John Felip 'Ken' Suson
Chapter 3
Masaya ka na niyan? Sarkastikong tanong ni Josh.
Di ba obvious? Sarkastiko ko ding sagot.
It's just for 1 week. Why so happy? Bored na sagot nito. Kasaluluyan kaming naglalakad papunta sa school. May dinaanan pa kasi kami diyan sa may malapit na book store.
Tsk! Palibhasa nagagawa mo lahat ng gusto mo eh. Reklamo ko. Bigla naman akong huminto kaya huminto din siya.
Bakit? Takang tanong nito.
Hindi pala lahat. Ni Hindi ka nga makalapit kay Maris eh HAHAHHA. Biro ko sakanya. Tumakbo naman ako dahil alam kong hahabulin ako ng loko pero hindi at naistatwa lang siya sa kinatatayuan niya. Binalikan ko naman siya.
Oh? Anyare sayo? Takang tanong ko.
That's because, Stell is there. That's why. Wika nito habang nakatingin ng malayo.
Bakit hindi pa naman sila ah? May pag-asa ka pa! Pagpapalakas ko ng loob niya.
Anyway, tara na nga. Wika nito.
Nang naglakad kami, don ko lang napansin na ang tinitigan niya sila Maris at Stell na magkasama. Poor Josh.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko kaya pareho kaming napatingin doon ni Josh.
Gutom ka nanaman? Tanong nito.
Ngumiti naman ako ng malapad.
Mag-dunkin dunkin tayo!! Masaya kong wika.
Huwag na. Magkanin ka nalang. Sagot naman nito.
Huwag kalimutan mag dunkin' dunkin' para happy si Justin! Itinaas ko pa ang kamay ko at nag-pout.
O sige pagbigyan ang bata.
Ok Thank you!! Masaya kong wika.
Kung titignan para na kaming mag-kuya ni Josh. Di nga lang halata kasi mas matangkad ako. Mas cute pa.
Matapos namin kumain ay naglakad na ulit kami. Medyo malapit na kami sa school. Maaga pa naman kaya hindi kami nagmamadali.
Psst! Ms. Sexy! Wanna ride? Libre na! Wika ng isang tricycle driver. Mabilis naman na umiwas ang babae at mukhang natakot kay manong.
H-hindi na ho. S-salamat na lang. Takot na wika ng babae.
Nagulat naman kami ng makitang papalapit ang manong sa babae. Agad naman kaming tumakbo ni Josh mula sa kinaroroonan nila.
Agad kong hinila yung babae at tinago sa likod ko. Hinarang naman ni Josh yung manong.
Ayaw niya nga raw po diba? Medyo may inis ang tono ni Josh.
Bata, huwag ka ng mangialam dito. Sabi ng manong.
Hindi na po ako bata. Isa pa, Nababastos niyo na po yung babae. Kalmadong wika ni Josh.
Pupusta ako na sa away nanaman mauuwi ito.
Naramdaman ko naman na humawak ang babae sakin at medyo mahigpit pa. Nang lumingon ako, Puta!!
May dalawang lalaki ang nasa likod namin!
Lord! Help us! Hindi po ako nakikipag-away!!
J-josh. Bulong ko. Nilingon naman niya ako.
M-may dalawa pang mama dito. Medyo natatakot ang boses ko. Hindi niyo ko masisi, eh hindi ako sanay sa gulo eh.
Nagulat na lang ako ng biglang sinuntok ni Josh yung manong ng lalapit sana siya para kunin samin itong babae.
Mas nagulat naman ako ng biglang lumapit samin ang dalawang manong.
Umikot ako para ako ang maharap sakanila at tinatago pa din ang babae.
Hep!! Wika ko. Kung di madaan sa bugbugan daanin sa talino.
Tignan niyo may chicks! Turo ko sa likod ng dalawang manong.
Agad naman silang lumingon. Nang lumingon sila ay pinaguntog ko sila. At sinipa sa tiyan.
Sisipa na sana ako ulit ng biglang mahawakan ng isa ang paa ko.
Oh-oh. Naiusal ko.
Tinulak ng manong ang paa ko dahilan para mapa-upo ako. Tama ang pwet! Masaket!
Susuntukin na sana ako ng isa ng biglang may humarang at sinuntok si manong.
Akala ko si Josh pero iba.
Si Felipe!!
Sinuntok niya ang isang manong sa mukha at sinipa naman ang papalapit na isa.
Nang nilingon ko si Josh nakita kong sinipa niya sa tiyan ang isa at sinuntok sa mukha matapos ay kinuha niya ang kwelyo at isang masapak ang natanggap niya.
And I'm here. Useless. Weak. Ang kaya ko lang ay maitago sa likod ko ang babae na toh. I feel useless.
Maya-maya pa ay tumakbo na ang tatlo. Nagpasalamat naman samin ang babae at umalis na.
Medyo parang may something pa nga ata sa tinginan nila ni Felipe.
Lumapit naman si Josh na nakapamewang pa habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. Angas.
Every day, women live with fear. Minsan kinakahiya ko maging lalake dahil sa nakasanayan na culture dito. Hindi ko nilalahat, pero sana let's normalize educating our sons/family members how to respect women. Doon magsisimula ang pagbabago. Ani nito na para bang nangangaral. Napatango-tango naman ako.
Salamat pala Felipe
Salamat pala Ken
Sabay na wika namin ni Josh. Lumapit naman ako kay Josh.
Felipe nga sabi ang kulit. Bulong ko.
Bopols. Ken yun. Balik na bulong ni Josh.
Ano pala name mo? Tanong ko kay Felipe.
Ken. Maikling sagot nito.
Told you. Wika ni Josh na para bang nagyayabang dahil tama ang hula niya.
Bakit pala narinig ko noon Felipe ang pangalan mo? Takang tanong ko.
Yung lolo ko kasi pa-epal. Sagot nito.
[THIS IS WHAT I WANT: ENARIA_21]
![](https://img.wattpad.com/cover/253898092-288-k426219.jpg)
BINABASA MO ANG
This Is What I Want (SB19 SERIES #1)
Fanfiction"My body, My life, My decision" (SB19 SERIES#1) Date Created: January 06 2021 Finish Date: April 26 2021