Okay ka lang? Ken ask. Hindi naman iyon narinig ng tatlo dahil busy sila mag-usap.
I don't know. Pag-amin ko habang nakayuko at kinakagat pa ang kuko.
Bakit? May problema ba? Dahil ba.. Kay kuya mo .. Ulit? Mahahalata mo ang pagaalala sa tono niya. Hindi naman ako sumagot at nanatiling nag-isip. Iniisip ko yung kagabi.
Anong pinag-uusapan niyo? Sejun ask us. Tapos maya-maya ay ramdam ko na lahat sila ay nakatingin na saakin kaya nag-angat na ako ng tingin.
Jah, kanina pa kita napapansin sa bahay. Alam kong may problema ka. Tell us. Maybe we can help you. Josh said.
Dahil ba nanaman sa kuya mo? Tanong ni Stell at halatang maingat niya itong tinanong at pinakiramdaman pa ako.
Yes. But... Not kuya Yani. Pag-amin ko. Taka silang tumingin sakin maliban kay Josh na gulat na nakatingin sakin.
May isa ka pang kuy---
Si kuya Cj mo ba? Putol ni Josh sa sasabihin ni Sejun halatang gulat na gulat si Josh. Sigurado akong ganyan din ang mukha ko kagabi. I nod. Napatakip pa siya sa kanyang bibig sa sobrang gulat.
Ah kung okay lang, sino ba si Kuya Cj mo? Marahang tanong ni Stell.
Siya ang panganay na kuya ko. But it's almost 13 years na nang huli ko--namin siyang nakita. Pagkukuwento ko.
Mm. Tapos anong nangyari? Bakit.. Bakit ka nagkakaganyan? Tanong naman ni Ken.
13 years na kaming hindi nagkikita at walang komunikasyon, pero kagabi lang... Habang nagpo-phone ako.. He.. He sent me a friend request. Sabi ko at gulat naman silang napatingin sakin.
Then, what did you do? Did you chat him? Sejun ask. Then I shake my hand.
Bakit hindi? Eh akala ko ba 13 years na kayong walang komunikasyon? It's your time. Stell said.
Kasi.. Iniisip ko kung gusto niya akong maka-usap. Kasi kung gusto niya naman akong maka-usap, edi sana siya na ang naunang nag-approach hindi ba? Nauna na sana siyang nag-text. Paano kung nag chat ako tapos seen lang? Edi parang lumabas na ayaw niya akong kausap? Nag-aalala kong tanong.
You know what, nagooverthink ka nanaman. Just try it. Wala namang mawawala. Josh said. Napaisip naman ako.
Anong sasabihin ko? Takang tanong ko.
Kahit ano. Josh said kaya kahit di sigurado ginawa ko ang sinabi niya.
Siguro around alas-tres ng bumalik kami sa cafeteria na pinapasukan ni Sejun. Tumambay pa kasi kami kanina sa condo ni Josh. Tambay nanaman kaming apat dito. Pero hindi naman talaga tambay lang dahil tumutulong din kami minsan. Napag-alaman kasi namin na pag-aari pala ito ng pamilya Nase, pamilya nila sejun.
Naghuhugas ng pinggan si Josh, Nagluluto si Stell at Sejun. Ako ang taga-prepare at Si Ken naman ang taga serve at taga kuha ng order. Minsan nga natatawa kami dahil madalas na nagpapapicture yung mga customer namin sakanya.
Na-meet na din namin yung mommy ni Sejun na si Tita Grace. Napakabait. Same sa daddy niya. Okay lang naman daw na nandidito kami kasi mas lalong dumadami ang customer.
Meron pa ngang time na sobrang dami na as in. Kaya halos hindi na makandarapa si Ken pabalik balik kaya tinulungan ko na siya. Ang kaso, hindi ko maintindihan, bat mas lalong dumami?
Oh tatang! Ngayon nalang ulit kayo nadalawa dito. Wika ni Sejun na nagbibigay ng mga prepared na pagkain kay Ken para ma-i serve.
Mm. Andami niyo atang customer ngayon? Oh Ken Andito ka pala?! No wonder! Medyo pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko pinansin dahil busy ako sa paglalatag ng mga tasa na gagamitin.
Ah hello po. Medyo narinig kong boses ni Ken at nahihiya pa iyon. Pabs, table 16. Iced coffee. Sabi pa nito kay Sejun. Sumigaw naman si Sejun
Stell! Isang iced coffee!! Sigaw ni Sejun. Busy pa din ako sa pagsasalansan ng mga tasa at pagpupunas ng mga nahugasan na ni Josh.
Oh nandiyan din si Stell? Rinig kong wika ulit ng lalaki. And this time napangiti ako dahil kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyo.
Yes po~~Opo~~PreseeEeEnt! Pakanta nitong wika at bumirit pa.
Talaga Stell, Bakit kaya hindi nalang ikaw gumamot kay Haring Fernando at naghirap pa ang Don aa kakahunting sa ibong adarna. Biro nito. Oh teka, may kasama pa ata kayo diyan. Sino yun? Rinig ko ang pabulong na sinabi nito. I smiled at sumilip
Sino pa po ba? Edi ang pogi niyong paboritong estudyante! Wika ko. It's tatang Robin.
Justin?! Gulat na wika nito.
Yes po! You're most hardworking pureboy, Justin! Biro ko pa.
Tignan mo nga naman at magkakakilala kayo. Tapos ay tumawa ito. Sino nga pala ang isa niyo pang kasama? Tanong nito. Napalingon naman si Josh nakakatapos lang mag-hugas ng pinggan.
Sir. Pormal na tugon nito. Oh! Mr. Santos?! Talaga naman oh. Ngayon alam ko na kung bakit madaming customer. Matapos ay tumawa ito. Napangiti nalang din kami at naiiling.
Oh siya! Mauna na ako. Maraming reports pa akong gagawin! Hay buhay! Mas lalo tuloy akong tumatanda. Biro nito at kumaway saamin. Kumaway naman kami pabalik at matapos non ay nagsibalik na sa gingawa.
Around 7 na nang matapos kami at nagpahinga.
Oo nga pala. Jah, sumagot na ba? Tanong ni Sejun.
Sino? Takang tanong ko. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kilay. Ahh... Wika ko ng makuha ang tanonb niya eh. Then, nilabas ko phone ko.
Hindi pa pero na-seen na niya. Malungkot kong wika.
Anong chinat mo? Josh ask.
Nag-tanong ako. Simple kong wika.
Na? Bumuntong hininga pa ako bago sumagot.
Tinanong ko kung ano kaya size ng paa ni Cinderella at bakit kaya wala siyang ka size sa buong kingdom.
[This is what I want:Enaria_21]
BINABASA MO ANG
This Is What I Want (SB19 SERIES #1)
Fanfiction"My body, My life, My decision" (SB19 SERIES#1) Date Created: January 06 2021 Finish Date: April 26 2021