mapanginsulto kong tanong.

"Of course meron. Ako ang leading ngayon sa pinakamataas na popularity ng mga kumpanya. Heaven Company" naka-ngisi niyang wika. That left me dumbfounded.

"Sabihin mo nga saakin Yani? Bakit mo ginagawa ang lahat ng yon kay Justin? Bakit mo siya kailangang paghigpitan? Sa sobrang higpit mo hindi mo na namamalayan na nasasakal mo na siya?" tanong niya. Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata.

"He killed our father---"

"M*ther fuck*r!" galit niyang wika. "Nang dahil sa walang kwentang dahilan ginagawa mo ang lahat ng iyon?! For f*ck's sake. Hindi niya ginawa iyon. Kung sinisisi mo siya nang dahil doon ay nagkakamali ka ng sinisisi. Napakabata niya palang noon at wala pang alam kaya ako dapat ang sisihin mo! " nagsimula nang manubig ang kanyang mata.

" That time.. Nagkasagutan kami ni Papa bago ako umalis nang bahay. Sinigawan niya ako at pinilit na manatili sa bahay. Pero mahal na mahal ko ang asawa ko kaya lumayas ako. Wala pa sa tamang edad si Justin noon. Isipin mo nalang kung gaano kasakit para kay Justin na sa mismong kaarawan niya namatay ang tatay niya at napunta ang lahat ng sisi sakanya na dapat naman ay para sakin" tuluyan nang nakatakas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Then I realized everything.

Wala ako sa tamang pag-iisip nang time na yun at tama nga si Cj walang kinalaman si Justin. Simula noon, he never celebrated his birthday. Ang alam ko lang ay tuwing kaarawan niya ay si Josh lang ang kasama niya.

Am I a bad brother? Napakawalang kwenta ko.

Hindi kasalanan ni Cj o ni Justin kung bakit naranasan ni Jah ang lahat ng paghihirap na naranasan niya. Hindi nila kasalanan dahil...

It's all my fault.


[This is what I want: Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon