Chapter 11

54 2 0
                                    

"What?! Seriously?!" sigaw ni Kelvin na may halong tawa. Walang sinagot si Terrance at piniling manahimik, hindi inaabala ang kanyang kaibigan.

"Seryoso?"

"Oo nga." deretsong sagot ni Terrance kay Kelvin. Napalunok si Kelvin bago magbigay ng malungkot na ngiti sa kaibigan bago magslita, "Well..hindi ko alam kung icocongrats ba kita or.. hindi"

"Huh? bakit mo ko icocongrats? e wala pa namang nangyayari" sagot ni Terrance at itinaas ang isang kilay.

Napatahimik naman ng onti si Kelvin sa sinabi ng kanyang kaibigan; tama nga naman si Terrance, bakit niya nga ba icocongradulate si Terrance kung hindi pa naman sila? tama si Terrance, pero hindi iyon ang gusto niyang ipahiwatig. Pero pinili nalang ni Kelvin na hindi na pahabain ito at iba nalang ang pagusapan.

"So, bakit mo nga nagustuhan si miss Sally?" tanong ni Kelvin at kinunot ang noo.

"Ba't ko sasabihin say-"

"Alam ko, alam ko, gusto ko lang malaman, hindi kita aagawan don't worry, chill dude." pagputol na sabi Kelvin kay Terrance habang itinaas ang dalawang palad na para bang ginawa itong pangharang sa sarilli kunyarian.

Tinignan naman siya ni Terrance ng sandalian bago ito magsalita,

"Hmm.." pag-iisip ni Terrance habang nakatingin sa taas na may kunot na noo.

Iniintay naman ni Kelvin ang isasagot ng kaibigan at napalunok.

"Ah!" salitang narinig na lumabas sa bibig ni Terrance na parang may naisip na na isasagot kay Kelvin.

Napangiti naman si Kelvin dahil maririnig na niya ang ikinahihintay na sagot dati pa.

"Secret"

ang sagot ni Terrance na may ngiti sa labi

Napanganga naman si Kelvin sa kabilang palad.

"Secret.."

"Secret.."

"Secret.."

"Secret..."

Ang paulit ulit na salita ni Terrance na tumatakbo sa utak ni Kelvin.

Ilang segundo ang nakalipas, napalitan ng galit ang mukha ni Kelvin at sinugod ang kanyang kaibigan.

"F*ck you ka talaga Terrance!" inis na sigaw ni Kelvin sa binata

"Haha" tawa naman ni Terrance sa aksyon ng kaibigan

Nagsimula namang tumunog ang school bell, at ang mga estudyante ay nagsimula nang magsiupuan sa kani-kanilang upuan.

Pumasok ang dalagang guro, na parang nasa 20 palang na gulang.

"Goodmorning class." sabi neto

Nagsitayuan ang mga estudyante at binati pabalik ang guro,

"Goodmorning miss Sally" pagbati ng mga estudyante

Nginitian ng dalaga an kanyang mga estudyante bago hawakan ang libro at magsimulang magturo.

Nakatingin ng deretso si Terrance sa dalaga habang ang kanyang mga pisngi ay namumula. Nakatingin naman si Kelvin sa kaibigan bago ito magbuntong hininga.

Pagktapos magsulat ng dalaga sa blackboard, tumingin ulit siya sa kanyang harapan at napadaan ang mga mata kay Terrance. Parehas na para bang nagulat ang dalawa nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

Nginitin lang ni miss Sally si Terrance bago magturo ulit eto. Si Terrance naman ay napahawak sa likod ng kanyang leeg at napatingin sa ibang dereksyon. Ang pisngi ay mas namula.

AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon