Liana's POV
Masarap ang himbing ko nang marinig ko si mama na sumigaw sa akin na gumising na raw ako at baka ako'y malate sa school. Naggroan lang ako at tinago ang ulo ko sa unan.
Sinagawan ulit ako ni mama na gumising, pero hindi ko siya sinunod.
"..isa pang oras..." antok na sabi ko
"Anong isang pang oras?! Gumising ka na dyan at malalate ka na! Jusko po!"
Walanakong nagawa kundi sundin nalang si mama, tama rin naman siya. Bumangon ako sa kama at kinamot yung mata ko. Umalis na si mama pagkatapos nun. Pero narinig kong sinabi niya na bilisan ko raw. Sumagot naman ako ng inaantok na"opo..."
Pagkatapos kon magmuni-muni, tumayo na ako at nagstretch. Lumakad ako papalabas ng kwarto. Bumaba ako at nakita ko ang dalawang kapatid ko na nakaupo na sa lamesa, naghihintay ng almusal.
"Maligo ka na Liana." sabi ni mama sa akin habang nagluluto siya ng pritong itlog.
Walang akong sinabi at nagpatuloy nalang maglakad papunta sa cr. Sa hindi ko namamalayan, hindi ko pala kinuha yung towel ko sa kwarto. Buti hindi pa ako nagsisimula maligo.
Tumakbo ako papalabas at kinuha yung towel ko sa kabinet ko at bumalik ulit sa banyo para maligo.
" Bilisan mo maligo" sabi sa akin ni Louise, pangalawang bunsong kapatid ko habang naghihitay kay mama.
"Mhm.." sabi ko
Sinarado ko yung pinto at sinabit yung towel ko sa hook sa pinto. Binuksan ko yung gripo t naramdaman ko ang lamig ng tubig. Hindi na ako magrereklamo, mahirap lang kami, anong magagawa ko.
Sinakop ko yung malamig na tubig sa tabo at ibinuhos sa ulo ko. Napatalon ako sa lamig. Nagbuhos ulit ako ng tubig sa katawan ko hangang sa basa na ko.
Pagkatapos non, kinuha ko yung shampoo sa lalagyanan ng mga sabon at iba pang panglinis ng katawan.
Kinuha ko yung tabo na may tubig at nilagyan ng shampoo eto.Hinalo ko ng onti at ibinuhos eto sa ulo ko.
Pgkatapos kong maligo, dumeretso na ko sa kwarto ko para magbihis. Medyo gising na ako dahil sa lamig ng tubig. Mas maganda na yun.
Habang nagbibihis ako, tinignan ko yug orasan. Medyo kailangan ko ng bilisan ang pagkilos.
Lumabas ako sa kwarto ng mabilis at umupo sa hapagkainan. Kinain ko yung almusal namin ng mabilis. Pinagdikit ko yung dalawang kamay ko at nagsabi ng "Salamat sa pagkain" bago ako tumayo sa inuupuan ko.
Nagpaalam na ko sa kapatid ko at kay mama.
Tumakbo ako ng mabilis para hindi ako malate. Hayy..lagi nalang ganito, pero okay lang! sanay na ako! malakas ata tong babaeng to! *peace sign*
Pagkalipas ng mahabang minuto ng paghihirap ko, nakapunta na ko sa school. Pero hindi pa diyan natatapos ang paghihirap ko.
Kailangan ko pang lakarin tong mahaba at malawak na daan papunta sa main entrance ng school. Yung ibang estudyante nakasakay sa sasakyan, yung mga tamad kung tawagin. Buhay mayaman nga naman.
For the first time, nope not really, hindi ko nakita si Terrance. Usually kasi nakakasabay ko siya sa paglalakad tuwing umaga. Baka nalate? Ewan. Basta, pumasok siya.
Nagputuloy akong naglakad hangang sa makapasok na nga ako sa loob ng school. Nilagay ko yung sapatos ko sa mala-eleganteng shoe locker dito at sinarado.
Tumaas ako kung nasaan ang room ko, at dun ko nakita si Terrance, nakikipagtawanan sa mga kaklase niyang lalaki. Tumingin siya sa akin habang may ngisi sa mukha bago niya ituwid yung nakabend na katawan niya dahil sa kakatawa..ata?

BINABASA MO ANG
Affinity
RomanceBoth childish. Both dense. Both don't care. So late to feel. So late to notice. But all in all, Affinity grows between.