Journey 29

32 3 1
                                    

"Wow. Congarts." kuya Cj said. Kausap ko siya ngayon sa phone. Ibinalita ko sakanya na natanggap ako sa isang audition kahit na.. Hindi naman talaga ako halos nag-apply kasi si Tatang ang mismong kumuha at nag-offer samin.

" But kuya, Why do you need to use a voice changer? Pangit na nga mukha mo. Pangit din ba boses mo? Alam mo bang para akong kumakausap ng holdaper na humihingi ng randsom. Wait---baka impostor ka! Baka hindi ka si kuya! Haluh! Oo nga!" gulat na wika ko. Nang ma-realize na baka scam lang pala ang lahat.

Papatayin ko na sana ang tawag ng muli itong mag-salita.

" Silly. Your favorite number is 7. Mahilig sa pokémon. Bujing at Palachikong ang tawag namin sayo dati nung bata ka. Now tell me, Scam pa din?" pagbibigay nito ng mga pruweba na siya nga ang kuya.

"Clear. Ikaw nga ang kuya kong pangit. HAHAHAHHA" madalas ko siyang laitin para magpalit siya ng profile niya. Inaasar ko siya dahil black lang ang profile pic niya. Ano siya namatayan?

"Suus ikaw. Porket Scammer ka eh dinadamay mo na ang kuya mo" wika nito.

"Hoy. Sinong may sabing scammer ako?!" reklamo ko.

"Maka-hoy naman toh--Hoy ka din. Para lang sa kaalaman mo,follower mo ako sa mga social media mo kaya nakikita ko ang mga pangs-scam mo sa mga followers mo!"

"Ow? Hindi naman ako nang-scam ah"

"Weh? That dynamite challenge, hindi scam? Nung once na nag tweet ka saying 'ang init' tapos nagpost ka sa ig mo na balot na balot ka, hindi scam?"

"Well for your information kuya, Hindi ako ang may problema don. Kasi first of all, masyado lang silang nag-expect. Bakit Bts lang ba ang kumanta ng dynamite? And mainit naman talaga kapag naka-jacket ka ah. Pang winter jacket pa yun" pagtaggol ko sa sarili ko.

"Hays. Kung gaano sana kataba yang utak mo ganon ka din kataba"

"hoy body shaming na yan ah!"

"Hehe. Joke lang. How about your training? Ilang hours yun?"

"3 hours. 5-8. Why?"

"Take care. May school ka ng 9-4 diba? May trabaho ka din. Tapos nagt-training. Baka mapabayaan mo na ang sarili mo niyan." nakunot ang noo ko. How come na alam niyang napapart time job ako? At ang schedule ko?

"how did you know?" takang tanong ko. Ramdam ko na natigilan siya.

"Sorry. I neded to go. Bye!" magsasalita na sana ako kaso binabaan na niya ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko kaso paglabas ko nakita ko si Diko.

"Lagi ka nang may kausao sa phone. Girlfriend?" tanong nito. Napa-irap nalang ako.

"Paano kung oo? Paghihiwalayin mo kami? Hm? Diba?" sarkastiko kong tanong. This time siya ang napa-irap.

" Bastos na bata" rinig kong bulong niya na para bang pinaparinggan ako.

"bastos na matanda" bulong ko din kaso hindi ko pinarinig dahil baka kamao niya ang next na lumipad.

"Susunduin kita mamaya sa school niyo. Be ready. Pupunta tayo sa kumpanya at ipapakilala kita. Kaya mag-ayos ka" wika nito na pinasadahan pa ako ng tingin. Alam niya sigurong aangal pa ako kaya umalis na siya kaagad.

"Tsk. What a nonsense thing. Bakit mo pa ako ipapakilala eh hindi din naman ako magiging business man like you someday." bulong ko sa sarili ko.




[This is what I want: Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon