THIRD PERSON'S POV
July 7 2005
Abala ang lahat sa paghahanda sa kaarawan ng bunsong anak ng de Dios family. Ang lahat ay may nakapintang ngiti sakanilang labi. Maliban sa dalawang tao na kasalukuyang nasa kusina. Ito ay ang ama ng tahanan at ang panganay na kapatid ng mga de Dios.
"Ano?! Hindi mo man lang ba kami inisip?!" Nagmistulang bomba ang kanilang itay na para bang ano mang oras ay sasabog na ito.
"Pa! Huwag naman po kayo masyadonh mag-drama! May responsibilidad po ako sakanila!" Ganti naman ng panganay na anak
"At saamin? Wala?! May responsibilidad ka din sa pamilyang toh!" Malakas man ang kanilang boses ay walang nakakarinig sapagkat mas malakas pa rin ang ingay na nagmumula sa karaoke.
"Pero pamilya ko din sila" mahinahong wika ni Cj. Panganay na anak ng mga de Dios
"Sila?" takang tanong ng kanyang tatay.
"Buntis po siya. Ako ang ama. Pananagutan ko po si Jessie" seryosong wika nito. Gulat na nakatingin sakanya ang kanyang tatay. Nakabuka ang bibig nito pero walang lumalabas na salita. Napabuntong hininga nalamang ito.
"Paalam pa" wika nito at lumabas na ng kusina. Sumigaw pa ang papa niya ngunit hindi niya na ito pinansin.
Sa sala, nakita niya ang kanyang bunsong kapatid na naglalaro ng kanyang bagong laruan. Gusto niyang maluha dahil alam niyang huling pagkikita na nila ito dahil napagdesisyonan niya na hindi na siya muling babalik pa.
"Kuya san punta? Alis ka? Bakit may bag? Sama ako!" mas lalong naluha ang kanyang kuya dahil kung tutuusin ay napaka-inosente pa ng kanyang kapatid at tiyak na hindi niya pa maiintindihan ang nangyayari.
"B-bujiing, ito ang tatandaan mo ha? Mahaal na mahaaal ka ng kuya Cj mo. Hmm?" wika nito
"Matagal ko na pong alam yan kuya! Don't cry na po"
"Salamat. Nga pala, ito regalo ko. Huwag mo itong tatanggalin kahit kailan ha?" inilabas niya ang purselas na ginawa niya at ibinigay sakanyang kapatid
"Kuya, hindi kasya" malungkot na wika ng kanyang kapatid. Sinadya niyang lakihan ito dahil gusto niya paglaki ng kanyang kapatid ay suot niya ang purselas dahil ito nalang ang tanda para makilala niya ito.
"Hindi kasya kasi hanggang paglaki mo pa yan. Itago mo ha, magagalit ako kapag nawala mo iyan"
"alis na ko bye"
Paglabas niya agad na nag-salubong ang tingin nila ng isa niya pang kapatid. Umiwas siya ng tingin.
Hindi maganda ang relasyon ng dalawa. Tanging ang bunsong kapatid lang nila ang nagpapalit sa kanilang dalawa.
Madalas magselos si Cj kay Yani dahil lagi na lang na si Yani ang napupuri at hindi siya. Gayon pa man alam niyang mahal na mahal niya ito.
Agad na lumapit si Yani sa kapatid. Labing tatlong gulang na ito kaya may alam na siya sa mga nangyayari.
"San ka pupunta? Bakit may dala kang bagahe?" tanong ng kapatid niya at wala man lang itong galang. Nakasanayan na rin niya iyan. Gusto niya mang magpaalam ay hindi na niya ito pinansin at tuloy tuloy na lumabas.
Bago pa man ito makalabas sa kanilanb bahay ay agad siyang napigilan ng kanyang kapatid.
Magsasalita pa sana ito ngunit agad na nakarinig ito ng kalabog sa kusina. Walang nagawa si Yani kung hindi pakawalan ang kanyang kapatid at pinuntahan ang ingay na nagmula sa kusina
Lingid sa kaalaman ng lahat bukod sa kanilang tatay ay iyon na rin pala ang huling pagkikita nila.
[This is what I want:Enaria_21]
BINABASA MO ANG
This Is What I Want (SB19 SERIES #1)
Fanfiction"My body, My life, My decision" (SB19 SERIES#1) Date Created: January 06 2021 Finish Date: April 26 2021