Chapter one

94 6 0
                                    

''TERRANCE!''

Sigaw ng isang lalaki sa kanyang kaibigan nang matalo siya sa laro nila na video game.

''BA'T MO GINAWA YUN?!"  sigaw ulit niya,

Ngumisi lang si Terrance nang makita niya ang pagkairita ng kanyang kaibigan habang maylollipop sa bibig niya. 

''Ano? Ano bang ginawa ko sayo?" sabi niya,

''NATALO TULOY AKO! 

''Kasalan mo yan.'' ngiting sabi ni Terrance sa kanya, ''Isa pa. Bilis." 

Tinignan lang siya ng kaibigan niya ng masama at nagbugtong hininga pagkatapos. Pinindot ulit nito yung restart button sa screen. 

"Di kita papanalunin!" sabi ng kaibigan ni Terrance sa kanya. 

"Mm." maikling sagot ni Terrance sa kanya habang nakatingin sa screen na may poker face. 

Inayos ng kaibigan ni Terrance yung daliri niya sa controllers habang naghihintay magrestart yung game nila. Bakas sa mukha ng lalaki na determinado siyang manalo. 

3...2...1......START!

Pinindot kaagad ng kaibigan ni Terrance yung controllers nung nakita niya yung sign. Sunod sunod ang pagtira niya sa character nung isa at walang balak tumigil. Hindi nabigyan ng chance si Terrance umatake kasi suntok ng suntok at sipa ng sipa yung character ng kaibigan niya sa character niya. 

"Waa.." mahinang sabi ni Terrance na para bang walang pakielam kahit matalo siya. Pinanood niya lang ito na parang pelikula lang habang ang kaibigan niya ay seryosong seryoso naglalaro para lang matalo siya. 

FINISH! PLAYER 1 WINS!

Tinaas ng kaibigan ni Terrance yung kamay niya habang hawak yung controller na may malaking ngiti sa bibig nito.

"FU*K YEAHHH!!" sigaw nito na parang nanalo sa lotto. Lumingon ito sa side kung nasaan si Terrance at tsaka tinuro.

''HA! PANU BA YAN! PANALO AKO" mayabang na sabi nito.

Tumingin lang si Terrance sa kanya habang hawak yung stick ng lollipop na nasa bibig niya. Inalis ulit niya yung lollipop sa bibig niya para makasalita.

"Congrats." maikling sabi ni Terrance dito at tumayo palabas ng kwarto niya para kumuha ng pagkain sa baba.

Nanatiling tahimik yung kaibigan niya dahil nafeel niya na kahit nanalo siya, eh para bang talo parin siya dahil sa pagka-walang pakielam ni Terrance sa pagkapanalo niya. Lalo na nung nakabakas sa mukha ni Terrance yung usual and always poker face niya.

Nang bumalik si Terrance na may dala na pagkain ay biglang tumayo ito at bigla nalang simigaw.

AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon