.
.
.
.
.
"Terrance! tignan mo oh!" sabi ni Liana sa kanyang kaibigan, hawak hawak ang isang keychain sa kamay niya. Tumingin si Terrance sa hawak ng dalaga, "oh? keychain?" tanong ng binata.
"Ang cute no?" masiglang sabi ni Liana na may ngiti,
"Kaya nga e" sagot ni Terrance
Tinitigan ulit ng dalaga ang maliit na palamuti na parang inaapreciate niya ang kacute-tan neto. Samantalang si Terrance naman ay nakatingin sa kanya,
"Gusto mo ba yan?"
"Huh? oo"
"Bilhin natin"
"A-ah? Eh--nako! wag na!"
"I insist" sabi ni Terrance at hinablot ang keychain sa kamay ng kaibigan
"Ayoko pala niyan!" sagot naman ni Liana, sabay hawak ulit sa keychain
"E gusto ko to e"
"Ayoko nga--"
Bago pa makapagsalita si Liana, ay nabili na ni Terrance ang maliit na palamuti.
Napabugtong hininga nalang si Liana, "sabi kong ayoko e.."
"Sinong nagsabing sa iyo to?"
"Huh?"
"Binili ko to para sakin, hindi para sa iyo"
Namula si Liana sa kahiyaan, ganun narin ang pagkagalit
"A-akala ko binili mo yan para sa akin!" sigaw ni Liana
"Nope"
"Bwiset ka Terrance!" sabi ng dalaga at nagsimulang maglakad papalayo sa binata
Napahinto at napalingon si Liana sa paglalakad nang marinig niya ang binata na tumawa ng mahina.
"Just kidding"
"Hm?"
Lumapit si Terrance kay Liana at kinuha ang isa niyang kamay,
"Binili ko talaga to para sa iyo" amin ni Terrance at nilagay ang keychain sa kamay ng dalaga
Napatingin lang si Liana sa kamay niya
"Asan yung thank you ko?" tanong ni Terrance
"S-salamat..!" sagot ni Liana na may tono ng kasiyahan at pagpapasalamat
"You're welcome" sagot pabalik ni Terrance at nagbigay ng ngiti
Napatunganga si Liana kay Terrance na parang may sariling mundo
"Hm? bakit? anong problema?" tanong ng binata
Napangiti ng mabagal si Liana at umiling
"Mhm, wala, naisip ko lang na ang swerte ko na may kaibigan ako tulad mo.." amin ng dalaga habang nakatingin sa keychain.
Napangiti naman pabalik si Terrance sa kanya bago neto ipatong ang noo sa ulo ng dalaga,
"Ganun ba? ako rin e.."
Tinaas ni Liana ang ul para tumingin sa kaibigan. Binigyan niya ng grin si Terrance bago niya yakapin eto.
"Mahal na mahal kita!!" sigaw ni Liana sa dibdib ni Terrance
"Haha, ako rin" sagot ng binata
Umalis si Liana sa pagyayaap niya kay Terrance at lumakad
"Halika ka na! baka mahuli tayo sa sine!"
BINABASA MO ANG
Affinity
RomanceBoth childish. Both dense. Both don't care. So late to feel. So late to notice. But all in all, Affinity grows between.