Chapter 16

52 1 1
                                    

Pinanood ni Kelvin ang dalawang kaibigan ng may malungkot na ngiti sa mukha niya, habang ang kalahati ng katawan niya ang nakasandal sa lamesa na malapit sa kanya. Ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa.

"Terrance! samahan mo ako!"

"Saan?"

"Sa cafeteria!"

"Kaya mo namang pumunta mag-isa dun, ba't kailangan mo pa ko isama?"

"Bilis na! wag ng maarte!"

"Ayoko..tinatamad ako"

pinasak ni Terrance ang dalawang earphone sa tenga niya at kunyariang walang naririnig. Patuloy namang umaangal si Liana.

"Ahaha...samahan mo na si Liana Terry.." pagsisimula ni Kelvin

"Tinatamad nga ako" sagot naman ni Terrance

"Saglit lang naman e!" sigaw ni Liana habang hinihila ang kalyo ng polo ni Terrance

Hindi pumalag si Terrance sa pagkakahila ni Liana at nagpatuloy na hindi pansinin ang dalaga.

"Ayoko nga, gusto mo kay Kelvin ka nalang magpasama"

Binitawan ni Liana ang kalyo ng polo ni Terrance at hinawakan naman neto ang braso ni Kelvin sunod.

"Ewan ko sayo! Kelvin bilis samahan mo ko" inis na sabi ni Liana sabay hila papalabas kay Kelvin

"A-ah wait lang..!" utal na sagot ni Kelvin sa gitna ng pagkakahila sa kanya ni Liana. Muntikan na rin tong madapa dahil garos ang pagkakahila ni Liana sa kanya

Tinitigan lang sila ni Terrance hangang sa paglabas nila bago eto lumingon sa cellphone niya. Nagsimulang magpatugtog si Terrance at pinanood naman ang kanyang mga kaklase sunod.

"Sobrang tamad talaga non ni Terrance!"

"Ahaha, ngayon mo lang nalaman?"

"Ganon rin ba siya sa bahay nila?"

"Yeah"

Nagbuntong hininga nalang si Liana dahil wala na siyang magagawa sa munting kaibigan niya.

Pagtapos makabili ni Liana ng pagkain ay lumakad na sila muli pabalik sa room nina Terrance at Kelvin.

Sa paglalakad nila ay nasalubong nila ang dalagang guro na si Sally, kung tawagin ng mga estudyante ay "miss sally" na lumabas galing sa teacher's lounge.

"Sige po, mauna na po ako" magalang na sabi ng dalaga habang may magalang na ngiti rin sa kanyang mukha.

"O sige" rinig naman na sagot ng guro sa loob ng teacher's lounge bago isarado ng dalaga ang pinto

Napahinto naman ang dalawa sa paglalakad, ganun na rin ang dalagang guro.

"Ah! miss sally, hello po!" pagbati ni Liana na may ngiti at nagbow

Ngumiti rin pabalik si Sally kay Liana at bumati rin ng hello dito, samantalang pinanood lang at tumingin lang si Kelvin sa dalawa
"Kain lang po kami, mauna na po kami sa inyo" magalang na sabi ni Liana

"Ah, sige sige" magalang na sagot naman ni Sally habang may ngiti parin sa kanyang mukha

Nagsimula maglakad si Liana pwera kay Kelvin. Lumingin si Liana kay Kelvin at nagsalita.

"Huh? Kelvin? halika ka na"

"Mauna ka na Liana, may bibilhin lang rin ako" pagsisinungaling ni Kelvin

"Huh, okay"

Patuloy nang naglakad si Liana papunta kay Terrance at patuloy na ring naiwan si Kelvin at Sally mag-isa.

AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon